Ang bida ay dumanas ng mga problema sa kalusugan mula sa kanyang pagkabata, pero salamat sa biyaya ng Diyos, nakakita siya ng pagbuti ng kanyang kondisyon matapos niyang maging isang mananampalataya. Pagkatapos no'n ay ibinigay niya ang kanyang sarili sa masigasig na pagtupad sa kanyang tungkulin. Ang gulat niya, lumala ang kanyang kondisyon makalipas ang ilan taon, sa puntong naging banta na ito sa kanyang buhay. Sa gitna nito, ang pabrika kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawa ay nalugi, na naging sanhi para dumanas ng kahirapan ang kanilang pamilya. Sa kanyang paghihirap, hindi niya maiwasang makaramdam ng hinanakit sa Diyos at nawalan siya ng gana na gawin ang kanyang tungkulin. Sa pamamagitan ng paghahanap at pagninilay, napagtanto niya na ang kanyang motibasyon sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin ay para makakuha ng mga pagpapala. Nakikipagtawaran siya sa Diyos, dinaraya at nilalabanan Siya. Napuno siya ng pagsisisi at gustong baguhin ang kanyang maling pananaw sa paghahanap at magpasakop sa pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos. Kamangha-mangha, ang kanyang kondisyon ay unti-unting bumuti at ang kanyang asawa ay muling nakahanap ng trabaho. Ito ang kanyang personal at totoong karanasan kung paanong ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para linisin at iligtas ang sangkatauhan.