I
Makalipas ang ilang dekada ng karanasan sa buhay,
alam ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha,
ang tao'y may tunay na pagkaunawa
sa halaga't kahulugan ng buhay.
Taglay ang malalim na kaalaman sa layunin ng buhay,
pagkaunawa't karanasan
sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha,
sila'y magpapasakop sa awtoridad Niya.
Alam nila'ng kahulugan ng paggawa ng Diyos sa tao.
Alam nilang sumamba sa Lumikha,
lahat ng sa kanila'y mula sa Lumikha,
at 'di magtatagal ay babalik sa Kanya.
Kung titingnan ang buhay bilang isang pagkakataon
upang danasin ang soberanya ng Lumikha,
upang malaman ang awtoridad Niya,
upang magampanan ang sariling tungkulin;
kung titingnan ang buhay bilang isang pagkakataon
upang matupad ang misyon ng nilikha,
makakamtan ang tamang pananaw sa buhay,
pinagpapala't ginagabayan ng Diyos.
Lalakad sa liwanag, makikilala'ng soberanya Niya,
sasailalim sa pamamahala Niya,
magpapatotoo sa dakila Niyang gawa
at dakilang awtoridad Niya.
II
Ang ganitong uri ng tao'y makakaunawa:
Sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha,
kapanganaka't kamatayan ng tao'y nakaayos,
itinadhana ng awtoridad Niya.
Kapag tunay 'tong maunawaan ng tao,
panatag sila sa kanilang kamatayan;
ang mga makamundo nilang pag-aari
ay bibitawan nang mapayapa.
Sa halip na lumaba't matakot na parang bulag,
masaya silang susunod dito,
maligayang tatanggapin ang huling kabanata ng buhay na isinaayos ng Lumikha.
Yayakapin ito nang walang pakikibaka,
at magpapasakop sa lahat ng susunod.
Kung titingnan ang buhay bilang isang pagkakataon
upang danasin ang soberanya ng Lumikha,
upang malaman ang awtoridad Niya,
upang magampanan ang sariling tungkulin;
kung titingnan ang buhay bilang isang pagkakataon
upang matupad ang misyon ng nilikha,
makakamtan ang tamang pananaw sa buhay,
pinagpapala't ginagabayan ng Diyos.
Lalakad sa liwanag, makikilala'ng soberanya Niya,
sasailalim sa pamamahala Niya,
magpapatotoo sa dakila Niyang gawa
at dakilang awtoridad Niya.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin