Menu

Susunod

Christian Music Video | "Nadala Kami sa Harap ng Luklukan"

9,202 2021-02-04

Nadala kami sa harap ng luklukan,

dahil lamang sa biyaya at awa ng Diyos.

Nagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ang puso ng napakaraming banal,

na hindi nag-aalinlangan sa kanilang espirituwal na paglalakbay.

Matatag sila sa kanilang pananampalataya na nagkatawang-tao na ang nag-iisang tunay na Diyos,

na Siya ang Pinuno ng sansinukob, na nag-uutos sa lahat ng bagay:

Pinagtibay ito ng Banal na Espiritu, kasintatag ito ng kabundukan!

Hindi ito magbabago kailanman!

O, Makapangyarihang Diyos! Ngayon ay Ikaw ang nagbukas sa aming mga espirituwal na mata,

na tinutulutang makakita ang bulag, makalakad ang pilay,

at mapagaling ang mga ketongin.

Ikaw ang nagbukas sa durungawan sa langit,

na tinutulutan kaming mahiwatigan ang mga hiwaga ng espirituwal na dako.

Naturuan ng Iyong mga banal na salita

at naligtas mula sa aming pagiging tao, na ginawang tiwali ni Satanas—

ganyan ang Iyong di-masukat na dakilang gawain at Iyong di-masukat na matinding awa.

Kami ay Iyong mga saksi!

Matagal Kang nanatiling nakatago, nang mapakumbaba at tahimik.

Napasailalim Ka sa pagkabuhay na mag-uli mula sa kamatayan,

sa pagdurusa ng pagpapako sa krus,

sa mga kagalakan at kalungkutan ng buhay ng tao,

at sa pag-uusig at kahirapan;

naranasan at nalasap Mo ang pasakit ng mundo ng tao, at tinalikdan Ka ng kapanahunan.

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Diyos Mismo.

Alang-alang sa kalooban ng Diyos, nailigtas Mo kami mula sa tumpok ng dumi,

at inalalayan Mo kami gamit ang Iyong kanang kamay,

at malayang ibinigay sa amin ang Iyong biyaya.

Ginawa Mo ang lahat, ihinubog Mo ang Iyong buhay sa amin;

ang halagang binayaran Mo gamit ang Iyong dugo, pawis at luha ay nagpatatag sa mga banal.

Kami ang produkto ng Iyong napakaingat na pagsisikap;

kami ang halagang binayaran Mo.

O, Makapangyarihang Diyos! Dahil sa Iyong kabutihang-loob at awa,

sa Iyong katuwiran at kamahalan, sa Iyong kabanalan at pagpapakumbaba

kaya yuyukod sa Iyong harapan ang lahat ng bayan

at sasambahin Ka nang walang-hanggan.

Ngayon ay nagawa Mo nang ganap ang lahat ng iglesia—

ang iglesia ng Philadelphia—

at sa gayon ay natupad ang Iyong 6,000-taong plano ng pamamahala.

Maaaring mapagpakumbabang magpasakop ang mga banal sa Iyong harapan,

na nakaugnay sa espiritu at sumusunod nang may pagmamahal,

nakaugnay sa pinagmumulan ng bukal.

Dumadaloy nang walang-tigil ang buhay na tubig ng buhay,

at hinuhugasan at nililinis ang lahat ng putik at maruming tubig sa iglesia,

muling dinadalisay ang Iyong templo.

Hinahayaan nating maghari nang kataas-taasan ang Diyos sa ating espiritu,

lumalakad na kasama Niya at sa gayon ay nangingibabaw,

nadaraig ang mundo, at malayang lumilipad at lumalaya ang ating espiritu:

Ito ang kinalalabasan kapag naging Hari ang Makapangyarihang Diyos.

Aktibong makipagtulungan sa Diyos, makipag-ugnayan sa paglilingkod at maging isa,

tuparin ang mga layon ng Makapangyarihang Diyos,

magmadaling maging isang banal na espirituwal na katawan,

tapakan si Satanas, at wakasan ang kapalaran nito.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon