Menu

Susunod

Tagalog Gospel Song | "Ibinibigay ng Diyos sa Tao ang Kailangan Nila Ayon sa Kanilang mga Pagsamo"

2,961 2019-06-27

Tagalog Gospel Song | "Ibinibigay ng Diyos sa Tao ang Kailangan Nila Ayon sa Kanilang mga Pagsamo"

I

Matapos likhain ng Diyos ang tao,

pinagkalooban Niya sila ng mga espiritu,

at sinabi sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Kanya,

sila'y malalayo sa Kanyang Espiritu,

at ang “makalangit na pagsasahimpapawid”

ay hindi matatanggap sa lupa.

Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,

ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.

Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila,

pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila.

Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,

at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas

para maglaro ayon sa gusto nito.

II

'Pag wala ang Diyos sa espiritu ng tao,

isang bakanteng upuan ang naiiwan.

Sinasamantala ni Satanas na pumasok.

Ngunit kapag nakipag-ugnayan sila sa Diyos sa kanilang puso,

si Satanas ay natataranta at nagmamadaling tumakas.

Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,

ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.

Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila,

pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila.

Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,

at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas

para maglaro ayon sa gusto nito.

III

Kung tao'y laging nakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos,

'di mangangahas si Satanas na humadlang.

Kung wala ang paghadlang ni Satanas,

ang mga tao'y mamumuhay nang normal,

at makakikilos ang Diyos sa kanila

nang walang anumang sagabal.

Sa ganitong paraan, ang nais gawin ng Diyos

ay makakamit sa pamamagitan ng sangkatauhan.

Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,

ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.

Dati'y 'di Siya "naninirahan" sa kanila,

pero sa pagsamo nila'y tinutulungan sila.

Sila'y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,

at 'di nangangahas lumapit dito si Satanas

para maglaro ayon sa gusto nito.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon