Menu

Susunod

Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Pinatawad ang Ating mga Kasalanan—Dadalhin ba Tayo ng Panginoon Diretso sa Kanyang Kaharian Pagbalik Niya?

5,854 2021-11-22

Patuloy na lumalaki ang mga sakuna at lahat ng mananampalataya ay sabik na hinihintay ang pagparito ng Tagapagligtas, nananabik na maitaas sa kalangitan para makipagkita sa Panginoon at para matakasan ang pagdurusa ng mga tumitinding sakuna ngayon. Naniniwala sila na dahil napatawad na ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa Panginoong Jesus, hindi na sila nakikita ng Panginoon na makasalanan, mayroon sila ng lahat ng kailangan nila, at dadalhin sila diretso sa Kanyang kaharian pagparito ng Panginoon. Pero ang nakalilito para sa marami ay na dumating na ang malalaking sakuna, pero hindi pa rin nila nasalubong ang Panginoon. Ang Kidlat ng Silanganan lang ang palagiang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon bilang ang Makapangyarihang Diyos—nagpahayag Siya ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, at nakagawa na Siya ng isang grupo ng mananagumpay bago ang mga sakuna. Maraming mananampalataya ang nagsimulang mapaisip: Ang Makapangyarihang Diyos bang ito na pinapatotohanan ng Kidlat ng Silanganan ay talagang ang Panginoong nagbalik? Pero napatawad na ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon, at hindi na Niya tayo nakikita bilang makasalanan, kaya't hindi ba dapat dadalhin na Niya tayo direkta sa kaharian ng langit pagbalik Niya? Kung gayon bakit kailangan pang gawin ng Diyos ang isang hakbang ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Samahan ninyo kami sa episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya para malaman ang mga sagot.

Mag-iwan ng Tugon