Sa sandali na ang Diyos ay maging ang buhay sa loob ng mga tao, hindi na nila magagawang talikuran ang Diyos. Hindi ba ito ang gawa ng Diyos? Wala nang mas higit pang patotoo! Gumawa ang Diyos hanggang sa isang tiyak na punto; nagsalita Siya para maglingkod ang mga tao, at makastigo, o para mamatay, at ang mga tao ay hindi umurong, na nagpapakita na sila ay nalupig ng Diyos. Ang mga taong may katotohanan ay yaong mga, sa kanilang tunay na karanasan, kayang manindigan sa kanilang patotoo, manindigan sa kanilang kalagayan, tumayo sa panig ng Diyos, nang hindi umuurong, at kung sino ang maaaring magkaroon ng karaniwang relasyon sa mga tao na umiibig sa Diyos, na, kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, ay ganap na tatalima sa Diyos, at kayang tumalima sa Diyos hanggang kamatayan. Ang iyong pagsasagawa at mga pagbubunyag sa tunay na buhay ay ang patotoo ng Diyos, sila ang pagsasabuhay ng tao at ang patotoo ng Diyos, at ito ang tunay na pagtatamasa sa pag-ibig ng Diyos; kapag ikaw ay nakaranas hanggang sa puntong ito, ang angkop na epekto ay makakamit na. Ikaw ay nagtataglay ng aktwal na pagsasabuhay, at ang bawa’t kilos mo ay hinahangaan ng iba. Ang iyong anyo ay hindi kapansin-pansin nguni’t isinasabuhay mo ang isang buhay na may sukdulang kabanalan, at kapag ipinapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ikaw ay ginagabayan at nililiwanagan Niya. Nagagawa mong sambitin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng mga salita mo, naibabahagi ang realidad, at marami kang nauunawaan tungkol sa paglilingkod sa espiritu. Ikaw ay disente at matuwid, ayaw sa awayan at marangal, may kakayahang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at naninindigan sa iyong patotoo kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, at ikaw ay kalmado at mahinahon kahit ano pa ang pinakikitunguhan mo. Itong uri ng tao ay tunay na nakita na ang pag-ibig ng Diyos. May mga tao na bata pa, nguni’t kumikilos sila na parang nasa kalagitnaang-edad; sila ay may isip na, mayroong katotohanan, at hinahangaan ng iba—at ang mga taong ito ang may patotoo, at ang mga kahayagan ng Diyos. Na ang ibig sabihin ay, kapag naranasan na nila hanggang sa isang tiyak na punto, magkakaroon ng isang kaunawaan tungo sa Diyos sa kanilang kalooban, kaya ang kanilang mga panlabas na disposisyon ay magiging matibay rin. Maraming mga tao ang hindi nagsasagawa ng katotohanan, at hindi matikas na naninindigan sa kanilang patotoo. Ang mga ganoong tao ay walang pag-ibig ng Diyos, o patotoo sa Diyos, at ito ang mga tao na pinaka-kinamumuhian ng Diyos. Sila ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nguni’t ang kanilang ipinahahayag ay si Satanas, at hinahayaan nila na ang mga salita ng Diyos ay abusuhin ni Satanas. Sa mga taong tulad ng mga ito ay walang senyales ng pag-ibig ng Diyos; lahat ng kanilang ipinahahayag ay kay Satanas. Kung ang iyong puso ay palaging nasa kapayapaan sa harap ng Diyos, at palagi kang nagbibigay pansin sa mga tao at sa mga bagay sa paligid mo, at kung ano ang nangyayari sa paligid mo, at kung ikaw ay nagpapahalaga sa pasanin ng Diyos, at laging mayroong puso na gumagalang sa Diyos, kung gayon ay malimit kang liliwanagan ng Diyos sa kalooban. Sa iglesia ay may mga taong “tagapangasiwa,” sila ay ang tumitingin sa mga kamalian ng iba, at saka gagayahin at gagawin silang huwaran. Hindi nila kayang makita ang pagkakaiba, hindi sila galit sa kasalanan, at hindi namumuhi o nasusuya sa mga gawa ni Satanas. Ang mga nasabing tao ay puno ng mga gawa ni Satanas, at sila sa kasukdulan ay lubos na tatalikuran ng Diyos. Ang iyong puso ay dapat gumagalang sa harap ng Diyos, mahinahon ka dapat sa iyong mga salita at mga pagkilos, at hindi kailanman nagnanais na tutulan o biguin ang Diyos. Dapat hindi ka kailanman papayag na ang gawa ng Diyos sa iyo na mauwi sa wala, o payagan ang lahat ng mga paghihirap na tiniis mo at lahat ng isinabuhay mo na mauwi sa wala. Dapat handa kang maglaan ng higit na pagsisikap at higit na pag-ibig sa Diyos sa landas na tatahakin. Ang mga ito yung mga taong may pangitain bilang kanilang pundasyon. Sila yung mga taong naghahanap ng pag-unlad.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag