Ⅰ
Diyos sa katawang-tao'y hinatula't tinuya.
Mga demonyo, tinutugis Siya.
Mga relihiyoso, tinatanggihan Siya.
Walang makaaliw sa pasakit Niya.
Ⅱ
Paglaban ng sangkatauhan,
paninira't maling paratang
sa panganib nahaharap Siya.
Kirot, sino'ng makakaunawa?
Matiyagang inililigtas ng Diyos ang tiwali,
tao'y mahal Niya na may pusong sawi.
Ito ang gawaing,
pinakamasakit.
Gawain ng Diyos nagsimula,
puro pag-ibig ang naipakita.
Binibigay lahat ng Kanya,
dahil sa pagmamahal Niya.
Gawain ng Diyos nagsimula,
puro pag-ibig ang naipakita.
Binibigay lahat ng Kanya,
dahil sa pagmamahal Niya.
Ⅲ
Tatlumpu't tatlo't kalahating taon,
ng buhay ni Jesus sa lupa'y puro pasakit
hanggang sa krus Siya'y ipinako,
nagbango't nagpakita sa tao.
Hirap ng buhay sa piling ng tao'y natapos,
nagdusa pa rin puso ng Diyos,
balisa sa wakas ng tao.
Di matitiis ninuman ang sakit na 'to.
Gawain ng Diyos nagsimula,
puro pag-ibig ang naipakita.
Binibigay lahat ng Kanya,
dahil sa pagmamahal Niya.
Gawain ng Diyos nagsimula,
puro pag-ibig ang naipakita.
Binibigay lahat ng Kanya,
dahil sa pagmamahal Niya.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin