Menu

Mateo 4:10- Devotional Verses With Reflection Tagalog - Sa Panginoon mong Dios sasamba ka

Bible Verse of the Day Tagalog

Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Nang tuksuhin ang Panginoong Jesus sa ilang, Kanyang natalo si Satanas sa tatlong pangungusap lamang, na nagpakita ng awtoridad at kapangyarihan ng salita ng Diyos. Nang tuksuhin ni Satanas ang Panginoon sa ikatlong pagkakataon, ipinakita nito ang lahat ng kaluwalhatian ng mga kaharian ng mundo sa Panginoong Jesus at hiniling Niya na sambahin ito. Mula sa sitwasyong ito makikita natin si Satanas ay kasuklam-suklam at walang kahihiyan, sapagkat ang lahat ay nilikha ng Diyos at pag-aari ng Diyos. Gayunpaman, upang tuksuhin ang Panginoon, talagang sinabi ni Satanas ang mga walang katotohanang salita. Maliwanag na si Satanas ay walang kaalaman sa sarili at mas mababa ang pagkakaroon ng paggalang sa Diyos. Sinabi ng salita ng Diyos, "Nakikita natin ang kasamaan ni Satanas at ang kawalang-hiyaan sa pagsasalita nito. Kaya naman kung sinamba ng tao si Satanas, ano kaya ang magiging kahihinatnan? Makakatanggap kaya sila ng kayamanan at kaluwalhatian sa lahat ng mga kaharian? (Hindi.) Ano ang kanilang matatanggap? Magiging kasing-walang hiya at kasing-katawa-tawa ba sila gaya ni Satanas? (Oo.) Wala silang ipagkakaiba kung gayon kay Satanas. Kaya naman, sinabi ng Panginoong Jesus ang katagang ito na siyang mahalaga para sa bawat tao: ‘Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran,’ na siyang nagsasabing maliban sa Panginoon, maliban sa Diyos Mismo, kung ikaw ay maglilingkod sa iba pa, kung sasambahin mo si Satanas na diablo, kung gayon ay malulublob ka sa parehong karumihan gaya ng kay Satanas. Makikibahagi ka kung gayon sa kawalang-hiyaan at kasamaan ni Satanas, at kagaya lamang ni Satanas, tutuksuhin at aatakihin mo ang Diyos. Kung gayon, ano ang iyong magiging katapusan? Kamumuhian ka ng Diyos, pababagsakin ng Diyos, at wawasakin ng Diyos, hindi ba tama ito? Matapos mabigong tuksuhin ni Satanas ang Panginoong Jesus nang maraming beses, sumubok ba ito ulit? Hindi ito sumubok ulit at umalis na lamang ito. Ano ang pinatutunayan nito? Pinatutunayan nito ang masamang kalikasan ni Satanas, ang malisya nito, at ang kahangalan at kabaliwan ay hindi karapat-dapat sa isang pagbanggit sa Diyos dahil tinalo na ng Panginoong Jesus si Satanas sa tatlo lamang na mga pangungusap, matapos nito ay umalis ito na bahag ang buntot sa pagitan ng mga binti nito, labis na napahiyang ipakitang muli ang mukha nito, at hindi na Siya muling tinukso nito kailanman. …” Bilang mga Kristiyano nakikita natin ang mga salita ng Diyos ang pinakamahalaga. Sa araw-araw na buhay, lagi tayong nakakatagpo ng mga tukso ni Satanas, tulad ng sa pera, katanyagan at katayuan sa buhay, mga dahilan kung saan mas lalo tayong napapalayo sa Diyos at nakikibaka sa sarili nating mga kamay . Ngunit bihira nating nauunawaan na ang kapalaran ng buong sangkatauhan ay kinokontrol ng kamay ng Diyos, alam ng Diyos ang ating mga pangangailangan at inihanda ang lahat para sa atin. Samakatuwid, bilang isang Kristiyano, ang dapat nating gawin ay dakilain ang ating Diyos, kumilos ayon sa salita ng Diyos at sundin ang mga orkestrasyon at kaayusan ng Diyos. Sa ganitong paraan, makakaasa tayo sa Diyos at madali nating makikita anumang mga panlilinlang ni Satanas.

Mag-iwan ng Tugon