Menu

Susunod

Christian Music | Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos (Tagalog Subtitles)

558 2020-07-04

Christian Music | Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos (Tagalog Subtitles)

Ang huling gawain Ko ay hindi lamang para parusahan ang tao

kundi para din sa kapakanan ng pagsasaayos ng hantungan ng tao.

Higit pa rito, ito ay para sa kapakanan ng pagtanggap

ng pagkilala mula sa lahat para sa lahat ng nagawa Ko.

Nais Kong makita ng bawat isang tao na ang lahat ng nagawa Ko na ay tama,

at ang lahat ng nagawa Ko na ay kapahayagan ng Aking disposisyon;

hindi ito gawain ng tao, lalong hindi ng buong kalikasan,

na nagbunga ng sangkatauhan.

Bagkus, Ako ang nag-aalaga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha.

Kung wala Ako, mapapahamak lamang ang sangkatauhan

at sasailalim sa hampas ng kalamidad.

Walang taong makakakitang muli kahit kailan

ng magandang araw at buwan o ng luntiang mundo;

ang mararanasan lamang ng sangkatauhan ay ang maginaw na gabi

at hindi natitinag na lambak ng anino ng kamatayan.

Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan.

Ako ang tanging pag-asa ng sangkatauhan at,

lalo na, Ako ang Siyang dahilan kung bakit umiiral ang buong sangkatauhan.

Kung wala Ako,

ang sangkatauhan ay agad na darating sa ganap na pagtigil.

Kung wala Ako,

ang sangkatauhan ay daranas ng malawakang kapahamakan

at tatapakan ng lahat ng uri ng mga multo,

kahit na walang nakikinig sa Akin.

Nakagawa na Ako ng gawaing walang sinuman ang makagagawa,

ang tangi Kong pag-asa

ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa.

Nakagawa na Ako ng gawaing walang sinuman ang makagagawa,

ang tangi Kong pag-asa

ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa,

ang tangi Kong pag-asa

ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon