I
Tatlong yugto ng gawain ng Diyos
ay tala ng mga gawain Niya,
pa'no Niya nililigtas ang tao,
at ito'y 'di kathang-isip.
Upang malaman ang buong disposisyon Niya,
dapat mong malaman ang bawat yugto.
Iyon ang pinakamaliit upang makamit
ang pagkilala sa Diyos.
Tao'y 'di makagawa ng kaalaman sa Diyos,
'di ito kayang isipin,
ni pagkakaloob ng Banal na Espiritu
sa isang taong espesyal.
Sa halip ito'y kaalamang nakakamit
'pag naranasan ang gawain ng Diyos,
kaalamang nalalaman lang sa
pagdanas ng gawain Niya sa personal.
Gayong kaalama'y 'di makakamtan nang basta-basta,
ni hindi isang bagay na kayang ituro.
Ito'y kaugnay sa inyong karanasan sa Kanya,
sariling karanasan niyo sa Kanya.
Ang tatlong yugto ng gawai'y
Kanyang pagliligtas sa tao.
Tao'y dapat alam ang gawai't disposisyon Niya
sa gawain ng pagliligtas;
kung wala ito, kaalaman mo
sa Diyos ay walang saysay,
mga hungkag na salita't
walang kwentang usapan,
mga hungkag na salita't
walang kwentang usapan.
II
Pagliligtas Niya sa tao'ng buod na gawain,
ngunit 'to'y may maraming paraan sa paggawa't
paghahayag sa Kanyang disposisyon.
Ito'y mahirap sa taong maintindihan.
Pagbabago sa gawain Niya, lokasyon,
at sa tatanggap nito't
paghihiwalay ng mga kapanahunan—
ito'y bahagi lahat ng tatlong yugto.
Pagbabago sa paraan ng paggawa ng Espiritu,
sa disposisyon Niya, wangis, pangalan at katayuan,
ay parte lahat ng tatlong yugto ng gawain,
tatlong yugto ng gawain.
Ang tatlong yugto ng gawai'y
Kanyang pagliligtas sa tao.
Tao'y dapat alam ang gawai't disposisyon Niya
sa gawain ng pagliligtas;
kung wala ito, kaalaman mo
sa Diyos ay walang saysay,
mga hungkag na salita't
walang kwentang usapan,
mga hungkag na salita't
walang kwentang usapan.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin