Menu

Susunod

Christian Music | Ang Landas ng Matagumpay na Pananampalataya sa Diyos (Tagalog Subtitles)

1,137 2020-09-16

Christian Music | Ang Landas ng Matagumpay na Pananampalataya sa Diyos (Tagalog Subtitles)

Ang mga hantungan nina Pablo at Pedro ay nasukat

ayon sa kung kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang

mga nilalang ng Diyos,

at hindi ayon sa laki ng kanilang ambag;

ang kanilang mga hantungan ay nalaman ayon doon sa

kanilang hinanap mula sa pasimula,

hindi ayon sa kung gaano kalaki ang gawaing kanilang ginawa,

o sa pagtantya ng ibang tao sa mga iyon.

Kaya't, ang paghahangad na aktibong magampanan

ang tungkulin ng isang tao bilang isang nilalang ng Diyos

ang landas patungo sa tagumpay;

ang paghahangad sa landas ng tunay na pag-ibig para sa Diyos

ang pinakatamang landas;

ang paghahangad sa mga pagbabago sa dating disposisyon ng isang tao,

at paghahangad ng dalisay na pag-ibig para sa Diyos,

ay ang landas tungo sa tagumpay,

ay ang landas tungo sa tagumpay.

Ang gayong landas tungo sa tagumpay

ay ang landas ng pagbawi ng orihinal na tungkulin

gayon na rin ang orihinal na anyo ng isang nilalang ng Diyos,

ay ang landas ng pagbawi ng orihinal na tungkulin

gayon na rin ang orihinal na anyo ng isang nilalang ng Diyos.

Ito ang landas ng pagbawi,

at ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos

mula simula hanggang katapusan.

Kung ang paghahangad ng tao ay nabahiran ng personal na maluhong mga hinihingi

at hindi makatwirang mga pag-asam,

kung gayon ang epekto na natatamo

ay hindi magiging ang pagbabago sa disposisyon ng tao.

Ito ay salungat sa gawain ng pagpapanumbalik.

Walang duda na ito ay hindi gawaing ginawa ng Banal na Espiritu,

at pinatutunayan lamang na ang ganitong klase ng paghahangad

ay hindi sinang-ayunan ng Diyos,

ay hindi sinang-ayunan ng Diyos.

Anong halaga mayroon ang isang paghahangad na hindi sinasang-ayunan ng Diyos?

Anong halaga mayroon ang isang paghahangad na hindi sinasang-ayunan ng Diyos?

Anong halaga mayroon ang isang paghahangad na hindi sinasang-ayunan ng Diyos?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon