Menu

Susunod

Tagalog Christian Music Video | "Bakit Laging Gumagawa ng mga Kahilingan ang Tao sa Diyos?"

16,098 2021-09-10

Maging anuman harapin ng tao,

interes lang nila ang iniisip.

Sariling laman lang iniingatan,

nagdadahilan para sa sarili nila.

Sila'y walang katotohanan,

binibigyang-katwiran laman nila.

Iniisip lang kanilang mga inaasam.

Inaangkin biyaya ng Diyos

makuha lang ang kaya nila.

Sa lahat ng kanilang ginagawa,

sa hangarin nila, isipan at nais,

sila'y humihingi sa Diyos at nang-aangkin.

Kalikasan ng tao'ng nagdudulot nito.

Bakit kayraming hiling ng tao sa Diyos?

Tunay ngang sila'y likas na sakim

at walang katinuan sa harap ng Diyos.

Oo, wala silang katinuan sa harap Niya.

Maraming hiling ang tao sa Diyos

nagpapatunay na wala silang katinuan.

Sila'y humihingi at nagdadahilan

para lang sa kanilang kapakanan.

Walang katinuan sa ginagawa nila,

na patunay ng lohika ni Satanas,

na "Kalangita'y pinupuksa

yaong 'di iniingatan ang mga sarili".

Labis na paghingi ay patunay

kung ga'no katiwali ginawa ni Satanas ang tao,

na tao'y hindi tinuturing ang Diyos

na Diyos sa anumang paraan.

Bakit kayraming hiling ng tao sa Diyos?

Tunay ngang sila'y likas na sakim

at walang katinuan sa harap ng Diyos.

Oo, wala silang katinuan sa harap Niya.

Sa labas, sinusundan mo nga ang Diyos,

ngunit sa'yong saloobin sa Kanya,

sa pananaw at maraming bagay,

'di mo Siya tinatrato bilang ang Lumikha.

Bakit kayraming hiling ng tao sa Diyos?

Tunay ngang sila'y likas na sakim

at walang katinuan sa harap ng Diyos.

Oo, wala silang katinuan sa harap Niya,

sa harap ng Diyos.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon