Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag sa Awit 50:15
Bible Verse of the Day Tagalog
At tumawag ka sa Akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin Ako.
Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…
Sa Panahon ng mga Sakuna, Tanging Kung Tatawag Tayo sa Bagong Pangalan ng Panginoon ay Maaari Tayong Magkaroon ng Pagkakataon na Maprotektahan
Sinabi sa Bibliya, “At tumawag ka sa Akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin Ako” (Awit 50:15). Tulad ng alam nating lahat, kapag dumarating sa atin ang mga sakuna, tanging ang Panginoon ang ating suporta. Tanging kung tunay tayong tumingin sa Panginoon at tumawag sa Kanya ay magkakaroon tayo ng pagkakataong makamit ang Kanyang proteksyon. Ngayon, habang lumalala ang mga sakuna, maraming mananampalataya ang nananalangin sa Panginoon araw-araw, sa pag-asang poprotektahan sila ng Diyos at ang kanilang pamilya sa mga sakuna. Gayunpaman, gaano man tayo manalangin, nararamdaman natin na hindi natin nakukuha ang tugon ng Panginoon, na may balisang pakiramdam sa puso. Nang makitang maraming mananampalataya ang namamatay sa mga sakuna, marami sa atin ang nalilito: Bakit hindi dininig ng Panginoon ang ating mga panalangin? Ang ating mga panalangin ba ay hindi umaayon sa kalooban ng Panginoon?
Sa katunayan, ang Panginoon ay nagbalik na may bagong pangalan. Nagpahayag Siya ng mga katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, upang madalisay at iligtas ang sangkatauhan. Ang Banal na Espiritu ay sumusuporta lamang sa bagong pangalan ng Diyos. Samakatuwid, kung nananalangin pa rin tayo sa Kanyang mga dating pangalan, hindi na tayo pakikinggan ng Panginoon. Tulad din ito sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang dumating ang Panginoon upang gawin ang gawain ng pagtubos sa pangalan ni Jesus, tanging kung ang mga tao ay nanalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus ay maaari silang pakinggan ng Panginoon, mapatawad sa mga kasalanan, at makatanggap ng saganang biyaya at awa; kung nananalangin pa rin sila sa pangalan ni Yahweh, hindi ito naaayon sa kalooban ng Panginoon. Kung gayon ano ang bagong pangalan ng Panginoon sa mga huling araw? Basahin muna natin ang ilang talata ng mga banal na kasulatan at mga salita ng Diyos.
Ipinropesiya ito sa Aklat ng Pahayag, “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kaniya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). Sabi ng Diyos, “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan.”
Mula rito, mauunawaan natin na ang bagong pangalan ng Diyos ay ang Makapangyarihang Diyos. Ngayon, nagbalik na ang Panginoon, ipinahayag ang mga salita na may pangalan na Makapangyarihang Diyos, at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang ganap na dalisayin ang sangkatauhan. Tanging kung tatanggapin natin ang gawain ng Panginoon sa mga huling araw at mananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay makakatamo tayo ng kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu at magkakaroon ng pagkakataong matanggap ang proteksyon sa panahon ng mga sakuna at makaligtas.
Mga kaibigan, kung nais ninyong hanapin at siyasatin at tanggapin ang gawain ng Panginoon sa mga huling araw, malayang kontakin kami sa Messenger. Ikalulugod naming makipag-usap sa inyo.