Mag-subscribe

Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III" | Sipi 76

269 2020-06-30

Kung magagawa mong tunay na pahalagahan ang mga kaisipan at saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan, kung magagawa mong tunay na maunawaan ang mga damdamin at malasakit ng Diyos sa bawat nilalang, mauunawaan mo ang malasakit at pagmamahal na ginugol sa bawat isa sa mga taong nilikha ng Maylalanag. Kapag ito ay nangyari, gagamit ka ng dalawang salita upang isalarawan ang pag-ibig ng Diyos—ano ang dalawang salitang ito? Sinasabi ng ilang mga tao na “walang pag-iimbot,” at ang ilan ay sinasabing “mapagkawanggawa.” Sa dalawang ito, ang “mapagkawanggawa” ay ang salita na pinaka-hindi nararapat upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos. Ito ay isang salita upang ilarawan ang pagiging malawak ng mga saloobin at mga damdamin ng isang tao. Kinamumuhian Ko talaga ang salitang ito, sapagkat ito ay tumutukoy sa paglalaan ng kawanggawa kahit kanino, nang basta-basta na lang, hindi alintana ang anumang mga panuntunan. Ito ay isang masyadong madamdamin na pagpapahayag ng mga taong hangal at nalilito. Nang ang salitang ito ay ginamit upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos, mayroon itong hindi maiiwasang intensyon na mamusong. Mayroon Akong dalawang salita na mas angkop na naglalarawan sa pag-ibig ng Diyos—ano ang dalawang salitang ito? Ang una ay ang “malaki.” Hindi ba masyadong makahulugan ang salitang ito? Ang ikalawa ay ang “malawak.” Mayroong tunay na kahulugan sa likod ng dalawang salitang ito na Aking ginamit upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos. Kapag inintindi nang literal, ang “malaki” ay naglalarawan sa bulto o kapasidad, ngunit hindi naman alintana kung gaano kalaki ang bagay na iyon—ito ay isang bagay na nasasalat at nakikita ng mga tao. Ito ay dahil ito ay umiiral, hindi ito isang bagay na malabo, at ibinibigay nito ang pakiramdam sa tao na talagang tumpak at praktikal. Hindi alintana kung tinitingnan mo ito mula sa isang patag o sa isang anggulo na may tatluhang dimensiyon; hindi mo kailangang isipin ang pag-iral nito, sapagkat ito ay isang bagay na umiiral talaga. Bagamat ang paggamit ng “malaki” upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos ay parang may pakiramdam ng pagsukat sa Kanyang pag-ibig, gayunman, ibinibigay din nito ang pakiramdam na ito ay hindi nasusukat. Sinasabi Ko na ang pag-ibig ng Diyos ay masusukat sapagkat ang Kanyang pag-ibig ay hindi isang uri ng walang katauhan, ni ito man ay sumibol mula sa isang alamat. Sa halip, ito ay isang bagay na pinaghahati-hatian ng lahat ng mga bagay sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, at ito ay isang bagay na tinatamasa ng lahat ng mga nilalang sa magkakaibang antas at mula sa iba’t-ibang mga pananaw. Bagamat hindi ito nakikita o nasasalat ng mga tao, ang pag-ibig na ito ay nagdudulot ng panustos at buhay sa lahat ng mga bagay habang ito ay ibinubunyag nang unti-unti sa kanilang mga buhay, at dumadami sila at sumasaksi sa pag-ibig ng Diyos na tinatamasa nila sa bawat isang sandali. Aking sinasabi na ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nasusukat sapagkat ang misteryo ng pagkakaloob at pagtustos ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay isang bagay na mahirap para sa mga tao na maarok, kagaya ng mga saloobin ng Diyos para sa lahat ng mga bagay, at lalo na yaong para sa sangkatauhan. Na ang ibig sabihin, walang sinuman ang nakaaalam sa dugo at mga luha na ibinuhos ng Maylalang para sa sangkatuhan. Walang sinuman ang makauunawa, walang sinuman ang makaiintindi sa lalim at bigat ng pag-ibig na mayroon ang Maylalang para sa sangkatauhan, nilikha gamit ang Kanyang sariling mga kamay. Ang paglalarawan sa pag-ibig ng Diyos bilang “malaki” ay upang tulungan ang mga tao na pahalagahan at maintindihan ang laki nito at ang katotohanan sa pag-iral nito. Ito rin ay upang mas malalim na maintindihan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng salitang “Maylalang,” at nang upang ang mga tao ay magtamo ng mas malalim na pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng katawagang “paglikha.” Ano ang karaniwang inilalarawan ng salitang “malawak”? Ito ay karaniwang ginagamit para sa karagatan o sa daigdig, gaya ng malawak na daigdig, o ang malawak na karagatan. Ang kalawakan at ang tahimik na kalaliman ng daigdig ay lampas sa pagkaunawa ng tao, at ito ay isang bagay na nakabibihag sa mga kathang-isip ng tao, na lubos nilang hinahangaan. Ang misteryo at lalim nito ay maaaring makita ngunit hindi maaaring maabot. Kapag iniisip mo ang ukol sa karagatan, iniisip mo ang lalim nito—mukha itong walang hanggan, at mararamdaman mo ang pagiging misteryoso at ang kalawakan nito. Ito ang dahilan kung bakit ginamit Ko ang salitang “malawak” upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos. Ito ay upang tulungan ang mga taong madama kung gaano ito kahalaga, at madama ang malalim na kagandahan ng Kanyang pag-ibig, at na ang kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan at napakalawak. Ito ay upang tulungan silang madama ang kabanalan ng Kanyang pag-ibig, at ang dignidad at ang pagiging hindi maaaring magkasala ng Diyos na naibubunyag sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig. Ngayon sa tingin ninyo ang “malawak” ay isang angkop na salita para sa paglalarawan sa pag-ibig ng Diyos? Natutupad ba ang pag-ibig ng Diyos sa dalawang salitang ito, “malaki” at “malawak”? Talaga! Sa wika ng tao, ang dalawang salita lamang na ito ang talagang angkop, at talagang malapit sa paglalarawan sa pag-ibig ng Diyos. Ano sa tingin ninyo? Kung ipalalarawan Ko sa inyo ang pag-ibig ng Diyos, gagamitin ba ninyo ang dalawang salitang ito? Malamang ay hindi ninyo magagamit, sapagkat ang inyong pagkaunawa at pagpapahalaga sa pag-ibig ng Diyos ay limitado sa isang patag na pananaw, at hindi pa umakyat sa taas ng distansiya na may tatluhang dimensiyon. Kaya kung ipalalarawan Ko sa inyo ang pag-ibig ng Diyos, madadama ninyo na gahol kayo sa mga salita; maaaring hindi pa kayo makaimik. Ang dalawang salita na Aking tinalakay sa araw na ito ay maaaring mahirap para sa inyo na maunawaan, o marahil basta hindi kayo sumasang-ayon. Nagsasabi lang ito sa katotohanan na ang inyong pagpapahalaga at pagkaunawa sa pag-ibig ng Diyos ay mababaw at nakapaloob sa isang makitid na saklaw. Nasabi Ko noong una na ang Diyos ay hindi makasarili—tandaan ninyo ang salitang hindi makasarili. Maaari bang sabihin na ang Diyos ay maaari lamang ilarawan bilang isang hindi makasarili? Hindi ba ito isang napakakitid na saklaw? Pakabulayin pa ninyo ang usaping ito nang upang magtamo ng isang bagay mula rito.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon