I
'Di nakikibahagi'ng Diyos sa pulitika ng tao,
ngunit kontrol Niya'ng kapalaran ng bayan,
mundo't ng sansinukob.
Kapalaran ng tao't plano Niya'y malalim ang ugnayan.
Walang bayan o tao'ng malaya sa kapangyarihan Niya.
Siyang nais malaman ang kapalara'y dapat humarap sa Diyos.
Sundin at sambahin Siya, at pasasaganain ka Niya.
Yaong lumalaba't tumatanggi sa Kanya'y babagsak at malilipol.
II
Bibliya'y alalahanin no'ng winasak Niya'ng Sodoma't
pa'nong asawa ni Lot ay naging haligi ng asin,
at pa'no mga tao sa Ninive'y nagsisi sa kasalanang
suot ay abo at sako.
Siyang nais malaman ang kapalara'y dapat humarap sa Diyos.
Sundin at sambahin Siya, at pasasaganain ka Niya.
Yaong lumalaba't tumatanggi sa Kanya'y babagsak at malilipol.
III
Alalahanin mga Judiong nagpako kay Jesus sa krus
no'ng nakaraang dal'wang libong taon. Kahihinatna'y alalahanin.
Pinatalsik sa Israel, ikinalat sa buong mundo.
Marami'ng namatay, baya'y winasak,
na parang walang nangyari noon.
'Pinako nila'ng Diyos sa krus
at inudyukan ang disposisyon ng Diyos.
Nagbayad sa ginawa nila't.
Siya'y hinatulan,
kaya kapalara'y harapin parusa Niya.
Ito'ng kahihinatnan, mapait na kapahamakang
dinala ng pinuno nila sa bansa't bayan nila.
Siyang nais malaman ang kapalara'y dapat humarap sa Diyos.
Sundin at sambahin Siya, at pasasaganain ka Niya.
Yaong lumalaba't tumatanggi sa Kanya'y babagsak at malilipol.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin