Menu

Paano Harapin ang Pagsubok at Ano ang Kalooban ng Diyos sa Loob Nito

Bilang mga Kristiyano, wala sa atin ang hindi nakakakilala sa mga pagsubok. Sinasabi sa Biblia, “At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Jehova ay aking Dios(Zacarias 13:9). Sinasabi rin sa Biblia, “Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso” (Santiago 1:2). Mula rito, makikita nating nais ng Diyos na magbigay ng kadalisayan at mga pagsubok sa Kanyang mga taong hinirang, at sa pamamagitan nito, upang maging perpekto ang ating pananampalataya at ating pag-ibig sa Diyos, malutas ang ating mga tiwaling disposisyon o mga dungis sa ating paniniwala, malunasan ang ating mga maling pananaw at magawa nating maging malinis. Mahaharap natin kung gayon ang lahat ng uri ng kapaligirang salungat sa ating sariling mga pagkaunawa. Ang halimbawa ng mga kapaligirang ito ay maaaring kabilang ang minsang pagharap sa kadalisayan ng karamdaman, at kung minsan maaaring harapin ng ating pamilya ang kasawian, gaya ng pagdurusa ng isang kamag-anak o manakawan ang ating tahanan; kung minsan maaari nating harapin ang mga kahirapan sa ating trabaho o mga bagay sa ating buhay na hindi ayon sa gusto natin; isa pang halimbawa ay kung ano ang gusto nating gawin kapag ang mga interes ng ating laman ay sumasalungat sa mga interes ng iglesia. Ang lahat ng mga halimbawang ito, nang walang pag-aalinlangan, ay mga pagsubok sa atin. Kaya’t anong pamamaraan ang dapat nating gawin sa mga pagsubok na itinatalaga ng Diyos para sa atin? At kapag nangyari ang mga pagsubok sa atin, ano ba ang kalooban ng Diyos?

Sa mga pagninilay ko sa Biblia kamakailan, nagkaroon na ako ng inspirasyon sa mga karanasan nina Job at Abraham nang nangyari ang mga pagsubok sa kanila, at nais kong ibahagi ito sa lahat.

Paano Harapin ang Pagsubok

Ang mga Pagsubok ni Job

Una, kailangan nating banggitin ang isang tao sa Biblia na ang pangalan ay Job. Si Job ay natakot sa Diyos at nilayuan ang kasamaan sa buong buhay niya at madalas siyang nagbigay ng mga handog sa Diyos, at kaya pinagpala siya ng Diyos ng mga burol na puno ng baka at tupa, at malaking kayamanan. Mula sa kung ano ang itinatala sa Biblia, nagagawa nating makita ang lawak kung gaano pinagpala si Job: “At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae. Ang kaniyang pag-aari naman ay pitong libong tupa, at tatlong libong kamelyo, at limang daang magkatuwang na baka, at limang daang asnong babae, at isang totoong malaking sangbahayan; na anopa't ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan” (Job 1:2-3). Ngunit ’di naglaon ay nangyari ang mga pagsubok kay Job, at ang lahat ng kanyang baka at tupa at kamelyo ay tinangay ng mga magnanakaw at sinunog ng apoy na mula sa langit, pinatay ang kanyang mga utusan at nadurog ang kanyang mga anak sa pagguho ng kanyang bahay. Ang pagkakasunod-sunod na ito na matatawag nating mga kalamidad ay nangyari kay Job. At ano bang pamamaran ang ginawa ni Job para matanggap ang lahat ng ito? Sa panahong iyon, pinuri pa rin ni Job ang banal na pangalan ng Diyos, at sinabi niya, “Ang Jehova ang nagbigay, at ang Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ng Jehova” (Job 1:21). Pagkatapos siya ay nagkaroon sa buong katawan niya ng masasakit na pigsa, at umupo siya sa gitna ng mga abo, kinakamot ang kanyang mga pigsa ng isang pirasong basag na palayok. Ang pinakamayamang tao sa Silangan ay naging tulad ng isang pulubi, at ang mga pagsubok na ito na nangyari kay Job ay magiging napakahirap tiisin para sa atin! Gayunman hindi niya kailanman sinisi ang Diyos, ngunit sa halip ay nanatiling puno ng pananalig sa Diyos at pinuri niya ang Diyos, at si Satanas ay lubos na napahiya at lumayas.

Si Job ay matibay at labis-labis na nagpatotoo sa Diyos, at maayos siyang nakapasa sa buong mga pagsubok ng Diyos. Ang kasunod sa mga pagsubok na ito ay mga karagdagang pagpapala mula sa Diyos: Ang kayamanan at mga baka ni Job ay dumami ng doble, ang bawat isa sa kanyang mga anak ay namumukod sa kagandahan, at pinahintulutan ng Diyos si Job na mabuhay ng isa pang 140 taon, at kaya nabuhay siya hanggang sa siya ay nasa 210. Pagkatapos siyang napasailalim na sa mga pagsubok ng Diyos, nagkaroon si Job ng mas malaking pag-unawa sa kalooban ng Diyos sa pagsubok Niya sa mga tao, gaya lang ng sinabi ni Job, “Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto” (Job 23:10). Nanindigan si Job sa kanyang patotoo sa buong mga pagsubok na ito, at ang kanyang pagpatotoo ay inilagay si Satanas sa kahihiyan at nagkamit ng maraming papuri mula sa ibang tao. Pagkatapos noon, hindi na kailanman nangahas si Satanas na muling tuksuhin si Job, at naging isang malayang tao si Job at nakamit niya ang papuri ng Diyos.

Higit pa, ang isa pang mas malaking pagpapala na tinanggap ni Job pagkatapos napasailalim na siya sa mga pagsubok na ito ay nagpakita sa kanya ang Diyos sa loob ng isang ipoipo, at nangusap ang Diyos sa kanya, kaya naman nabibigyan si Job ng isang malalim na pag-unawa sa walang hanggang kapangyarihan at dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sinabi ni Job, “Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata” (Job 42:5). Upang maging isang nilalang na nilikha na nagawang makita ang anyo ng Diyos ay talagang isang dakilang pagpapala!

Makikita natin mula sa mga karanasan ni Job na ang kanyang kakayahan upang matamo ang papuri ng Diyos ay hindi mahihiwalay mula sa mga pagkilos niya kapag nangyari ang mga pagsubok sa kanya. Sa buong mga pagsubok na ito na napakasalungat sa kanyang mga sariling pagkaunawa, nagtaglay siya ng pagkamakatwiran na wala sa ating mga ordinaryong tao. Una sa lahat, hindi niya sinisi ang Diyos, at hindi siya gumamit ng anumang pamamaran ng tao na bawiin ang kanyang kayamanan sa mga magnanakaw. Sa halip, nagawa niyang patahimikin ang kanyang sarili sa harap ng Diyos at naniwala siyang tayong mga nilalang na tao ay tinatanggap ang ating mga pagpapala mula sa Diyos. Ngunit sa parehong paraan lang, dumaranas din tayo ng mga kalamidad, kaya gaano man kasalungat ang kanyang pagkaunawa sa isang sitwasyong nangyari sa kanya, nagpatuloy siyang purihin ang pangalan ng Diyos.

Ang Pagsubok kay Abraham

Abraham na isakripisyo si Isaak,Pagsubok,paano harapin ang pagsubok,katatagan ng loob sa gitna ng pagsubok

Dito, nais kong pag-usapan ang tungkol sa ikalawang tao mula sa Biblia, sa katauhan ni Abraham, ang ama ng pananampataya. Alam ng lahat ng kapatid, nang 100 taong gulang si Abraham, pinagkalooban siya ng Diyos ng isang anak na lalaki, at mahal na mahal ni Abraham si Isaac. Ngunit isang araw, nangyari ang pagsubok ng Diyos kay Abraham, at sinabi ng Diyos, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo(Genesis 22:2). Isipin ito: Mahihirapang tiisin ng sinuman ang uri ng pagsubok na ito, kung kaya’t ang ilang tao ay makikipaglaban sa Diyos at mapupuno ng mga maling pagkaintindi. Gayon man, anong pamamaraan ang ginawa ni Abraham? Bagaman nadama niya ang matinding kalungkutan at sakit, sinunod niya ang Diyos, at hindi siya nagtangkang makipagtalo sa Kanya o maglatag ng anumang kondisyon. Kailan lang nang nadala na si Isaac sa bundok nang mag-isa at naitaas na ang punyal na handang pumatay sa kanya, nagpadala ng isang anghel ang Diyos para pigilan ang kamay ni Abraham, at doon nagtapos ang pagsubok. Bukod pa, sumumpa ang Diyos ng isang pangako at pinagkalooban ng maraming pagpapala si Abraham. Sinabi ng Diyos, “Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka't sinunod mo ang aking tinig(Genesis 22:17-18).

Nabasa ko rin ang sipi sa isa pang aklat, “Sa tao, marami ang ginagawa ng Diyos na hindi kayang unawain at ni hindi kapani-paniwala. Kapag nais ng Diyos na pangasiwaan ang isang tao, ang pangangasiwang ito ay madalas na salungat sa mga kuru-kuro ng tao, at hindi niya kayang unawain, gayon pa man ito mismong di-pagkakatugma at kawalan ng kakayahang maunawaan ay mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Samantala, si Abraham ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa sarili niya mismo, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. Nang nagawang sundin ni Abraham ang hinihingi ng Diyos, nang kanyang ialay si Isaac, saka lamang tunay na naramdaman ng Diyos ang pagkakaroon ng katiyakan at pagsang-ayon sa sangkatauhan—tungo kay Abraham, na Kanyang hinirang. Saka lamang nakasiguro ang Diyos na ang taong ito na Kanyang hinirang ay isang hindi mababalewalang pinuno na maaaring magsagawa ng Kanyang pangako at ng Kanyang susunod na plano ng pamamahala(“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”).

Mula sa siping ito, makikita nating inaayos ng Diyos ang mga kapaligiran upang subukan tayo. Mula sa labas, maaaring magmukhang parang ang mga pagsubok na ito ay sumasalungat sa ating mga pagkaunawa at mahirap nating unawain, kaya nga nakakaramdam tayo ng sakit at matinding hirap sa mga kapaligirang ito, gayon man ang mga pagsubok na ito ay puno ng matitiyagang pagsisikap ng Diyos. Tulad lang nang si Abraham ay nanindigan sa kanyang patotoo sa panahon ng kanyang pagsubok, Nakita ng Diyos ang katapatan ni Abraham, at hindi lamang sa hindi kinuha ng Diyos ang anak niya, kundi pinagpala rin Niya si Abraham upang ang kanyang mga inapo ay magiging kasing dami ng mga butil ng buhangin sa dalampasigan o mga bituin sa langit. Sa likod nito, umabot sa mas malalim na antas ang kalooban ng Diyos, dahil pinili ng Diyos si Abraham na maging pangunahing tauhan ng Kanyang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan. Nilayon ng Diyos na gampanan ang Kanyang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga inapo ni Abraham, at mahahayag Niya sa pamamagitan ng mga taong ito ang Kanyang mga gawa, ang Kanyang karunungan, ang Kanyang awtoridad at ang Kanyang kapangyarihan. Hindi mahirap para sa ating makita sa Lumang Tipan na ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay pangunahing ginawa sa Israel—na nagpapahayag ng mga batas at nag-aakay sa mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa. Ang Israel ay ang lugar ng pagsubok at ang lupang sinilangan para sa gawain ng pagliligtas ng Diyos sa lupa. Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ginampanan din ang Kanyang gawain sa Israel. Ginamit ng Diyos ang imahe ng isang Hudyo at tinubos Niya ang sangkatauhan, at nagresulta ito sa ebanghelyo ng pagtutubos sa sangkatauhan ng Panginoong Jesus na lumaganap mula sa Judea hanggang sa buong mundo sa Kapanahunan ng Biyaya.

Mula rito, makikita natin ang kadakilaan ng mga pagpapala na tinanggap ni Abraham. Masasabi nating ang kanyang kakayahang maging ama ng maraming bansa, pati na ang kanyang mga inapo na pinagpala ng Diyos, ay may kinalaman sa pagsubok ng Diyos na nangyari sa kanya ng mga unang araw na iyon.

Ang Natamong Inspirasyon mula sa mga Karanasang Ito

Hindi mahirap para sa ating makita mula sa mga pagsubok na nangyari kina Abraham at Job na sa bawat pagsubok na ating dinaranas ay naglalaman ng mabuting kalooban ng Diyos: sila lamang ang makagagawa sa atin upang makamit ang mga pagpapala ng Diyos, ngunit higit pang mahalaga, pinapahintulutan nila ang ating mga espirituwal na buhay na lumago nang mabilis, nagtatamo tayo ng mas maraming kaalaman sa Diyos, at masusundan natin ang landas ng paniniwala sa Diyos nang mas matibay at nang may mas katatagan. Bagaman ang mga pagsubok na nangyari kina Abraham at Job ay hindi ang mga mararanasan nating mga ordinaryong tao, dahil wala tayo ng kanilang katayuan at ni hindi tayo karapat-dapat na magtiis ng ganoong mga pagsubok, ngunit maaari pa rin nating harapin ang lahat ng uri ng iba’t ibang pagsubok sa ating mga buhay, parehong malaki o maliit man. Nakita ko na ang isang kapatid na babae na dumaranas ng matinding hirap ng karamdaman at ang buhay niya ay walang katiyakan ang hinaharap, ngunit nanatili pa rin siyang puspos ng pananalig sa Diyos at nais na ilagay ang kanyang buhay at kamatayan sa mga kamay ng Diyos. Hindi alintana kung gagaling o hindi ang kanyang karamdaman, handa pa rin siyang magpasailalim sa mga pagsasaayos at kaayusan ng Diyos. Sa katapusan, nasaksihan niya ang mga gawa ng Diyos at ang karamdaman niya ay himalang gumaling. Sa prosesong ito, ang pananampalataya sa Diyos ng kapatid na babae ay lumaki, at nagkaroon siya ng mas praktikal na pagpapahalaga para sa pagka-makapangyarihan at dakilang kapangyarihan ng Diyos. Kapag lahat maayos na tumatakbo ang mga karera ng ilang mga kapatid na lalaki at babae, nagpapasalamat sila sa Diyos para sa Kanyang mga pagpapala. Ngunit kapag ang mga negosyo nila ay nakakaranas ng kahirapan at nagkukulang ang pera sa mga pamilya nila, lumalabas ang mga reklamo sa mga puso nila, at sinisisi nila ang Diyos dahil hindi sila pinagpala. Ngunit pagkatapos nito, sa pamamagitan ng mga pahayag ng mga salita ng Diyos, napagtanto nilang ang kanilang paniniwala sa Diyos ay paggawa lamang ng mga pakikitungo sa Diyos, at itinuturing nila ang Diyos bilang isang kornukopya. Nauunawaan nila ang mga maling motibo sa likod ng kanilang paniniwala sa Diyos, at kaya tinatama nila ang kanilang mga maling pananaw sa paniniwala, at kinukuha nila ang tamang lugar bilang mga nilalang na nilikha. Kapag nararanasan ng mga tao ang tamang motibo, hindi lamang sa umuunlad ang mga buhay nila, ngunit bumubuti ring muli ang mga negosyo nila. … Kapag ang kapatid na lalaki at babae ay humarap sa mga pagsubok na ito, ang laman nila ay labis na nagdurusa sa magkakaibang antas, ngunit mula sa mga pagsubok na ito ay nakakamit nila ang isang bagay na higit pang mahalaga: Nauunawaan nila nang mas higit pa ang tungkol sa kalooban ng Diyos na iligtas ang tao, ang kanilang kaalaman sa Diyos ay nagiging mas totoo at nakakamit nila ang mas maraming katotohanan. Kung gayon, maaaring sabihing ang mga pagsubok na iyon ay isa pang uri ng pagpapala mula sa Diyos para sa ating mga Kristiyano, at ang mga ito ang landas na dapat tahakin upang umunlad ang ating mga buhay at para makamtan natin ang papuri ng Diyos.

Dahil ang mga pagsubok ay labis na kapaki-pakinabang sa bawat isa at bawat Kristiyano, anong dahilan mayroon tayo upang magreklamo kapag nangyari sa atin ang mga pagsubok at matinding pagdurusa? Di ka ba sang-ayon, kaibigan?

Mag-iwan ng Tugon