Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 408

425 2020-08-30

Kung nais mong magkaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos, kailangang bumaling ang puso mo sa Diyos. Sa pundasyong ito, magkakaroon ka rin ng normal na kaugnayan sa ibang tao. Kung wala kang normal na kaugnayan sa Diyos, anuman ang gawin mo upang mapanatili ang iyong kaugnayan sa ibang tao, gaano ka man magsumikap o gaanong lakas man ang iyong ibuhos, tutukoy lamang ang lahat ng ito sa isang pilosopiya ng tao sa pamumuhay. Pinananatili mo ang iyong katayuan sa mga tao sa pamamagitan ng isang pananaw ng tao at isang pilosopiya ng tao upang purihin ka ng mga tao, ngunit hindi mo sinusunod ang salita ng Diyos para magtatag ng mga normal na kaugnayan sa mga tao. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao kundi magpapanatili ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung handa kang ibigay ang puso mo sa Diyos at matututong sundin Siya, natural lamang na magiging normal ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng tao. Sa ganitong paraan, hindi itinatatag ang mga kaugnayang ito sa laman, kundi sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos. Halos walang pakikipag-ugnayan sa laman, ngunit sa espiritu ay may pagsasamahan, pagmamahalan, kapanatagan sa isa’t isa, at paglalaan para sa isa’t isa. Lahat ng ito ay ginagawa sa pundasyon ng isang pusong nakakalugod sa Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pag-asa sa pilosopiya ng tao sa pamumuhay, kundi likas na likas na nabubuo sa pamamagitan ng pagdadala ng isang pasanin para sa Diyos. Hindi nito kinakailangan ang pagsisikap na gawa ng tao. Kailangan mo lamang magsagawa ayon sa mga prinsipyo ng salita ng Diyos. Handa ka bang isaalang-alang ang kalooban ng Diyos? Handa ka bang maging isang taong “walang katwiran” sa harap ng Diyos? Handa ka bang ibigay nang lubusan ang puso mo sa Diyos at balewalain ang iyong katayuan sa mga tao? Sa lahat ng taong nakakasalamuha mo, kanino ka may pinakamagagandang kaugnayan? Kanino ka may pinakamasasamang kaugnayan? Normal ba ang mga kaugnayan mo sa mga tao? Tinatrato mo ba nang pantay-pantay ang lahat ng tao? Pinananatili mo ba ang iyong mga kaugnayan sa iba ayon sa iyong pilosopiya sa pamumuhay, o nakatatag ba ang mga ito sa pundasyon ng pagmamahal ng Diyos? Kapag hindi ibinibigay ng isang tao ang kanyang puso sa Diyos, ang kanyang espiritu ay nagiging mapurol, manhid at walang malay. Hindi mauunawaan ng ganitong klaseng tao ang mga salita ng Diyos kailanman at hindi magkakaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos kailanman; ang disposisyon ng ganitong klaseng tao ay hindi kailanman magbabago. Ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay ang proseso ng lubusang pagbibigay ng isang tao ng kanyang puso sa Diyos, at ng pagtanggap ng kaliwanagan at paglilinaw mula sa mga salita ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay maaaring pahintulutan ang isang tao na aktibong makapasok, at tulungan din silang alisin ang kanilang mga negatibong aspeto pagkatapos malaman ang mga ito. Kapag umabot ka sa punto ng pagbibigay ng puso mo sa Diyos, mahihiwatigan mo ang bawat banayad na pagkilos sa iyong espiritu, at malalaman mo ang bawat kaliwanagan at paglilinaw na natatanggap mula sa Diyos. Kumapit dito, at unti-unti kang papasok sa landas ng pagpeperpekto ng Banal na Espiritu. Kapag mas tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, magiging mas sensitibo at maselan ang iyong espiritu at mas mahihiwatigan ng iyong espiritu kung paano ito inaantig ng Banal na Espiritu, at sa gayon ay magiging mas normal ang iyong kaugnayan sa Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa pagitan ng mga tao ay itinatatag sa pundasyon ng pagbibigay ng kanilang puso sa Diyos, at hindi sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao. Kung wala ang Diyos sa kanilang puso, ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga tao ay mga kaugnayan lamang ng laman. Hindi normal ang mga ito, kundi sa halip ay pagpapalayaw sa pagnanasa ng laman. Mga kaugnayan ang mga ito na kinamumuhian ng Diyos, na Kanyang kinasusuklaman. Kung sasabihin mo na ang iyong espiritu ay naantig, ngunit gusto mo palaging makisalamuha sa mga taong gusto mo, sa sinumang tinitingala mo, at kung may ibang taong naghahangad ngunit hindi mo sila gusto, at mayroon ka pang ayaw sa kanila at ayaw mo silang pakisamahan, dagdag na patunay ito na maramdamin ka at ni wala ka man lang normal na kaugnayan sa Diyos. Tinatangka mong linlangin ang Diyos at ikubli ang sarili mong kapangitan. Kahit may maibabahagi kang kaunting pagkaunawa subalit mali ang iyong mga layon, lahat ng ginagawa mo ay mabuti lamang ayon sa mga pamantayan ng tao. Hindi ka pupurihin ng Diyos—kumikilos ka ayon sa laman, hindi ayon sa pasanin ng Diyos. Kung nagagawa mong patahimikin ang puso mo sa harap ng Diyos at mayroon kang normal na pakikipag-ugnayan sa lahat ng nagmamahal sa Diyos, saka ka lamang angkop na kasangkapanin ng Diyos. Sa ganitong paraan, gaano ka man nakikisalamuha sa iba, hindi ito magiging ayon sa isang pilosopiya sa pamumuhay, kundi magiging sa harap ng Diyos, pamumuhay sa isang paraan na nagsasaalang-alang sa Kanyang pasanin. Ilan ang mga taong kagaya nito sa inyo? Talaga bang normal ang mga kaugnayan mo sa iba? Sa anong pundasyon nakatatag ang mga ito? Ilang pilosopiya sa pamumuhay ang nasa iyong kalooban? Itinakwil mo na ba ang mga ito? Kung hindi lubos na makabaling ang puso mo sa Diyos, hindi ka maka-Diyos—mula ka kay Satanas, at ibabalik ka kay Satanas sa bandang huli. Hindi ka karapat-dapat na makabilang sa mga tao ng Diyos. Lahat ng ito ay nangangailangan ng iyong maingat na pagsasaalang-alang.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Mag-iwan ng Tugon