Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Sumapit Nang Muling Gamitin ng Diyos ang Kanyang Awtoridad
Ginamit ng Lumikha ang Kanyang mga salita para tuparin ang Kanyang plano, at sa paraang ito, pinalipas Niya ang unang tatlong araw ng Kanyang plano. Sa loob ng tatlong araw na ito, ang Diyos ay hindi nakitang naging abala o pinapagod ang Kanyang sarili; bagkus, pinalipas Niya ang kamangha-manghang unang tatlong araw ng Kanyang plano, at naisakatuparan ang dakilang gawain ng radikal na pagbabagong-anyo sa mundo. Isang bagung-bagong mundo ang lumitaw sa Kanyang harapan, at, nang paisa-isang piraso, ang magandang larawan na nakatago sa loob ng Kanyang mga iniisip ay nabunyag sa wakas sa mga salita ng Diyos. Ang paglitaw ng bawat bagong bagay ay parang kapanganakan ng isang bagong silang na sanggol, at nalugod ang Lumikha sa larawang minsan ay nasa Kanyang mga iniisip, ngunit ngayon ay nabigyan na ng buhay. Sa sandaling ito, nagkaroon ng munting kasiyahan ang Kanyang puso, ngunit kasisimula pa lamang ng Kanyang plano. Sa isang kisap-mata, isang bagong araw ang dumating—at ano ang susunod na pahina sa plano ng Lumikha? Ano ang sinabi Niya? At paano Niya ginamit ang Kanyang awtoridad? Samantala, anong mga bagong bagay ang dumating dito sa bagong mundo? Sa pagsunod sa paggabay ng Lumikha, natutuon ang ating pagtingin sa pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, isang araw na isa na namang bagong pasimula. Siyempre, para sa Lumikha, walang duda na ito ay isa na namang kamangha-manghang panibagong araw, at panibagong araw na naman ito na sukdulan ang kahalagahan para sa sangkatauhan sa kasalukuyan. Tunay na ito ay isang araw na hindi masusukat ang halaga. Gaano ito kamangha-mangha, gaano ito kahalaga, at paanong hindi masukat ang halaga nito? Makinig muna tayo sa mga salitang binigkas ng Lumikha …
“At sinabi ng Diyos, ‘Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa’” (Genesis 1:14–15). Isa na naman itong paggamit ng awtoridad ng Diyos na ipinakita ng mga nilalang pagkatapos ng Kanyang paglikha ng tuyong lupa at ng mga halamang nasa loob nito. Para sa Diyos, ang naturang pagkilos ay kasing dali ng nagawa na Niya, dahil may ganoong kapangyarihan ang Diyos; kasinggaling ng Diyos ang Kanyang salita, at matutupad ang Kanyang salita. Iniutos ng Diyos na lumitaw ang mga tanglaw sa langit, at ang mga tanglaw na ito ay hindi lamang sumikat sa kalangitan at sa lupa, kundi nagsilbi ring mga tanda para sa araw at gabi, para sa mga panahon, mga araw, at mga taon. Sa paraang ito, habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita, ang bawat pagkilos na gustong maisakatuparan ng Diyos ay natupad ayon sa kahulugan ng Diyos at sa paraang itinalaga ng Diyos.
Ang mga tanglaw sa kalangitan ay pisikal na bagay sa himpapawid na magsisinag ng liwanag; paliliwanagin ng mga iyon ang papawirin, ang lupa at mga karagatan. Umiikot ang mga ito ayon sa ritmo at dalas na iniutos ng Diyos, at tinatanglawan ang iba’t ibang sakop ng mga panahon sa ibabaw ng lupa, at sa ganitong paraan, ang mga siklo ng pag-ikot ng mga tanglaw ay ang nagsasanhi na mapalabas ang araw at gabi sa silangan at kanluran ng lupa, at hindi lamang mga tanda para sa gabi at araw ang mga iyon, ngunit sa pamamagitan ng iba’t ibang siklo na ito ay natatandaan din ang mga pista at iba’t ibang espesyal na mga araw ng sangkatauhan. Ang mga iyon ay perpektong pambuo at kasama sa apat na panahon—tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig—na ipinalabas ng Diyos, na kasama ng mga tanglaw na magkakaayong nagsisilbi bilang regular at tumpak na mga tanda para sa haba ng mga buwan, araw, at taon ng sangkatauhan. Bagama’t pagkatapos lamang na dumating ang pagsasaka na nagsimulang maintindihan at makita ng sangkatauhan ang paghahati-hati ng haba ng mga buwan, araw at taon na sanhi ng mga tanglaw na nilikha ng Diyos, sa katunayan ang haba ng mga buwan, araw, at taon na naiintindihan ng tao ngayon ay nagawa na noon pa man simula noong pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, at gayundin ang nagpapalit-palit na mga siklo ng tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig na naranasan ng tao ay nagsimula na noon pang ikaapat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang mga tanglaw na nilikha ng Diyos ay nagbigay-kakayahan sa tao na palagian, tumpak, at malinaw na malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng gabi at araw, at bilangin ang mga araw, at malinaw na subaybayan ang mga haba ng mga buwan at taon. (Ang araw ng kabilugan ng buwan ay ang pagkumpleto ng isang buwan, at mula rito, alam ng tao na ang pag-ilaw ng mga tanglaw ay nagsisimula ng isang bagong siklo; ang araw ng kalahating buwan ay ang pagkumpleto sa kalahati ng buwan, na nagsabi sa tao na nagsisimula na ang isang bagong buwan, at mahihinuha mula rito kung ilang araw at gabi ang mayroon sa isang buwan, kung ilang buwan ang mayroon sa isang panahon, at kung ilang panahon mayroon sa isang taon, at ang lahat ng ito ay ibinunyag nang may napakataas na regularidad.) Kaya madaling masubaybayan ng tao ang mga buwan, araw, at taon na may mga pananda ng mga kumpletong pag-ikot ng mga tanglaw. Mula sa puntong ito, hindi namalayan ng sangkatauhan at ng lahat ng bagay na namuhay sila na may maayos na pagpapalitan ng gabi at araw at mga pagpapalitan ng mga panahon na napalabas ng mga kumpletong pag-ikot ng mga tanglaw. Ito ang kabuluhan ng paglikha sa mga tanglaw sa pang-apat na araw ng Lumikha. Katulad nito, ang mga minimithi at kabuluhan ng pagkilos na ito ng Lumikha ay hindi pa rin naihiwalay mula sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan. At kaya ang mga tanglaw na ginawa ng Diyos at ang halaga na nalalapit nang dalhin ng mga iyon sa tao ay isa pang kumpas ng kahusayan sa paggamit ng awtoridad ng Lumikha.
Sa bagong mundong ito, kung saan ay hindi pa lumilitaw ang sangkatauhan, naihanda na ng Lumikha ang gabi at umaga, ang kalawakan, lupain at mga karagatan, damo, halaman at iba’t ibang uri ng mga puno, at ang mga tanglaw, mga panahon, mga araw, at mga taon para sa bagong buhay na nalalapit na Niyang likhain. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha ay naipahayag sa bawat bagong bagay na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga salita at mga nagawa ay nangyari nang sabay, nang wala ni katiting na kaibahan, at nang wala ni katiting na pagitan. Ang paglitaw at pagsilang ng lahat ng mga bagong bagay na ito ay patunay ng awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha: kasing galing Niya ang Kanyang salita, at ang Kanyang salita ay matutupad, at ang natutupad Niya na ay mananatili magpakailanman. Hindi kailanman nagbago ang katunayang ito: ganoon sa nakaraan, ganoon din ngayon, at magiging ganoon sa buong kawalang-hanggan. Kapag muli ninyong titingnan ang mga salitang iyon sa kasulatan, nararamdaman ba ninyong bago ang mga iyon? May nakita na ba kayong mga bagong nilalaman, at nakagawa ng mga bagong pagtuklas? Iyon ay dahil naantig na ng mga ginawa ng Lumikha ang inyong mga puso, at ginabayan ang direksiyon ng inyong kaalaman sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at binuksan ang pintuan ng inyong pagkaunawa sa Lumikha, at ang Kanyang mga ginawa at awtoridad ay nagbigay na ng buhay sa mga salitang ito. Kaya, sa mga salitang ito ay nakita na ng tao ang isang totoo at malinaw na pagpapahayag ng awtoridad ng Lumikha, tunay na nasaksihan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, at namasdan ang pagiging di-pangkaraniwan ng awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha.
Ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha ay nagbubunga ng sunud-sunod na himala; inaakit Niya ang pansin ng tao, at walang magagawa ang tao kundi tumitig nang di-kumukurap sa mga kahanga-hangang gawa na nanggaling sa paggamit ng Kanyang awtoridad. Ang Kanyang di-pangkaraniwang kapangyarihan ay nagdudulot ng sunud-sunod na kasiyahan, at naiiwan ang tao na puno ng pagkamangha at labis na tuwa, at napapabuntong-hininga sa paghanga, tulala, at masaya; at higit pa rito, ang tao ay halatang naaantig, at nabubuo sa kanya ang paggalang, pagpipitagan, at pagkagiliw. May matindi at nakakalinis na epekto ang awtoridad at mga gawain ng Lumikha sa espiritu ng tao, at, bukod dito, labis na binibigyang-kasiyahan nito ang espiritu ng tao. Ang bawat iniisip Niya, bawat pagbigkas Niya, at ang bawat pagbubunyag ng Kanyang awtoridad ay isang obra maestra sa gitna ng lahat ng bagay, at isang malaking gawain na pinakakarapat-dapat sa malalim na pagkaunawa at pagkakilala ng nilikhang sangkatauhan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I