Menu

Unawain ang Parabula ng Sampung Dalaga Upang Maging Mga Matalinong Dalaga at Masalubong ang Pagdating ng Panginoon

Quick Navigation
Ang Parabula ng Sampung Dalaga
Pagbabasa ng mga Banal na Kasulatan, Pagdarasal, at Masigasig na Ginagampanan ang Gawain ng Panginoon: Nakagagawa ba ito ng Matalinong Dalaga?
Ang Parabula ng Sampung Dalaga: Ano ang Isang Matalinong Dalaga?

Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Sabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan(Mateo 25:1–4). Tungkol sa kung sino ang makapapasok sa kaharian ng langit, sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang isang parabula tungkol sa “limang matalinong dalaga at limang mangmang na dalaga.” Inihanda ng matatalinong dalaga ang langis ng lampara at magalang na naghintay sa pagdating ng Panginoon. Sa huli, nagawa nilang tanggapin Siya, at dumalo sa kapistahan sa kaharian ng langit. Sa kabaligtaran, ang mga mangmang na dalaga ay ang mga pakay ng pag-abandona ng Diyos. Ang lahat ng mga mananampalataya sa Panginoon ay nais na maging mga matatalinong dalaga at marami sa kanila ang naniniwala na hangga’t palagi nilang binabasa ang mga banal na kasulatan, dumalo sa mga pagtitipon, masigasig na isinasagawa ang gawain ng Panginoon, at naghihintay nang may paggalang, nangangahulugan ito na inihanda nila ang langis at mga matatalinong dalaga, at na sila ay itataas sa kaharian ng langit sa pagdating ng Panginoon. Gayunman, ito ang naging kasanayan natin sa loob ng maraming taon, at ngayon ang lahat ng uri ng mga sakuna ay dumating, ngunit hindi pa natin natatanggap ang Panginoon. Wala tayong mapagpipilian kundi ang magnilay, at tanungin ang ating sarili: Ang masigasig ba na pagsasagawa ng gawain ng Panginoon sa ganitong paraan ay tunay na pagiging isang matalinong dalaga? Matatanggap ba natin ang Panginoon at maitataas bago ang kapighatian?

Parabula ng Sampung Dalaga

Pagbabasa ng mga Banal na Kasulatan, Pagdarasal, at Masigasig na Ginagampanan ang Gawain ng Panginoon: Nakagagawa ba ito ng Matalinong Dalaga?

Alalahanin natin ang mga eskriba, punong pari at mga Fariseo. Nabasa nilang lahat ang mga banal na kasulatan, at ang kanilang mga pamilya ay naglingkod sa Diyos nang maraming henerasyon. Mahigpit nilang sinunod ang batas, sumunod sa mga utos, masigasig na gumawa, at pati na naglakbay sa buong mundo upang maikalat ang ebanghelyo ng Diyos. Maaaring masabi na marami silang ginawa, nagtiis nang maraming pagdurusa, at magalang na naghintay sa pagdating ng Mesiyas. Ayon sa ating mga paniwala at imahinasyon, dapat sila ang mga matatalinong dalaga na naghanda ng langis sa parabula ng sampung dalaga; dapat sila ang maging kwalipikado kaysa sa sinuman upang tumanggap sa Panginoon at makakamit ng Kanyang kaligtasan at biyaya. Ngunit ano ang mga katotohanan? Nang ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao at dumating upang gumawa ng gawain, hindi lamang nabigo ang mga taong ito na kilalanin ang Panginoong Jesus, ngunit naniwala rin sila, batay sa kanilang mga paniwala at imahinasyon, na “ang sinumang hindi tinawag na ‘Mesiyas’ ay hindi Diyos.” Malinaw nilang narinig na ang mga salita ng Panginoon ay may awtoridad at kapangyarihan, ngunit sa batayan ng kanilang mga paniwala at imahinasyon, kinondena nila ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus na humihiwalay sa mga banal na kasulatan. Ginamit nila ito bilang pagbibigay-katwiran upang itanggi na ang Panginoong ay ang Diyos Mismo, at ginamit din nila ito upang hatulan at lapastanganin ang Panginoong Jesus. Hindi sila nagkaroon ng kaunting paggalang sa Diyos sa kanilang mga puso; hindi nila naunawaan, ni hinanap o siniyasat ito. Nakipagsabwatan pa sila sa pamahalaang Romano upang ipako ang Panginoong Jesus sa krus, at sa huli ay pinarusahan sila ng Diyos. Kaya, masasabi bang ang mga Fariseo ay mga matalinong dalaga? Inabala lamang nila ang kanilang sarili sa pagpapagal at pagsasagawa ng gawain, sa pagtataguyod ng mga batas ng Lumang Tipan, ngunit wala silang ni katiting na kaalaman tungkol sa Diyos; hindi nila kayang marinig ang tinig ng Diyos. Maaari silang matawag na mga mangmang na dalaga sa parabula ng sampung dalaga. Kung gayon, ano ang tunay na pagiging isang matalinong dalaga? Magpatuloy na magbasa upang malaman ang higit pa.

Ang Parabula ng Sampung Dalaga: Ano ang Isang Matalinong Dalaga?

Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). Mula sa mga banal na kasulatan, makikita natin na ang mga matalinong dalaga ay pangunahing matatanggap ang kasintahang lalaki sapagkat mas pinahahalagahan nila ang pakikinig sa tinig ng Diyos. Nang marinig nila na may sumisigaw na ang kasintahang lalaki ay dumarating, ang mga matatalinong dalaga ay nag-inisyatiba na lumabas upang salubungin Siya, at nagsasaliksik sila at nagsisiyasat. Sa huli, naririnig nila ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Diyos, at sa gayon tinanggap nila ang Panginoon. Ito ay tulad nang, gaya ng naitala sa mga banal na kasulatan, narinig ng babaeng Samaritana ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito’y sinabi mo ang katotohanan(Juan 4:18). Agad niyang napagtanto na ang Diyos lamang ang makakaalam at makapagsasabi ng mga bagay na nakatago sa kanyang puso. Namangha, isinigaw niya sa ibang tao, “Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?” (Juan 4:29). Nakilala niya mula sa Kanyang mga salita na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na inihula na darating. At nariyan din si Pedro—sa paglipas ng kanyang panahon kasama ang Panginoon, nakita niya na ang mga salitang sinabi at ang gawain na ginawa ng Panginoong Jesus ay mga bagay na hindi kayang sabihin at gawin ng isang normal na tao. Mula sa mga salita at gawain ng Panginoon, nakilala niya na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, ang Anak ng Diyos. Nariyan din si Nathanael, Juan, Andres, at iba pa na lahat ay nakarinig ng tinig ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus. Napagtanto nila nang may katiyakan na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, at iniwan nila ang lahat upang sumunod sa Kanya. Ang mga taong ito lamang ang mga matatalinong dalaga.

Ginawang malinaw ng mga katotohanan sa itaas na hindi lahat ng mga tao na nagbabasa ng banal na kasulatan, dumadalo sa mga pagtitipon, masigasig na nagsasagawa ng gawain ng Panginoon, at magalang na naghihintay ay mga matalinong dalaga. Higit sa lahat, ang matatalinong dalaga ay ang mga nakikinig sa tinig ng Diyos, at kapag naririnig nila ang iba na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos, nagagawa nilang bitawan ang kanilang sariling mga paniwala at imahinasyon at sinisiyasat ang gawain ng Diyos nang may mapagpakumbabang, naghahanap na mga puso. Sa huli, nakakamit nila ang pagliliwanag ng Diyos, kinikilala ang tinig ng Diyos, at tinatanggap ang Panginoon. Para naman sa mga hindi nagbibigay pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos, mga hindi nagsasaliksik kahit matapos na marinig ang katotohanan na ipinahayag, mga kulang sa pag-unawa, mga mahigpit na kumakapit sa literal na mga salita ng banal na kasulatan, at naniniwala na sa pamamagitan ng paggawa, paggugol ng kanilang sarili at paghahandog, magagawa nilang salubungin ang pagpapakita ng Diyos—silang lahat ay mga mangmang na dalaga, at sa huli mawawalan sila ng kaligtasan at biyaya ng Diyos.

Upang maiwasan maging mga mangmang na dalaga sa parabula ng sampung dalaga at maabandona at matanggal ng Diyos sa panahon ng mga sakuna, sa mahalagang sandaling ito na dapat tanggapin ang pagdating ng Panginoon, dapat tayong maging matatalinong dalaga at ituon ang ating sarili sa paghahangad na mapakinggan ang tinig ng Diyos. Nasusulat sa Aklat ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko(Pahayag 3:20). Ang mga propesiya na ito ay nagpapakita na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya ay magbibigkas ng mga salita. Kaya, paano natin makikilala ang tinig ng Diyos? Susunod, pagbahagian natin ang ilan pang mga prinsipyo.

1) Ang Mga Pagbigkas na Ipinahayag ng Diyos ay Nagtataglay ng Awtoridad at Kapangyarihan, at Ang mga ito ay Pagpapahayag ng Disposisyon ng Diyos

Tulad ng alam nating lahat, mga salita ang ginamit ng Diyos sa pasimula upang likhain ang mundo. Ang mga pagbigkas ng Diyos ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan; sa sandaling ang isang salita ng Diyos ay binigkas, nagkakatotoo ito. Tulad ito ng sinabi ng Diyos sa Aklat ng Genesis: “Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3). “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon” (Genesis 1:9). Sinabi ni Jehova kay Moises, “Salitain mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Kayo’y magpakabanal; sapagka’t akong Panginoon ninyong Dios ay banal(Levitico 19:2). Mayroon ding mga salita ng Panginoong Jesus na kung saan nagbunyag sa mga Fariseo: “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13).

Sa sandaling narinig natin ang mga salita ng Diyos, nalalaman natin na walang ordinaryong tao ang nakakapagsalita ng mga ito. Ang mga salita ng Diyos ay maaaring mag-utos sa lahat ng mga bagay; sila ay nabuo at nakumpleto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ang lahat ng sumasalungat at sumusuway sa Diyos ay maaari ring sumpain ng Kanyang mga salita. Ang pakikinig sa mga ito ay nakamamangha para sa atin at nadarama natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapahintulot ng pagkakasala mula sa sinumang tao, na ang mga salita ng Diyos ay ganap na kumakatawan sa Kanyang katayuan at awtoridad, at na sa mga huling araw ay dapat nating kilalanin kung ang narinig natin ay tinig o hindi ng nagbalik na Panginoon. Ganito natin maaaring matamo ang pagkaunawa.

2) Ang Mga Salita ng Diyos ay Naghahayag ng mga Hiwaga, at Naglalantad ng Katiwalian at mga Lihim ng Tao

Tulad ng alam nating lahat, ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay nagsiwalat ng maraming mga hiwaga noong dumating Siya upang gumawa. Naroon ang “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17) pati na rin ang “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Dahil lamang sa isiniwalat ng Panginoon ang mga hiwaga na nakapaligid sa pagpasok sa kaharian ng langit na nalaman natin na ang mga tunay na nagsisisi at naging mga taong gumagawa ng kalooban ng makalangit na Ama ay ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ito ay isang bagay na hindi natin malalaman kung hindi ipinahayag sa atin ng Panginoong Jesus ang hiwagang ito.

Bukod dito, ang Diyos ay isang Diyos na sumusuri sa kailaliman ng mga puso ng mga tao. Ang Diyos ay may masusing pag-unawa sa atin; ang Diyos lamang ang maaaring magbunyag ng ating katiwalian at kung ano ang nananahan sa ating mga puso. Halimbawa, binanggit ng Panginoong Jesus ang tungkol kay Nathanael sa ilalim ng puno ng igos, na nagpahintulot kay Nathanael na kilalanin na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na inihayag na darating. Nariyan din si Mateo ang maniningil ng buwis, na kinilala na ang Panginoong Jesus ay Diyos sapagkat sinabi ni Jesus ang nilalaman ng kanyang mga dalangin. Dito makikita natin na ang mga salita ng Diyos ay hindi lamang naghahayag ng mga hiwaga, ngunit inilalantad din ang katiwalian at mga lihim ng sangkatauhan; ito rin ay isang paraan upang malaman natin kung ang isang bagay ay tinig ng Diyos.

3) Ang Mga Pagbigkas ng Diyos ay Maaaring Magkaloob ng Panustos sa Buhay at Magkaloob ng Landas Para sa Mga Tao

Sabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko(Juan 14:6). Ang Diyos Mismo ang katotohanan; Naipapahayag ng Diyos ang katotohanan para sa panustos ng sangkatauhan alinsunod sa kanilang mga pangangailangan, sa anumang oras at sa anumang lugar. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay hindi alam kung paano mamuhay o kung paano sambahin ang Diyos, kaya iprinoklama ng Diyos ang kautusan sa pamamagitan ni Moises upang pamunuan ang mga tao sa kanilang buhay. Tulad ng nasabi sa Sampung Utos: “Ako ang Jehova mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap Ko(Deuteronomio 5:6–7). “Huwag kang papatay. Ni mangangalunya. … Ni sasaksi sa di katotohanan laban sa iyong kapuwa. Ni huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa …(Deuteronomio 5:17–21). Matapos marinig ang mga salita ng Diyos, nalaman ng mga tao ng panahong iyon kung paano sila dapat mamuhay at kung paano nila dapat sambahin ang Diyos. Pagkatapos, nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa at magpalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, sinimulan Niyang turuan ang mga tao na dapat nilang ikumpisal ang kanilang mga kasalanan at magsisi, na dapat silang maging mapagparaya at mapagpasensya, na dapat nilang mahalin ang iba tulad ng kanilang sarili, na sila ay dapat na maging ang asin at ilaw ng lupa, at iba pa. Tulad nang tinanong ni Pedro ang katanungang ito sa Panginoong Jesus, “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito?(Mateo 18:21), Sinabi ni Jesus kay Pedro ng direkta, “Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito(Mateo 18:22). Matapos marinig ang mga salitang ito mula sa Panginoon, naunawaan ni Pedro na ang kapatawaran ay isang bagay na dapat nating sundin; hindi ito kondisyon o limitado sa isang tiyak na dami. Kaya’t si Pedro ay nagkaroon ng landas ng pagsasanay.

Gayon, kung ang isang tao ngayon ay nagpapahatid sa atin ng mabuting balita na ang Panginoon ay bumalik na at nagpapatotoo sa atin na ang Banal na Espiritu ay nagsasalita sa mga iglesia, maaari nating pakinggan at suriin kung ang daang ito ay makapagbibigay sa atin ng panustos para sa ating kasalukuyang mga pangangailangan. Lahat tayo ay nabubuhay ngayon sa isang estado ng paggawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay pangungumpisal ng mga ito, kung saan hindi natin naihihiwalay ang ating sarili. Kung ang mga salitang ibinabahagi nila ay maaaring magturo ng landas upang mapalaya ang ating sarili mula sa kasalanan at makakamit ng kadalisayan, nangangahulugan ito na bumalik na ang Panginoong Jesus. Makikilala natin ang tinig ng Diyos batay sa iisang prinsipyong ito.

Ang fellowship ba na ito ay nagbibigay sa iyo ng isang malinaw na pag-unawa sa parabula ng sampung dalaga at may landas para maging isang matalinong dalaga at matanggap ang Panginoon? Inaasahan kong ibabahagi mo ito sa iba kung ito ay naging kapaki-pakinabang para sa iyo. Ang nais ko ay lahat tayo ay maaaring maging mga matatalinong dalaga, ibinubuhos ang ating mga puso sa paghahanap at pakikinig nang mabuti para sa tinig ng Panginoon. Nawa’y masalubong na natin ang pagbabalik ng Panginoon at makadalo sa kapistahan kasama Niya!

Kung nais mong higit pang matuto tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, Paki-click ang Mga Pahina ng Ebanghelyo o i-enjoy ang sumusunod na nauugnay na nilalaman.

Mag-iwan ng Tugon