Tagalog Christian Testimony Video | "Pagbabalik sa Tamang Daan"
Si Chen Guang ay isang lider ng iglesia. Para matamo ang pagsang-ayon at pagpapahalaga ng kanyang mga lider, katrabaho at kapatid, walang kapaguran niyang inukol ang sarili sa paggawa ng gawain ng iglesia at sa pagsuporta at pagtulong sa kanyang mga kapatid. Nagbunga ng ilang resulta ang kanyang mga pagsisikap at, nang hindi namamalayan, nagsimula siyang magpasikat at sumubok na mapansin kapag nangangaral sa mga pagtitipon. Dahil dito, tumaas ang tingin sa kanya at tiningala siya ng ilan sa mga bagong saling kapatid, bagaman hindi niya batid na maling landas na pala ang sinimulan niyang tahakin. Nagpatuloy ito hanggang isang araw ay sobrang higpit na pinakitunguhan si Chen Guang ng katrabaho niya, at noon lang niya sinimulang pagnilayan ang kanyang sarili…. Paano niya magagawang mapagtanto sa wakas na maling landas ang tinatahak niya at makabalik sa tamang daan? Anong wastong landas ng pagsasagawa ang matutuklasan niya?