Christian Testimony Video | “Pagbangon sa harap ng Kabiguan”
Ang Pagbangon sa Harap ng Kabiguan ay isang patotoo ng isang Kristiyanong sumasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang bida ay isang abogado noon, nguni’t pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagsimula siyang masigasig na igugol ang sarili niya at pinili siyang maging isang pinuno ng iglesia. Dahil sa kanyang mga katangian, nagkamit siya ng ilang tagumpay sa kanyang tungkulin, ngunit lalo siyang naging mapagmataas, mapagpahalaga sa sarili, at walang pagpapahalaga sa iba. Ipinilit niya ang sarili niyang pamamaraan sa gawaing-iglesia, at napakabihirang makipagtalakayan ng mga bagay-bagay kasama ng kanyang mga kasamahan, hanggang sa huli ay nagsanhi siya ng mga pagkawala sa gawaing-iglesia. Gayunpaman, sa gitna ng matinding pagtatabas at pakikitungo, at sa gitna ng paghatol at mga pagbubunyag ng salita ng Diyos, napagtanto niya ang ugat na dahilan ng kanyang pagkabigo at pagbagsak, at nakahanap siya ng tunay na pagsisisi sa harap ng Diyos. Sa isang pulong ng iglesia, nagbahagi siya tungkol sa di-malilimutang karanasang ito …