Sa edad na kinse, ang pangunahing tauhan ay nagdusa ng isang trahedya sa pamilya. Sa kanyang kawalan ng pag-asa, tinanggap niya ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus at naantig siya ng Kanyang pagmamahal, at nagpasyang ilaan ang kanyang sarili sa Kanya. Ngunit ang puso ng kanyang ina ay nakatuon sa pagpasok niya sa kolehiyo, pagiging matagumpay, at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Nagpatuloy siya sa pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at noong nakita niya na ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw upang linisin at iligtas ang tao, lalo niyang ginustong maglingkod sa Diyos at sundin ang tamang landas ng buhay sa paghahangad ng katotohanan. Dumating sa kanya ang sulat ng pagtanggap mula sa isang magandang kolehiyo, pero nais niyang tumigil sa pag-aaral upang igugol ang kanyang sarili sa Diyos. Ganap na tinutulan ng kanyang ina ang desisyong ito at nagpatulong sa kanilang mga kamag-anak na kausapin siya at pigilan siya. Sinabi pa ng kanyang ina na kung patuloy siyang mananampalataya sa Diyos, wala na siyang pakialam sa kanya. Nasa isang panig ang landas ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos, at nasa kabila ang kanyang ina na nagpalaki sa kanya, alin ang pipiliin niya sa huli?