I
'Pag Banal na Espiritu'y gumagawa upang liwanagan ang tao,
binibigyan Niya sila ng kaalaman
ng gawain ng Diyos, ng tunay na pagpasok nila't
kaalaman ng tunay na estado nila.
Tinutulutan ring maunawaan ang kagyat na hangarin ng Diyos
at mga hinihingi Niya sa tao ngayon.
At nang sa gayon sila'y may pagpasiyang
isakripisyo'ng lahat upang mapalugod ang Diyos,
mahalin Siya kahit sa kahirapan,
kahit sa pag-uusig,
at tumayong saksi para sa Diyos,
binibigay ang buhay nang walang hinayang.
II
Kung may ganito kang pagpapasiya, ibig sabihin:
May pagkapukaw ka't gawain ng Banal na Espiritu.
Gayunpaman, alam mo dapat na 'di mo taglay
ang gayong pagkapukaw sa bawat sandali.
Sa mga pulong, 'pag nagdarasal ka't nagbabasa ng salita Niya,
makararamdam ka ng pagkaantig.
'Pag iba'y nagbabahagi sa mga salita ng Diyos,
bago't sariwa ito sa 'yo,
at puso mo'y lubos na malinaw at maliwanag.
Lahat ito'y gawain ng Banal na Espiritu.
Marahil ika'y isang pinuno't
binibigyan ka ng Banal na Espiritu
ng pambihirang kaliwanagan
'pag pumupunta ka sa iglesia upang gumawa.
Mababatid mo'ng suliranin ng iglesia't
ang katotohanan upang lutasin 'to.
Nagagawa mong maging sobrang masigasig,
napakaresponsable't seryoso sa gawain mo.
Oo, lahat ng ito ay paghahayag,
lahat ng ito ay gawain ng Banal na Espiritu.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin