Menu

Susunod

"Paano Malulutas ang Pagkamakasarili" Tagalog Christian Testimony Video

2,337 2020-11-14

Habang ginagawa ang kanyang tungkulin sa iglesia, natanto ng pangunahing tauhan na ang lider ng kanilang team, si Sister Chen, ay hindi responsable sa kanyang gawain sa iglesia. Dahil dito nahahadlangan ang kanilang gawain na ipalaganap ang ebanghelyo. Gusto ng pangunahing tauhan na ireport ito sa lider ng iglesia, pero natatakot siya na baka masaktan ang damdamin ni Sister Chen, na pag-initan at pahirapan siya nito, at nag-aalala rin siya na baka akalain ng mga kapatid na mayabang at mapagmataas at wala s'yang ibang iniisip kundi ang mga problema tungkol kay Sister Chen. Nagbantulot siya, walang lakas ng loob na magreport para maprotektahan lamang ang kanyang sariling mga interes, ngunit nakaramdam siya ng ligalig at hinagpis, at naantala nito ang gawain ng iglesia. Natanto niya na naging makasarili at kamuhi-muhi siya nang makaranas siya ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakahiwatig sa mga napakasamang pilosopiya sa pagsasabuhay ng "Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba." Mapapanindigan ba niya sa wakas ang mga prinsipyo ng katotohanan at ireport ang kapatid na ito? Ano ang natutuhan niya sa karanasang ito?

Mag-iwan ng Tugon