Christian Song | "Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos" | Dance
I
Ang pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang
Siya'y gumagawa sa lupa sa Kanyang sarili.
Taglay ang Kanyang pagkakilanlan, disposisyon at sa sarili Niyang paraan,
sa tao Siya’y bumaba upang simulan at tapusin ang isang kapanahunan.
Ang pagpapakita Niya’y di larawan o tanda at hindi ito seremonya.
Hindi ito himala o dakilang pangitain.
Hindi ito prosesong pangrelihiyon.
Ito’y tunay, nahahawakan at nakikita, mahahawakan at matutunghayan.
Ang pagpapakita Niya’y di para sa pagsunod sa isang proseso,
o para sa isang panandaliang gawain.
Sa halip ito’y para sa isang yugto ng pamamahala ng Diyos.
II
Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makahulugan,
at laging kaugnay sa Kanyang plano, sa Kanyang planong pamamahala.
Ang "pagpapakitang" ito'y ganap na hindi pareho
tulad ng “pagpapakita” ng Diyos na pinangungunahan ang tao,
ginagabayan ang tao, binibigyan ng liwanag.
Gumagawa ang Diyos pag Siya'y nagpapakita.
Ang gawaing ito'y iba sa ibang kapanahunan,
hindi maisip ng tao, kailanman ay hindi naranasan.
Gawaing nagsisimula at nagwawakas ng kapanahunan,
gawaing para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Ang gawaing magdadala sa tao sa bagong kapanahunan.
Ang kabuluhan ng pagpapakita ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao