Menu

Ano ang Kahulugan ng mga Salita ng Panginoong Jesus na "Ako ang Daan, at Ang Katotohanan, at Ang Buhay"?

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko(Juan 14:6). Sa palagay ko pamilyar ang lahat sa mga salitang ito ngunit marahil ay hindi marami ang tunay na nakakaunawa sa kanilang totoong kahulugan. Ano ang kahulugan ng “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay”? Ano ang nais ng Panginoon na maunawaan natin sa pagsasabi ng mga salitang ito? Mangyaring basahin at makukuha mo ang mga sagot.

Si Cristo ang Katotohanan, ang Daan, at ang Buhay

Para maaunawaan kung ano ang “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” na sinabi ng Panginoong Jesus, dapat muna nating linawin na ang Diyos lamang ang maaaring magpahayag ng katotohanan, bigyan ang mga tao ng buhay, at ipakita sa mga tao ang daan. Bago sinabi ng Panginoong Jesus na Siya Mismo ang katotohanan, wala pang taong nagsabi na siya mismo ang katotohanan, at walang sinumang makapagpahayag ng katotohanan. Tanging ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ang nagsabi na Siya ang katotohanan at saka maaari Niyang ipahayag ang katotohanan. Tulad ng naitala sa Banal na Kasulatan, “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin … na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

ako ang daan ang katotohanan ang buhay kahulugan,Juan 14:6

Ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ay nagbihis ng Kanyang sarili sa katawang-tao bilang Anak ng tao upang gumawa sa mundo ng tao. Siya ay lumitaw na isang ordinaryo, normal na tao mula sa panlabas, ngunit Siya ay si Cristo na nagkatawang-tao at ang Diyos Mismo at nagtataglay Siya ng isang banal na diwa. Ito ang paraan kung paano maipahayag ng Panginoong Jesus ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at maaaring ipahayag ang katotohanan at gampanan ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan batay sa kanilang mga pangangailangan. Ito ay isang bagay na wala nang iba pa sa lahat ng nilikha ang may kakayahan.

Halimbawa, sa naunang yugto ng Kapanahunan ng Kautusan kung kailan ang mga tao ay hindi na masunod ang mga batas, sila ay nagkakasala ng higit pa, at naharap sa panganib na mapatay ng mga batas, ang Diyos Mismo ay nagkatawang-tao at dumating sa mga tao para gawin ang Kanyang gawain upang iligtas ang tao. Tinapos ng Panginoong Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at binuksan ang Kapanahunan ng Biyaya. Binigyan Niya ang sangkatauhan ng paraan ng pagsisisi at itinuro ang mga landas ng pagsasanay para sa bagong kapanahunan. Tinuruan Niya ang mga tao na maging mapagpakumbaba at matiyaga, mahalin ang iba tulad ng kanilang sarili, mahalin ang kanilang mga kaaway, maging matapat na tao, gamitin ang kanilang mga puso sa totoong pagsamba sa Diyos, mahalin ang Diyos, at higit pa. Pinagaling din ng Panginoong Jesus ang mga maysakit, pinalayas ang mga demonyo, binuhay muli ang mga patay, ginawang mkakita ang mga bulag at makalakad ang mga lumpo.... Sa huli, ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus bilang isang walang hanggang handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan, na tinutubos sila mula sa kasalanan. Pagkatapos noon, hangga’t tinatanggap ng mga tao ang Panginoong Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, at nagkumpisal at nagsisi sa Panginoon, sila ay pinatawad ng kanilang mga kasalanan, hindi na napapasailalim sa pagkondena at parusa ng mga batas dahil sa paglabag sa mga ito, at maaring tamasahin ang masaganang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon.

Ipinapakita nito na si Cristo lamang ang maaaring magbigay sa tao ng katotohanan, ang daan at ang buhay, at ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo na maaaring magbigay sa mga tao ng katotohanan, ang daan at ang buhay. Gayunpaman, maraming tao sa panahong iyon ang nakakita lamang sa ordinaryo at normal na hitsura ng Panginoong Jesus, ngunit hindi alam na ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong Cristo, at na Siya Mismo ang Diyos. Kaya, sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko(Juan 14:6). Ang Panginoong Jesus ay nagpapatotoo ng Kanyang sariling pagkakakilanlan sa mga tao ng panahong iyon, upang malaman nila na Siya ang Cristo, ang Diyos Mismo, at maipagkaloob sa kanila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Dagdag pa rito, kung hindi natin naiintindihan si Cristo ay ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, tiyak na hindi tayo makakakuha ng pag-apruba ng Diyos. Katulad ng mga Hudyo na Pariseo noong panahong iyon, hindi lamang hindi nila kinilala na ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay si Cristo at tinanggap ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus, ngunit hinusgahan, kinondena, at nilapastangan pa Siya. Naniniwala lamang sila sa Diyos na Jehova sa langit ngunit hindi kinilala si Cristo na nagpahayag ng katotohanan at nagbigay ng panustos para sa buhay ng mga tao sa mundo. Sa huli, ipinako nila sa krus ang Panginoon dahil sa hindi pagsunod ng Panginoong Jesus sa mga batas ng Lumang Tipan. Naniniwala sila sa Diyos ngunit walang kaalaman na si Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Sa gayon, sila ay naging mga klasikong halimbawa ng mga taong kumondena at tumanggi kay Cristo, at sa huli sila ay pinarusahan at isinumpa ng Diyos dahil sa kanilang paglaban kay Cristo.

Samakatuwid, sa pagsasabing “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko,” nais ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao na ang diwa ni Cristo ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at na bukod kay Cristo, walang sinuman ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Na ibig sabihin, Siya na maaaring ipahayag ang katotohanan at ipagkaloob sa tao ang daan at ang buhay ay tiyak na si Cristo, at ang Diyos Mismo. Tayong mga mananampalataya sa Diyos ay dapat na maunawaan na si Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay, sapagkat sa ganitong paraan lamang natin masusunod ang mga yapak ng Diyos at matanggap ang mga pangako at pagpapala ng Diyos.

Si Cristo ng Mga Huling Araw ay Nagpakita at Nagdala ng Katotohanan, Daan, at Buhay

Ang pag-unawa sa kahulugan ng mga salita ng Panginoong Jesus na “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” ay napakahalaga para sa atin upang masalubong ang Panginoon. Natatakot ang maraming tao na malinlang ng mga huwad na Cristo sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon at kaya’t hindi sila naglalakas-loob na hanapin at siyasatin ang totoong daan. Sa totoo lang, hindi tayo dapat matakot na mailigaw ng isang huwad na Cristo at hindi masalubong ang Panginoon hangga’t makikilala natin na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, na ibig sabihin, hangga’t makikilala natin na Siya na maaaring ipahayag ang katotohanan, ibigay ang buhay ng mga tao, at ituro ang landas para sa mga tao ay si Cristo, at lahat ng mga hindi makapagpahayag ng katotohanan ay walang duda na mga huwad na Cristo. Sapagkat ang mga huwad na Cristo ay hindi Diyos na nagkatawang-tao at walang diwa ng kabanalan, hindi nila maipahayag ang katotohanan, at lalong hindi nila kayang mailigtas ang mga tao. Ang nagkatawang-tao na si Cristo lamang ang maaaring magpahayag ng katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao.

Ngayong mga araw na ito, dumating ang malalaking sakuna, ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na, at ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng Kaharian, iyon ay, ang gawain ng paghuhukom na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanan upang iligtas at linisin ang sangkatauhan; Hindi lamang Niya inilahad ang misteryo ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang misteryo ng pangalan ng Diyos, ngunit inihayag din ang ugat ng kasalanan ng mga tao, ang totoong katunayan ng katiwalian ng sangkatauhan ni Satanas, mala-satanas na kalikasan at diwa ng mga tao na maghimagsik at labanan ang Diyos, at marami pa. Ipinahayag din Niya ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, tulad ng pagiging dakila at karunungan ng Diyos, katuwiran at kabanalan ng Diyos, awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, pagiging natatangi ng Diyos, at marami pa. Ginagawa nitong malaman ng mga tao ang hindi pagpapahintulot ng Diyos para sa mga pagkakasala ng tao at diwa ng kabutihan ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ngayon ay nagbigkas ng milyun-milyong salita, na ang karamihan ay kasama sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian. Ganap na natutupad nito ang mga propesiya sa Biblia, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12: 48). At sinasabi sa 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos.

Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na ang yugtong ito ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay batay sa mga pangangailangan ng mga tao ngayon. Bagaman napatawad na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Panginoon, ang ating makasalanang kalikasan ay nakaugat pa rin sa loob natin, at sa gayon ay may kakayahan pa rin tayong magkasala ng hindi sinasadya at labanan ang Diyos. Halimbawa, nakakapagsabi pa rin tayo ng kasinungalingan at manloko ng iba; nagagawa pa rin nating sumunod sa masasamang makamundong mga kalakaran, magnasa ng walang kabuluhan at kasiyahan, at sa gayon ang ating mga puso ay madalas na lumalayo na hiwalay sa Panginoon; maaari pa rin tayong maging mayabang at mapagmataas at di-makatwirang humusga sa iba; kapag nakakaranas ng mga natural o gawa ng tao na sakuna maaari pa rin tayong magreklamo tungkol sa Diyos at sisihin Siya. Maraming gayong halimbawa. Makikita na tayo ay natubos lamang, ngunit ang ating makasalanang kalikasan ay malalim pa ring nakaugat sa loob natin, at samakatuwid ay hindi natin mapipigilan ang ating sarili na magkasala at labanan ang Diyos. Nais nating iwaksi ang mga gapos at kadena ng kasalanan ngunit wala tayong mabalingan, at walang sinuman ang maaaring makapagturo ng isang landas upang makatakas tayo sa pagkaalipin ng kasalanan.

Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay nagsagawa ng gawain ng paghatol alinsunod sa mga pangangailangan ng mga tao, naipahayag ang lahat ng katotohanan upang linisin at iligtas ang sangkatauhan, at dinirekta ang mga tao sa landas ng paglilinis ng kanilang mga kasalanan. Hangga’t nagagawa nating tanggapin ang katotohanang ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw at maranasan ang Kanyang gawain ng paghatol, unti-unti nating makakamtan ang pagdadalisay sa ating mga tiwaling disposisyon at maging mga tao na umaayon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi ito ang Diyos Mismo, sino pa ang maaaring maghayag ng mga misteryo? Sino pa ang maaaring humatol at ilantad ang ugat ng ating mga kasalanan? Sino ang maaaring magpahayag ng katotohanan upang dalisayin at iligtas ang mga tao at maaaring ipakita sa atin ang paraan upang linisin ang ating mga kasalanan? Sino ang maaaring magpahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos? Maliban kay Cristo, walang sinumang makakamit nito. Sa gayon, maliwanag na ang Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at na Siya ang Panginoong Jesus na bumalik—Siya ang Cristo ng mga huling araw.

Sabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan.” Samakatuwid, upang hindi mapalampas ang pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong mapagpakumbabang maghanap at magsiyasat ng gawain ni Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan lamang nito ay magkakaroon tayo ng pagkakataong batiin ang Panginoon, ma-rapture sa harap ng trono ng Diyos, at makamit ang katotohanan, ang daan, at ang buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw.

Tala ng Patnugot:

Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa itaas, naniniwala akong naintindihan mo ang totoong kahulugan ng mga salita ng Panginoon na “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay.” Kung mayroon pa ring hindi mo maintindihan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng online chat.

Mag-iwan ng Tugon