Madalas ang Aming Pagdarasal ng Rosaryo, Ngunit Bakit Hindi Nakikinig ang Panginoon?
Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at simula pagkabata, isinasagawa ko na ang lahat ng uri ng mga relihiyosong ritwal kasama ng aking mga magulang, sa lahat ng iyon, ang sari-saring dasal ang lubos na nagpahanga sa akin. Ang Rosaryo ang pinakapangunahing bagay na dapat naming isagawa bilang mga Katoliko. Tuwing gabi ay dapat naming dasalin ang Rosaryo. Una, ginagawa namin ang tanda ng krus gamit ang krusipiho sa aming mga daliri at dinarasal ang Sumasampalataya Ako; kasunod, dinarasal namin ang Ama Namin, sampung Aba Ginoong Maria, ang Luwalhati sa Ama, at nagdarasal ng mga misteryo para sa bawat isa sa limang seksyon ng rosaryo, at pagkatapos ay idinarasal ang Aba Po Santa Mariang Hari. Napakahaba ng mga dasal, at talagang hindi madaling tapusin ang lahat ng ito.
Ang pagdarasal ng Novena ay isa pang uri ng dasal sa Katolisismo, na nangangahulugang pagdarasal para sa parehong intensyon sa loob ng siyam na araw nang magkakasunod upang matamo ang pabor at tulong ng Panginoon. Mayroon din kaming isang libro ng dasal, kung saan mayroong iba’t ibang dasal para sa iba’t ibang intensyon. Bago magdasal, masinsinan naming pagninilayan ang aming mga hangarin; pagkatapos ay babasahin namin ang mga kaugnay na salita sa libro; pagkaraang matapos ang mga salitang ito, darasalin namin ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, ang Luwalhati sa Ama, pagkatapos ay magninilay-nilay, at idarasal ang pangwakas na panalangin sa huli. Hindi rin talaga madaling tapusin ang dasal na ito, at sa panahong iyon inisip ko na ito ay isang maka-Diyos na pag-uugali. Ngunit sa pagdaan ng panahon, natagpuan kong marami sa aking mga hangarin ang bigong magkatotoo. Hindi ko mapigilang magsimulang magtaka: “Hindi ba’t sinabi na hangga’t nagdarasal tayo para sa parehong hangarin sa loob ng 9 na magkakasunod na araw ay matutupad ito? Bakit hindi nagkatotoo ang aking mga hangarin? Kung ang ganoong pagdarasal ay hindi makakatulong sa atin na matupad ang ating mga hangarin, bakit tayo patuloy na nagdarasal sa ganoong paraan?” Kaya’t medyo hindi ko na gustong gawin ang ganitong dasal, pero dahil nakikita ang iba pa sa simbahan na ginagawa ito, wala akong magawa kundi ang patuloy na kumilos sa ganitong paraan.
Bukod sa mga dasal sa itaas, mayroon ding paglalakad at pagdarasal ng Rosaryo. Sa tuwing ginagawa namin ito, bumabangon kami ng alas-3 ng umaga, bitbit ang rebulto ng Pinagpalang Ina sa isang silid, lumuluhod sa panalangin at inuulit-ulit ang dasal sa loob ng isang oras, at pagkatapos ay lilipat sa ibang silid at uulitin ang proseso. Sa totoo lang, ayoko talagang dumalo sa ritwal na ito, dahil sa sobrang napapagod at inaantok ako kapag ginagawa ito. Medyo naguluhan din ako: “Bakit hindi tayo direktang nagdarasal sa Panginoon, kundi nagdarasal sa Pinagpalang Ina sa halip?” Ngunit madalas kong marinig na sinasabi ng aking mga magulang: “Ang Panginoong Jesus ay ang Banal na Anak, at si Maria ay Kanyang Pinagpalang Ina. Kung nais nating humiling ng isang bagay mula sa Panginoong Jesus, dapat muna tayong magdasal sa Pinagpalang Ina. Sa pamamagitan niya, tiyak na masasagot ang ating mga dalangin.” Bagaman naisip ko na ang ganoong interpretasyon ay medyo malayong paniwalaan, ayokong makondena ng Panginoon dahil sa paglabag sa patakaran ng Katolisismo. Kaya’t ipinagpatuloy ko pa rin ang pagdalo sa seremonyang ito, sinusundan ang nakararami. Nagpatuloy ito hanggang sa isang araw nang may aksidenteng naganap habang kami ay nagdarasal …
Madaling araw ng umagang iyon, ang ilan sa aking mga kaibigan sa simbahan ay dinala ang rebulto ni Maria sa bahay ng isang kaibigan sa simbahan tulad ng lagi naming ginagawa, pagkatapos ay dinasal nila ang Rosaryo sa loob ng bahay habang ang iba sa amin ay nanalangin sa labas. Ito ay nang mangyari ang aksidente. Ang 2-palapag na bahay ay biglang gumuho. Bumagsak ang kisame at nasaktan ang may-ari ng bahay at ang iba pang mga tao sa baba. Nakatayo ako sa labas ng harap ng tarangkahan noon kaya nakatakas ako nang hindi nasasaktan. Nasaksihan ko ang mapanganib na sitwasyon, natakot ako at naguluhan din, iniisip na: “Pinagsisilbihan namin ang Panginoon, kaya’t bakit Niya pinahintulutan na mangyari ang bagay na ito? Hindi ba nakalulugod sa Kanya ang ating panalangin?” Natatakot na mangyari ulit ang gayong aksidente, tumigil ako sa pagdalo sa ganitong uri ng seremonya at sa halip ay nag-Rosaryo nang mag-isa.
Isang araw, sa aking mga debosyon, nakita ko ang maraming mga talata ng banal na kasulatan, “At kapag nagdarasal kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw, na mahilig tumayo at magdasal sa mga sinagoga at kanto, upang makita sila ng mga tao: Sinasabi ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag magdarasal ka, pumasok ka sa iyong silid, at pagkasara ng pinto, magdasal sa iyong Ama na nasa lihim: at ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay susuklian ka. At kapag nagdarasal ka, huwag masyadong magsalita, na tulad ng mga hentil. Dahil akala nila na sa pagsasalita nila nang marami’y pakikinggan sila” (Mateo 6:5–7). Nagnilay-nilay ako nang mabuti: Sinabi sa atin ng Panginoon na hindi tayo dapat maging katulad ng mga mapagpaimbabaw, na sadyang nagdarasal upang mapakinggan ng tao, ngunit sa halip ay dapat tayong manalangin sa Panginoon nang may tunay na puso, at ang pagsasabi ng maraming mga salita sa pananalangin ay maaaring hindi makapagpalugod sa Kanya. Naalala ko na sa lahat ng mga taon sa aking mga panalangin, bagaman palagi akong nagdarasal nang matagal, wala akong ibang ginawa kundi ang bigkasin ang parehong mga lumang salita, tulad ng pagbigkas sa isang aralin. Naisip ko rin ang trahedyang nangyari sa aming paglalakad at pagdarasal. Naisip ko: Marahil ay kinamumuhian ng Diyos ang aming ginawa; kung hindi, bakit hindi Niya kami pinotektahan habang kami ay nananalangin? Marahil ay naakay ako sa maling landas. Sa pag-iisip nito, napagpasyahan kong huwag nang paulit-ulit na manalangin ng Rosaryo sa hinaharap, ngunit dasalin na lamang ang Ama Namin, sampung Aba Ginoong Maria at sampung Santa Maria, at pagkatapos ay manalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Sa kabila nito, hindi pa rin ako maantig ng Panginoon, at nararamdaman na napakalayo ko sa Kanya. Minsan, habang nagsasagawa ako ng espirituwal na debosyon, nakita kong binanggit ng mga banal na kasulatan ang pag-aayuno at pagdarasal. Kaya’t nagsimula akong mag-ayuno upang ipakita ang aking paggalang sa Diyos at pansamantalang hiniling sa Kanya na tulungan akong makahanap ng isang mas magandang trabaho. Gayunpaman, sa tuwing matatapos iyon, wala nang iba kundi gutom at sakit ng ulo ang naiiwan sa akin. Makalipas ang maraming buwan, hindi pa rin ako naantig ng Panginoon, at ang trabaho ko ay hindi rin nagbago. Bukod dito, lalong lumala ang aking kalusugan at madalas akong magkasakit, kaya tumigil ako sa pag-aayuno. Nakaramdam ako ng pagkalito: “Nagbayad ako ng napakalaking halaga, kaya bakit hindi pa rin pinapakinggan ng Panginoon ang aking panalangin? Talaga bang itinakwil na ako ng Panginoon?” Ang aking puso ay mas naging hungkag at madilim, at ang aking kumpiyansa ay naging mahina araw-araw.
Noong 2017, nakilala ko ang mga kapatid ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Facebook. Sinabi nila sa akin: “Ang Panginoong Jesus ay bumalik na, pumarito sa katawang-tao bilang ang Makapangyarihang Diyos, at Siya ay nagpahayag ng maraming katotohanan at ginagawa ang isang bagong yugto ng Kanyang gawain. Sa pamamagitan lamang ng pagdarasal sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos natin matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung hindi, gaano man tayo manalangin nang husto, ito ay magiging walang kabuluhan. Ito ay katulad lamang nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, gaano man nanalangin nang husto ang mga tao sa Diyos na si Jehova, hindi Niya sila pinakinggan at hindi nila makamit ang kaliwanagan at pag-iilaw ng Banal na Espiritu. Ang mga tumanggap lamang sa gawain ng Panginoong Jesus at nanalangin sa Kanyang pangalan ang makakaramdam ng Kanyang presensya at masisiyahan sa Kanyang pagpapala at biyaya.”
Matapos marinig ang kanilang fellowship, naunawaan ko: Ito ay dahil ang Panginoon ay nagbalik nang may bagong pangalan ngunit nananalangin pa rin ako sa pangalan ng Panginoong Jesus, kaya hindi ko matamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Ngunit hindi ko pa rin alam ang ibang mga aspeto ng aking mga panalanagin na hindi ayon sa kalooban ng Diyos. Hanggang sa isang araw, nakita ko ang sumusunod na mga salita ng Diyos: “Naniniwala ang karamihan sa mga tao na ang isang normal na espirituwal na buhay ay kailangang kapalooban ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos o pagninilay sa Kanyang mga salita, mayroon mang tunay na epekto ang gayong mga pagsasagawa o kaya’y humahantong man ang mga ito sa tunay na pagkaunawa. Nakatuon ang mga taong ito sa pagsunod sa mababaw na mga pamamaraan nang hindi iniisip ang magiging resulta ng mga ito; sila ay mga taong nabubuhay sa mga ritwal ng relihiyon, hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Lahat ng kanilang panalangin, pagkanta ng mga himno, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay puro pagsunod sa panuntunan, na ginagawa dahil napipilitan sila at para makaagapay sa mga kalakaran, hindi dahil sa kahandaan at ni hindi mula sa puso. Gaano man manalangin o kumanta ang mga taong ito, hindi magkakaroon ng bunga ang kanilang mga pagsisikap, sapagkat ang isinasagawa nila ay mga panuntunan at ritwal lamang ng relihiyon; hindi talaga sila nagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Nagtutuon lamang sila sa pagkabahala kung paano sila nagsasagawa, at itinuturing nilang mga panuntunang susundin ang mga salita ng Diyos. Hindi isinasagawa ng gayong mga tao ang mga salita ng Diyos; pinagbibigyan lamang nila ang laman, at gumagawa sila para makita ng ibang mga tao. Lahat ng panuntunan at ritwal na ito ng relihiyon ay tao ang pinagmulan; hindi nagmumula ang mga ito sa Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga panuntunan, ni hindi Siya sakop ng anumang batas. Sa halip, gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw, nagsasakatuparan ng praktikal na gawain. Gaya ng mga tao sa Three-Self Church, na nililimitahan ang kanilang sarili sa mga pagsasagawa tulad ng pagdalo sa pagsamba sa umaga araw-araw, pag-aalay ng mga panalangin sa gabi at panalangin ng pasasalamat bago kumain, at pasasalamat sa lahat ng bagay—gaano man karami ang kanilang ginagawa at gaano man katagal nila iyon ginagawa, hindi mapapasakanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nabubuhay ang mga tao sa gitna ng mga panuntunan at nakatutok ang kanilang puso sa mga pamamaraan ng pagsasagawa, hindi makakagawa ang Banal na Espiritu, dahil ang kanilang puso ay puno ng mga panuntunan at kuru-kuro ng tao. Sa gayon, hindi nagagawang mamagitan at gumawa ang Diyos sa kanila, at maaari lamang silang patuloy na mabuhay sa ilalim ng kontrol ng mga batas. Ang gayong mga tao ay walang kakayahang tumanggap ng papuri ng Diyos kailanman.”
Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang anumang panalangin na hindi epektibo at isang sitwasyon lamang ng pagsunod sa agos ay isang relihiyosong patakaran at ritwal, na hindi minamahal ng Diyos. Naalala ko ang aking mga dasal noon, tulad ng dasal ng Rosaryo, dasal ng Novena, paglalakad at pagdarasal, at pag-aayuno at pananalangin—binigyan ko lamang ng pansin ang mga panlabas na pagsasanay at nagsagawa ng mga seremonya ngunit hindi tumuon kung mayroong anumang resulta o wala. Kinalaunan, kahit na nalilito ako tungkol sa mga seremonyang ito at ayaw kong isagawa ang mga ito, nang makita kong ang iba sa simbahan ay pawang nananalangin sa ganoong paraan at naniniwala na minamahal ito ng Panginoon, wala akong ibang pagpipilian kundi ang sundin sila. Gayunpaman, sa pagsunod sa mga seremonya sa lahat ng mga taong ito, hindi lamang sa wala akong kapayapaan at kagalakan sa aking puso, kundi lalo akong naging mas pagod, at ang aking relasyon sa Panginoon ay mas lalong naging malayo. Ngayon lamang ako nagkaroon ng isang tunay na paggising: Hindi gusto ng Diyos ang gayong mga relihiyosong panalangin, at sa gayon gaano man tayo manalangin, hindi natin matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Naramdaman ko na labis akong naging ignorante dati.
Pagkatapos, binasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol sa panalangin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang normal na espirituwal na buhay ay isang buhay na ipinamuhay sa harap ng Diyos. Kapag nagdarasal, maaaring patahimikin ng isang tao ang kanyang puso sa harap ng Diyos, at sa pamamagitan ng panalangin, maaari niyang hangarin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, malaman ang mga salita ng Diyos, at maunawaan ang kalooban ng Diyos.” “Ang panalangin ay hindi lamang basta makatapos ka, o masunod ang pamamaraan, o mabigkas ang mga salita ng Diyos. Ibig sabihin, ang pagdarasal ay hindi pag-uulit ng ilang salita at paggaya sa iba. Sa panalangin, kailangang marating ng isang tao ang kalagayan kung saan maibibigay niya ang kanyang puso sa Diyos, na binubuksan ang puso niya para maantig ito ng Diyos.”
Malinaw na sinabi ng mga salita ng Diyos na ang pagdarasal ay hindi pagdaan sa mga proseso, paggawa nang walang sigla, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng puso, ngunit sa halip ay pagtamo ng higit na kaliwanagan at pag-iilaw ng Banal na Espiritu at pag-unawa sa kalooban at kinakailangan ng Diyos. Naisip ko kung paano ko laging sinusunod ang iba’t ibang mga ritwal ng Katolisismo sa panalangin. Sa tuwing nagdarasal ako, inuulit ko lamang ang parehong mga salita, at hindi ako kailanman naantig ng Diyos; pagkatapos ng aking pagdarasal nararamdaman ko lamang na ang aking mga binti ay pagod at masakit. Minsan kapag nagsisimula pa lang akong manalangin, nais kong tapusin ito kaagad. Sa bawat panalangin ay dumadaan lang ako sa proseso. Naalala ko ang mga salitang sinabi ng Panginoon, “Ang Diyos ay Espiritu: at ang mga sumasamba sa Kanya ay dapat sambahin Siya sa espiritu at sa katotohanan” (Juan 4:24). Walang pakialam ang Diyos kung gaano karami ang sinasabi natin o kung gaano katagal tayo nananalangin. Sa halip, hinihiling Niya sa atin na manalangin sa Kanya nang may matapat na puso. Sa pag-iisip nito, mas malinaw kong nakita na ang aking mga panalangin sa nakaraan ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos.
Kalaunan ay nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ano ang tunay na panalangin? Ito ay pagsasabi ng nasa puso mo sa Diyos, pakikipagniig sa Diyos habang inuunawa mo ang Kanyang kalooban, pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, pagkadama na talagang malapit ka sa Diyos, pagkadama na Siya ay kaharap mo, at paniniwala na mayroon kang sasabihin sa Kanya. Ramdam mong puno ng liwanag ang puso mo at ramdam mo kung gaano kaibig-ibig ang Diyos. Nadarama mo na mas inspirado ka, at nasisiyahan ang iyong mga kapatid na makinig sa iyo. Madarama nila na ang mga salitang binibigkas mo ay ang mga salitang nasa kaibuturan ng kanilang puso, mga salitang nais nilang sabihin, na para bang ang iyong mga salita ang kahalili ng sa kanila. Ito ang tunay na panalangin.” “Habang nagdarasal, kailangan ay tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, at kailangan kang magkaroon ng pusong tapat. Tunay kang nakikipagniig at nagdarasal sa Diyos—hindi mo dapat subukang linlangin ang Diyos gamit ang mga salitang magandang pakinggan. Dapat ay nakasentro ang panalangin doon sa nais isakatuparan ng Diyos ngayon mismo. Hilingin mo sa Diyos na pagkalooban ka ng higit na kaliwanagan at pagpapalinaw, dalhin ang tunay na mga kalagayan at suliranin mo sa Kanyang presensya kapag nagdarasal ka, pati na ang pagpapasyang ginawa mo sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi tungkol sa pagsunod sa pamamaraan; tungkol ito sa paghahanap sa Diyos nang taos-puso. Hilingin mo sa Diyos na protektahan ang puso mo, upang madalas itong maging tahimik sa Kanyang harapan; na sa kapaligiran kung saan ka Niya inilagay, makilala mo ang iyong sarili, kamumuhian mo ang iyong sarili, at tatalikdan mo ang iyong sarili, sa gayon ay magkaroon ka ng normal na ugnayan sa Diyos at tunay na maging isang tao kang nagmamahal sa Diyos.”
Mula sa mga salita ng Diyos ay naunawaan ko na ang tunay na panalangin ay nangangahulugang pagbubukas ng ating mga puso sa Diyos at pagsasabi sa Kanya ng mga salita sa loob ng ating mga puso at mga paghihirap na nakakaharap natin, at paghingi ng Kanyang kaliwanagan, pag-iilaw, at patnubay upang makilala natin ang ating sariling katiwalian. Sa ganoon lamang tayo liliwanagan ng Diyos upang maunawaan ang Kanyang kalooban. Sa pagbabalik tanaw kung paano ako nananalangin noon, mas nakaramdam ako ng hiya: Sa tuwing nananalangin ay binibigkas ko lamang ang ilang mga salita sa halip na sabihin ang mga salita sa loob ng aking puso sa Diyos; bukod rito, ang aking mga dalangin ay hindi makatwiran—lahat ng mga hiniling ko sa Diyos ay biyaya, tulad ng isang mas magandang buhay, at iba pa. Nanalangin lamang ako para sa aking sariling interes, ngunit hindi kailanman para sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng Diyos o paglayo mula sa kasalanan. Naisip ko ang mga salitang sinabi ng Panginoong Jesus, “Kaya’t huwag kayong mag-alala, sinasabing, Ano ang kakainin namin: o ano ang iinumin namin, o ano ang aming isusuot? Sapagkat ang lahat ng bagay na ito ay ang hinahanap ng mga hentil. Alam na ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. Kaya’t hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos, at ang Kanyang pagiging matuwid, at lahat ng bagay na ito’y idaragdag sa inyo” (Mateo 6:31–33). Itinuro sa atin ng Panginoong Jesus na huwag nating alalahanin kung ano ang ating kakainin o kung paano tayo mabibihisan, sapagkat ihahanda at isasaayos Niya ang lahat ng mga bagay na ito para sa atin. Ngunit lagi akong nagdarasal para sa aking buhay sa laman at hindi kailanman ipinagdasal ang aking espirituwal na buhay, na talagang hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Bukod pa, niloko ko rin ang Diyos sa ilang mabubulaklak na salita. Kapag nakakagawa ako ng mga kasalanan, sa takot na sumpain ako ng Diyos, nananalangin ako sa Kanya para sa kapatawaran at ginagarantiya na hindi na magkakasala sa susunod. Sa totoo lang, alam ko na sa pagkakaroon ng maliit na tayog, hindi ako magtatagumpay laban sa kasalanan at makakagawa ulit ng mga kasalanan, ngunit hindi ko sinabi ang mga salita sa aking puso sa Diyos. Ngayon ay napagtanto kong ang aking mga panalangin ay hindi ginawa mula sa puso; ang mga ito ay hindi totoo. Dapat akong manalangin upang sabihin sa Diyos ang tungkol sa aking mga paghihirap sa pagtatagumpay laban sa kasalanan, at hilingin sa Kanya na gabayan ako upang malaman ang aking mga kasalanan at maiwaksi ang mga gapos at paghahadlang ng kasalanan.
Sumunod, nagsimula akong magsagawa alinsunod sa mga salita ng Diyos. Sa aking pang-araw-araw na buhay, anuman ang nakakaharap ko, nananalangin ako sa Diyos sa aking puso upang hangarin ang Kanyang kalooban. Hindi na ako nakaramdam pa ng pagod sa pagdarasal; sa halip, sa tuwing nagdarasal ako, nararamdaman kong may sasabihin ako sa Diyos at pagkatapos ng pagdarasal, nakakaramdam ako ng kapanatagan at kapayapaan sa aking puso. Ang mga dating panalanging panrelihiyon ay nakakapagod at nakakasawa, ngunit ngayon ang pagdarasal sa bagong paraan ay nagdala sa akin ng higit na kasiyahan. Kapag nagdarasal, nagagawa kong patahimikin ang aking puso sa harap ng Diyos, na hindi na nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. Higit pa, anuman ang mga problema o paghihirap na nakakaharap ko, kapag hinahangad ko ang kalooban ng Diyos at sinusunod ang Kanyang mga pagtatalaga at pagsasaayos, nakikita ko ang Kanyang patnubay at pamumuno, at higit na nauunawaan ang tungkol sa Kanyang kalooban. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagpapahintulot sa akin na maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng tunay na panalangin, at makalaya mula sa gapos ng mga relihiyosong ritwal at panuntunan ng panalangin. Ngayon ay nakapagdarasal na ako sa Diyos nang may tunay na puso, kaya ako ay maliliwanagan at maaantig ng Banal na Espiritu at mapapalapit sa Diyos. Salamat sa Diyos!