Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos"
Sangkatauhang tinapakan ni Satanas,
sina Eba at Adan ay di na naging tulad sa simula ng paglikha.
Ngunit puno ng mga paniwala, kaalaman, imahinasyon
at mga bagay na salungat sa Maylikha.
Puno ng tiwaling disposisyon.
Gayunpaman, sa mata ng Diyos sila'y Kanya pa ring nilikha.
'Pag narinig ng tao ang tawag ng Lumikha,
tinig Nya'y hahanapin agad kung saan ito nanggagaling.
'Pag ang anyo ng Lumikha ay masilayan man lang,
lahat ay kanyang iiwan upang sarili'y ilaan,
buhay ma'y handang ialay para sa Diyos.
Sa tao'y Diyos pa rin ang sasaayos at namamahala,
tao'y tumatahak pa rin sa landas na Diyos ang may takda.
Kaya sa Kanyang mata, tao'y tiwali, tiniwali ni Satanas.
Nabalot lamang ng dumi, tinaglay ng kagutuman,
medyo mabagal and reaksyon, mahina ang memorya, may kaunting edad sa gulang.
Ngunit lahat ng tungkulin at likas na ugali nanatiling buo.
Ito ang sangkatauhang ibig iligtas ng Diyos.
'Pag buong pusong naintindihan ng tao, ang nais ipabatid ng maalab N'yang tinig,
itatakwil at iiwanan niya si Satanas upang pumunta sa tabi, sa tabi ng Lumikha.
Kapag ang dungis ay lubusan nang nalinis,
muli pa panustos ng buhay ay tinatanggap mula sa Lumikha,
alaala ng sangkatauha'y manunumbalik.
Nang sa gayo'y tuluyan siyang babalik sa dominyon ng Lumikha.
At siya'y tunay at tuluyan nang babalik sa dominion ng Lumikha.
'Pag narinig ng tao ang tawag ng Lumikha,
tinig Nya'y hahanapin agad kung saan ito nanggagaling.
'Pag ang anyo ng Lumikha ay masilayan man lang,
lahat ay kanyang iiwan upang sarili'y ilaan,
buhay ma'y handang ialay para sa Diyos, para sa Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin