Menu

Ang Pag-unawa sa 3 Prinsipyo na Ito ng Pagtuklas sa Tunay na Daan Mula sa mga Huwad na Daan, Hindi Na Tayo Mag-aalala na Malinlang

Ngayon ang mga salot, sunog, salot ng insekto, lindol, baha, at iba pang mga kalamidad ay lalong lumalala; maraming mga bansa ang nasa kaguluhan; ang apat na blood moon ay lumitaw na, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natupad na. Ngayon ang kritikal na oras upang tanggapin ang pagdating ng Panginoon. Maraming tao ang nagpapatotoo sa online na ang Panginoon ay bumalik na at nagpahayag Siya ng mga bagong salita at gumawa ng bagong gawain. Gayunpaman, ang ilang mga kapatid ay natatakot na mag-imbestiga sapagkat sinasabi ng kanilang mga pastor at elder na maraming tao ang nangangaral ng mga huwad na daan at hindi sila dapat makinig sa mga sermon sa labas ng kanilang mga simbahan, upang hindi sila malinlang ng mga huwad na daan. Mayroon ding ilang mga kapatid na iniisip na dapat silang makinig sa iba pang mga sermon dahil sinasabi ng Biblia, “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17). Ngunit nag-aalala pa rin sila na malinlang dahil hindi nila kayang makilala ang tunay na daan mula sa mga huwad na daan. Sa harap ng isang malaking kaganapan tulad ng pagtanggap sa Panginoon, umaayon ito sa kalooban ng Panginoon na gumawa ng hakbangin upang siyasatin ang tunay na daan. Kung hindi natin sisiyasatin ang mensahe na nangangaral na bumalik na ang Panginoon dahil sa takot na malinlang ng mga huwad na daan, hindi ba natin tinatanggihan din ang mga nangangaral ng tunay na daan? Kaya, ang pangunahing bagay na dapat nating gawin ngayon ay huwag maging mapagbantay laban sa mga huwad na daan, kundi ang matutunang makilala ang tunay na daan mula sa mga huwad na daan, upang hindi tayo malinlang, at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

pagtuklas-tunay-na-daan

Kung gayon, paano natin makikilala ang tunay na daan mula sa mga huwad na daan? Tingnan muna natin kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at huwad na daan ay nangangailangan ng ilang aspeto ng batayang kaalaman, na ang pinakasaligan dito ay ang pag-alam kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang diwa ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala nila sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugang ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, ngunit dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at siyang Salita na naging tao, kung sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na diwa pa rin ng Diyos. Kaya’t sa pagkilala kung ito ay ang tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu, at pagkaraan ay dapat mong tingnan kung mayroon o walang katotohanan sa daang ito. Ang katotohanan ang disposisyon sa buhay ng karaniwang pagkatao, na ang ibig sabihin ay yaong hiniling sa tao noong lalangin siya ng Diyos sa pasimula, at ito ay ang sumusunod, ang karaniwang pagkatao sa kabuuan nito (kabilang ang katinuan ng tao, panloob na pananaw, karunungan, at ang batayang kaalaman ng pagiging tao). Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung madadala ba o hindi ng landas na ito ang tao sa buhay ng karaniwang pagkatao, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan o hindi ayon sa realidad ng karaniwang pagkatao, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay sadyang napapanahon o hindi. Kung may katotohanan, makakaya nitong pangunahan ang mga tao sa karaniwan at tunay na mga karanasan; higit pa rito, nagiging lalong higit na karaniwan ang mga tao, lubos na nagiging ganap ang kanilang diwa, nagiging lalong higit na maayos ang kanilang buhay sa laman at ang espirituwal na buhay, at nagiging lalong higit na normal ang kanilang mga damdamin. Ito ang ikalawang prinsipyo. May isa pang prinsipyo, at iyan ay kung nadaragdagan ba o hindi ang pagkakilala ng tao sa Diyos, at kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahan o wala na pumukaw ng pag-ibig sa kanilang loob para sa Diyos, at higit silang mapalapit sa Diyos. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan imbes na supernatural, at kung ito ay nakapagkakaloob sa buhay ng tao o hindi. Kung ito ay umaayon sa mga prinsipyong nabanggit, maaaring mabuo ang pagpapasiya na ang daang ito ang tunay na daan.

Malalaman natin mula sa mga salitang ito ng Diyos na mayroong tatlong prinsipyo upang makakilala sa pagitan ng tunay na daan at ng huwad na daan. Sa ibaba, ife-fellowship namin nang detalyado.

1. Tingnan Kung ang Daang Ito ay Naglalaman o Hindi ng Gawain ng Banal na Espiritu

Dapat nating malaman na ang diwa ng Diyos ay Espiritu. Hindi mahalaga kung ang Diyos na si Jehova ang gumagawa bilang isang Espiritu, o ang Panginoong Jesus na nagsasagawa ng gawain sa katawang tao, sa diwa ito ay ang Espiritu ng Diyos na gumagawa ng gawain upang mamuno sa sangkatauhan. Kaya’t masasabing ang sangkap ng ating paniniwala sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos. Ang tunay na daan ay maaari lamang magmula sa Diyos at ito ay ang gawain at salita ng Diyos Mismo, na nangangahulugan na dapat naglalaman ito ng gawain ng Banal na Espiritu at ang mga tumatanggap ng tunay na daan ay tiyak na magkakaroon ng patnubay ng Banal na Espiritu. Ito ay tulad noong ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao upang gumawa sa gitna ng sangkatauhan at ipangaral ang daan, “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Nakita ng mga disipulo ng Panginoong Jesus na ang Kanyang mga salita ay natatangi, makapangyarihan at may awtoridad at naramdaman nila na ang mga salitang ito ay nagmula sa Diyos, at pagkatapos ay sunud-sunod silang sumunod sa Panginoon. Sa panahong iyon, ang Banal na Espiritu ay gumawa ng dakilang gawain. Araw-araw ay nangangaral ang Panginoong Jesus sa Kanyang mga tagasunod at tinuruan Niya silang mahalin ang kanilang mga kaaway, magpakita ng pagpapaubaya at pasensya, patawarin ang iba nang pitumpu’t pitong beses, mahalin ang Panginoon nang buong puso at kaluluwa, at iba pa. Pinunan ng ilan ng mga sermon ng Panginoong Jesus ang mga puso ng Kanyang mga tagasunod, binigyan sila ng landas ng pagsasanay, at tinulutan silang madama ang presensya ng Diyos. Nang matapos ang gawain ng Diyos sa katawang tao at ang Panginoong Jesus ay nabuhay na muli at umakyat sa langit, ang Banal na Espiritu ay gumawa ng dakilang gawain sa iglesia at ang mga mananampalataya sa Panginoon ay puno ng pananalig. Gaano inusig ng mga Fariseo at pamahalaang Romano ang mga disipulo at mananampalataya ng Panginoon at hinadlangan sila mula sa pangangaral ng ebanghelyo, ang bilang ng mga tao na tumanggap ng kaligtasan ng Panginoon ay mas dumami sa bawat araw na lumilipas at lahat ng mga naniwala at sumunod sa Panginoon ay nadarama ang pagkaantig sa kanilang mga panalangin at lahat ay handang magsanay alinsunod sa mga turo ng Panginoon upang paluguran Siya. Nakatamo sila ng higit na pananampalataya sa Panginoon at mas naging malapit sa Kanya, na may kapayapaan at kagalakan na pumupuno sa kanilang mga puso. Ang iglesia ay buhay na buhay sa panahong iyon. Hindi alintana kung anong uri ng pagsubok ang kanilang kinakaharap, ang mga mananampalataya sa Panginoon ay nagpapatuloy na basahin ang Biblia at lumalakad sa daanan ng krus; marami sa kanila ang iniwan ang lahat upang maipalaganap ang ebanghelyo at ang ilan ay naging martir para sa kanilang pananampalataya. Ito ang lahat ng mga epekto na nakamit sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu.

Samakatuwid, kapag isinasaalang-alang kung ang isang bagay ay tunay na daan, maaari nating tingnan kung naglalaman ito ng gawain ng Banal na Espiritu. Kapag tinanggap ng mga tao ang tunay na daan kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu, matatamasa nila ang panustos at pagdidilig ng buhay ng Diyos, makatatamo ng kaalwanan at kalayaan sa kanilang kaluluwa, at magkakaroon ng landas ng pagsasagawa sa mga isyung nakahaharap nila. At ang iglesia ay mas malawak na uunlad. Mula sa nakaraang gawain ng Diyos makikita natin na ang tunay na daan ay inuusig mula pa noong sinaunang panahon. Gayunpaman, gaano man lupigin ng masasamang puwersa ang tunay na daan, sa gawain ng Banal na Espiritu, ang mga sumunod sa totoong Diyos ay hindi lamang di-nawalan ng pananampalataya, kundi nagtamo ng mas higit na kumpiyansa sa pagsunod sa Diyos hanggang sa wakas. Ang lahat ng ito ay dahil sa gabay ng gawain ng Banal na Espiritu. Taliwas dito, kung ang isang daan ay hindi naglalaman ng gawain ng Banal na Espiritu, nangangahulugan ito na wala itong presensya ng Diyos at ito ay isang relihiyosong grupo lamang na itinatag ng tao. Ang mga taong sumusunod sa ganitong daan ay hindi lalago sa kanilang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos, at kapag nangyari sa kanila ang mga bagay, sinusunod lamang nila ang ilang mga patakaran o maging wala silang mapupuntahan, na walang kasiyahan sa espiritu. Ang nasabing relihiyosong grupo kalaunan ay kusang maglalaho. Ito ay tulad ng sinasabi sa kasabihan: “Kung ano ang nagmula sa Diyos ay uunlad, kung ano ang nagmula sa tao ay dapat maglaho.”

2. Tingnan Kung ang Daang Ito ay Naglalaman o Hindi ng mga Pagpapahayag ng Katotohanan at Kung Maaari Nitong Tulutan ang mga Tao na Isabuhay ang Wastong Pagkatao.

Ang isa pang paraan upang makilala ang tunay na daan at ang huwad na daan ay ang tingnan kung ang daan na ito ay naglalaman ng mga pagpapahayag ng katotohanan at kung maaari nitong tulutan ang mga tao na isabuhay ang wastong pagkatao. Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa tuwing dumarating ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain, gagawin Niya, alinsunod sa mga pangangailangan natin bilang tiwaling sangkatauhan, magpapahayag ng bagong katotohanan at bibigyan tayo ng mga bagong landas ng pagsasagawa upang tustusan ang ating buhay, panumbalikin ang ating konsensya at katwiran, tulutan tayong isabuhay ang wastong pagkatao. Maaari itong kumpirmahin ng dalawang nakaraang yugto ng gawain ng Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan ginamit ng Diyos na si Jehova si Moises upang magpalabas ng mga batas at utos. Bagaman hindi binubuo ang mga ito ng masyadong maraming salita, lahat ng mga ito ay nagmula sa Diyos at ang katotohanan, at kung ano ang pinakakailangan ng mga tao sa panahong iyon. Ang mga batas at kautusang ito ay nagturo sa sangkatauhan kung paano mamuhay ng wastong buhay sa mundo at kung paano sumamba sa Diyos, upang maunawaan natin ang ilang pangunahing prinsipyo para sa pamumuhay.

Sa Kapanahunan ng Biyaya nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa sa katawang tao, dinala Niya ang daan ng pagsisisi at isang bagong paraan upang magsanay alinsunod sa mga pangangailangan ng mga tao. Halimbawa, sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na dapat nating patawarin ang iba nang pitumpu’t pitong beses, maging mapagpatawad at mapagparaya sa iba, mahalin ang bawat isa, maging matapat na mga tao, huwag manghusga ng iba, at iba pa. Tayong mga mananampalataya sa Panginoon ay nagsasanay alinsunod sa mga salita ng Panginoon gaya ng kababaang-loob at pagpaparaya, at unti-unti, nakakaranas tayo ng ilang pagbabago sa ating pag-uugali at namumuhay sa isang mas lalong normal na pagkatao.

Minsang iprinopesiya ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw Siya ay babalik. Sinabi Niya: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anumang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). Sinasabi sa mga Hebreo 9:28: “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kaniya.” Mula sa mga bersikulong ito maaari nating makita na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya, ayon sa ating tayog, ay magpapahayag ng higit pa at mas mataas na mga katotohanan kaysa sa mga nailahad sa Kapanahunan ng Biyaya, na nagbibigay-daan sa atin na iwaksi ang mga gapos ng kasalanan at lubusang malutas ang pangunahing sanhi ng ating pagkakasala. Kung nagsasagawa tayo alinsunod sa katotohanang ipinahayag ng bumalik na Panginoon, tiyak na mas magiging pakaunti nang pakaunti ang pagkakasala natin at unti-unting madadalisay ang ating mga satanikong tiwaling disposisyon. Ito ang epekto na makakamtan ng mga salita ng bagong panahon ng Diyos. Kaya, kapag may nagpatotoo sa atin ng bagong gawain ng nagbalik na Panginoon, maaari nating tingnan kung ang daan na iyon ay naglalaman ng lahat ng mga katotohanan na makapagpapahintulot sa atin na makalaya mula sa kasalanan at makamit ang kadalisayan, at kung may mga patotoo sa pagkamit ng pagbabago sa disposisyon at pagsasabuhay ng isang tunay na wangis ng tao sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng Diyos. Ang mga epektong ito ay hindi maaaring makamit ng isang huwad na daan, sapagkat hindi maipapahayag ng tao ang katotohanan at matulutan ang iba na maabot ang pagbabago ng kanilang disposisyon sa buhay.

3. Tingnan Kung ang Daang Ito ay Nagbibigay o Hindi sa mga Tao ng Lumalagong Kaalaman Tungkol sa Diyos

Maaari nating timbangin kung ito ay ang tunay na daan o huwad na daan batay sa kung ang daang ito ay nagbibigay sa mga tao ng lumalagong kaalaman tungkol sa Diyos at nagbibigay-daan sa kanilang ugnayan sa Diyos na maging lalong normal. Sa pagparito ng Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain at iligtas ang tao, tiyak na sasabihin Niya sa atin kung ano ang Kanyang kalooban at mga kinakailangan, upang maunawaan natin kung anong mga gawa ang kinagigiliwan ng Diyos at kung anong mga gawa ang kinamumuhian Niya, at magtamo ng mas malalim na kaalaman tungkol sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan at kung ano ang mayroon Siya at ano Siya, sa gayon ay bumubuo ng mga puso ng paggalang at pagmamahal sa Kanya at nagkakaroon ng isang mas lalong normal na relasyon sa Kanya. Mapatutunayan ito ng nakaraang gawain ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga batas at utos na inilabas mula sa Diyos na si Jehova ay nagpapaalam sa mga tao sa oras na iyon ng pagkamaharlika, pagkapoot at hindi malalabag na disposisyon ng Diyos. Ang mga sumalungat sa mga batas ay parurusahan, habang ang mga tumalima sa mga batas ay maaaring makatanggap ng patnubay at pagpapala ng Diyos; nagpapahintulot sa kanilang malaman ang katuwiran at kagandahan ng Diyos at magkaroon ng paggalang sa Diyos na si Jehova.

Ngunit sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay lalong nagkasala. Wala nang sapat na mga sakripisyo upang matubos ang kanilang mga kasalanan, at lahat ay nasa peligro na mahatulan at patayin alinsunod sa mga batas. Kaya’t ang Diyos ay personal na nagkatawang tao upang gumawa ng gawain, ipinagkaloob sa sangkatauhan ang Kanyang awa at pag-ibig pati na rin ang masaganang biyaya at pagpapala, tulad ng pagpapagaling sa mga may sakit at pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapakain sa limang libong tao ng limang tinapay at dalawang isda, at iba pa. Sa kalaunan, Siya ay ipinako sa krus upang magsilbi bilang handog dahil sa kasalanan para sa sangkatauhan. Maraming tao, matapos tanggapin ang kaligtasan ng Panginoong Jesus at makita ang Kanyang awa at pag-ibig para sa sangkatauhan, ay naantig ng Kanyang pag-ibig at handang talikuran ang lahat upang paglingkuran Siya.

Makikita na ang pagiging Diyos at pag-aari ng Diyos, pati na rin ang Kanyang disposisyon ay nahayag sa gawaing Kanyang ginawa noon. Gayundin, sa pagbabalik ng Panginoon upang magpakita at gumawa sa mga huling araw, sasabihin Niya sa atin ang higit pa sa Kanyang kalooban, upang makatamo tayo ng isang bagong pag-unawa sa Diyos. Samakatuwid, kung nais nating makilala ang tunay na daan at ang huwad na daan, maaari nating tingnan kung ang mga tumatanggap sa ganitong daan ay may bagong kaalaman tungkol sa Diyos, at kung mayroon silang mga patotoo ng pagsunod sa Diyos at pagmamahal sa Kanya. Ang mga naniniwala sa huwad na daan o sa lumang daan, ay hindi kailanman makapagsasabi ng bagong kaalaman tungkol sa pagiging Diyos at pag-aari ng Diyos, mas lalong hindi sila magkakaroon ng isang patotoo ng pag-ibig para sa Diyos.

Ito ang tatlong prinsipyo ng pagtuklas ng tunay na daan mula sa mga huwad na daan. Inaasahan kong ang teksto na ito ay magiging kapaki-pakinabang para sa iyo at matulungan kang masalubong ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa lalong madaling panahon.

Mag-iwan ng Tugon