Noong panahong sinusundan niya si Jesus, napakaraming niyang mga opinyon ni Pedro tungkol sa Kanya at palagi Siyang hinahatulan mula sa kanyang sariling pananaw. Bagaman mayroon siyang isang tiyak na antas ng pagkaunawa sa Espiritu, si Pedro ay hindi masyadong naliwanagan, kaya ganito ang mga salita na sinabi niya: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu.” Hindi niya naunawaan ang mga bagay na ginawa ni Jesus at walang natanggap na pagliliwanag. Pagkatapos na sundan Siya sa loob ng ilang panahon lumago ang kanyang interes sa kung ano ang ginawa at sinabi Niya, at kay Jesus Mismo. Naramdaman na niya na pumupukaw si Jesus kapwa ng pagsuyo at paggalang; ninais niyang makasama Siya at manatiling katabi Niya, at ang pakikinig sa mga salita ni Jesus ang nagbigay sa kanya ng panustos at tulong. Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. Nakita niya na kahit na walang mataas na tayog ni pambihirang pagkatao si Jesus, nagtataglay Siya ng tunay na pambihira at hindi-pangkaraniwang katangian. Bagaman hindi kayang ganap na maipaliwanag ito ni Pedro, nakita niya na kumilos si Jesus nang naiiba sa lahat, dahil gumawa Siya ng mga bagay-bagay na malayo sa ginagawa ng karaniwang tao. Mula sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus, natanto rin ni Pedro na ang Kanyang karakter ay iba roon sa karaniwang tao. Palagi Siyang kumikilos nang matatag at hindi kailanman nagmamadali, hindi kailanman eksaherado ni minaliit ang isang paksa, at pinatakbo ang Kanyang buhay sa paraang kapwa karaniwan at kahanga-hanga. Sa pakikipag-usap, si Jesus ay elegante at kaaya-aya, hayag at masayahin ngunit panatag, at hindi kailanman nawala ang Kanyang dignidad sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Nakita ni Pedro si Jesus na paminsan-minsang walang-imik, nguni’t sa ibang pagkakataon ay walang-tigil sa pagsasalita. Paminsan-minsan siya ay napakasaya kaya nagiging maliksi at buhay na buhay tulad ng isang kalapati, at paminsan-minsan nama’y napakalungkot kaya hindi Siya nagsasalita, na para bang isang inang binagyo. Kung minsan Siya ay galit na galit, tulad ng isang matapang na sundalo na dadaluhong upang pumatay ng mga kaaway, at paminsan-minsan ay katulad ng umaatungal na leon. Paminsan-minsan ay tumatawa Siya; sa ibang pagkakataon ay nananalangin at umiiyak. Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakilala ni Pedro si Jesus