Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Pagpanglaw ng Iglesia
Amos 8:11
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, “na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.”
Amos 4:7-8
“At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin.”
Mateo 24:12
At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.
Dalawang libong taon ang nakalipas, nang ang Panginoong Jesus ay naparito upang gawin ang Kanyang gawain, ang banal na templo na minsang nagliliwanag ng kaluwalhatian ng Diyos na Jehova ay nagdusa ng pagkagutom at naging pugad ng mga magnanakaw. Ngayon, ang relihiyosong mundo ay nagiging mapanglaw, ang kasamaan ay nananagana at ang mga mananampalataya ay hindi makapagtamo ng suplay ng tubig ng buhay, naiwawala ang kanilang pananalig at pagmamahal, at namumuhay sa negatibo at nanghihinang estado. Bakit ganito? Ano ang kalooban ng Diyos sa likod nito? Paano natin mahahanap ang iglesia na mayroong gawain ng Banal na Espiritu? Ang mga sumusunod na kaugnay na nilalaman ay maghahayag sa inyo ng mga kasagutan.