I
Ang huling yugto'y maglilinaw sa'yo
sa batas ni Jehova at pagtubos ni Jesus.
Layuni'y nang maunawaan mo'ng anim-na-libong-taong plano Niya,
layunin ng gawain at mga salita ni Jesus,
pati bulag mong paniniwala at pagsamba sa Bibliya.
Magagawa mong maunawaan
ang ginawa ni Jesus noon
at ang ginagawa ng Diyos ngayon.
Makikita mo ang katotohanan,
ang buhay at ang daan.
Itong yugto ng gawain ngayo'y
para sa pagtatapos at paglilinis,
sa pagtatapos ng lahat ng gawain.
Kung may salitang mananatiling 'di nasabi,
gawai'y 'di makakaabot sa huli;
sa yugtong ito gawai'y inihahatid
sa huli sa paggamit ng salita.
II
Umalis si Jesus na gawai'y 'di natapos,
dahil 'di 'yon yugto ng gawain Niya;
Kanya'y natapos nung Siya'y 'pinako sa krus.
Yugto Niya'y may mga salitang 'di nasabi
o 'di buong ipinahayag,
ngunit wala Siyang pakialam dito,
ministeryo Niya'y 'di sa salita.
Kaya Siya'y lumisan sa lupa
matapos Siyang ipako sa krus.
III
Ang huling yugto'y magdadala sa gawain ng Diyos sa katapusan.
Tao'y mauunawaan plano ng pamamahala Niya.
Kuru-kuro't balak ng tao, pananaw niya sa mga Gentil,
maling pagkaunawa sa gawain ni Jehova at Jesus,
at iba pang paglihis ay maitatama.
Tao'y mauunawaan
lahat ng tamang landas sa buhay,
lahat ng nagawa ng Diyos,
ang buong katotohanan.
Saka magtatapos yugtong ito.
Itong yugto ng gawain ngayo'y
para sa pagtatapos at paglilinis,
sa pagtatapos ng lahat ng gawain.
Kung may salitang mananatiling 'di nasabi,
gawai'y 'di makakaabot sa huli;
sa yugtong ito gawai'y inihahatid
sa huli sa paggamit ng salita.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin