I
Mga salita ng Diyos ang prinsipyo upang tao'y mamuhay,
ang layunin, landas, at direksyon
na naging daan sa kaligtasan niya.
'To'y nagbibigay ng katotohanang dapat niyang taglayin,
katotohanan kung pa'no sinasamba't sinusunod ang Diyos.
Iyon ang garantiya ng pananatiling buhay ng tao,
ang buhay na pang-araw-araw na tinapay,
ang tanging matibay na suporta
para siya'y maging malakas at may paninindigan.
Mga salita Niya'y simple o malalim man,
kailangan 'yon ng tao sa pagpasok sa buhay.
Iyon ang pinagmulan ng tubig na buhay
na bigay sa tao upang mabuhay sa laman at espiritu,
na kailangan niya upang manatiling buhay.
II
Dala ng salita Niya'ng katotohanan ng normal na pagkatao't
ang katotohanang tao'y makakatakas
sa kasamaan, katiwalian at patibong ni Satanas.
Dala'y walang-pagod na pagtuturo, pagpapayo,
paghikayat at pag-aliw mula sa Lumikha.
Ito'y nagliliwanag at gumagabay,
upang maunawaan ng tao
ang lahat ng positibong bagay.
Mga salita Niya'y simple o malalim man,
kailangan 'yon ng tao sa pagpasok sa buhay.
Iyon ang pinagmulan ng tubig na buhay
na bigay sa tao upang mabuhay sa laman at espiritu,
na kailangan niya upang manatiling buhay.
III
Mga salita ng Diyos ay garantiyang
tao'y makakamit lahat ng matuwid,
at lahat ng mabuti.
Mga salita Niya'ng pamantayan
sa pagsukat ng lahat, lahat ng tao't kaganapan,
at lahat ng bagay sa mundo.
Tanda 'yon na umaakay sa tao
tungo sa kaligtasan at liwanag.
Mga salita Niya'y simple o malalim man,
kailangan 'yon ng tao sa pagpasok sa buhay.
Iyon ang pinagmulan ng tubig na buhay
na bigay sa tao upang mabuhay sa laman at espiritu,
na kailangan niya upang manatiling buhay.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin