Nguni’t silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.
Sapagkat gayon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya’y hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan.
Pagtingin ni Jesus sa kanila'y nagsabi, ‘Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Diyos: sapagkat ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Diyos.’
Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.
Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.