Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 14

1,479 2020-05-21

Sino ang Nagpapasya sa Kahihinatnan ng mga Tao?

May isa pang bagay na napakahalagang talakayin, at ito ay ang saloobin ninyo sa Diyos. Ang saloobing ito ay napakahalaga! Ito ang nagpapasya kung sa huli ay patungo kayo sa pagkawasak o sa isang magandang hantungang naihanda ng Diyos para sa inyo. Sa Kapanahunan ng Kaharian, gumawa na ang Diyos ng mahigit dalawampung taon, at marahil, sa paglipas ng dalawang dekadang ito, sa inyong kaibuturan ay hindi kayo gaanong nakatitiyak tungkol sa inyong pagganap. Gayunman, sa puso ng Diyos, gumawa na Siya ng isang tunay at matapat na talaan ng bawat isa sa inyo. Mula nang magsimulang sumunod sa Kanya ang bawat tao at makinig sa Kanyang mga sermon, na unti-unting mas lalong nauunawaan ang katotohanan, at hanggang sa panahon na bawat tao ay nagsimulang tuparin ang kanilang mga tungkulin, nag-ingat na ng talaan ang Diyos tungkol sa lahat ng pamamaraan ng pagsasagawang nagawa ng bawat tao. Habang tinutupad ang kanilang mga tungkulin at nahaharap sa lahat ng uri ng sitwasyon at pagsubok, ano ang mga saloobin ng mga tao? Paano sila gumaganap? Ano ang nadarama nila sa Diyos sa kanilang puso? … May ulat ang Diyos ng lahat ng ito; may talaan Siya ng lahat ng ito. Marahil, mula sa inyong pananaw, nakalilito ang mga isyung ito. Gayunman, mula sa kinatatayuan ng Diyos, kasinglinaw ng kristal ang mga ito, at wala ni katiting na pahiwatig ng kawalang-ingat. Ito ay isang isyu na nauugnay sa kahihinatnan ng bawat tao, at binabanggit ang kapalaran at mga inaasam din ng mga tao sa hinaharap, at higit pa riyan, dito ginugugol ng Diyos ang lahat ng Kanyang napakaingat na mga pagsisikap; samakatuwid, hindi ito kaliligtaan ng Diyos ni bahagya, ni hindi Siya nagpaparaya sa anumang kawalang-ingat. Gumagawa ng isang talaan ang Diyos tungkol sa salaysay na ito ng sangkatauhan, na itinatala ang buong landasin ng mga tao sa kanilang pagsunod sa Diyos, mula simula hanggang wakas. Ang saloobin mo sa Kanya sa panahong ito ang nagpasya sa iyong kapalaran. Hindi ba totoo ito? Ngayon, naniniwala ka ba na ang Diyos ay matuwid? Angkop ba ang Kanyang mga kilos? Mayroon pa rin ba kayong anumang iba pang mga imahinasyon tungkol sa Diyos sa inyong isipan? (Wala.) Kung gayon ay sasabihin ba ninyo na ang Diyos ang nagpapasya sa kahihinatnan ng mga tao, o ang mga tao ang nagpapasya sa sarili nila? (Diyos ang nagpapasya nito.) Sino ang nagpapasya sa mga ito? (Ang Diyos.) Hindi kayo sigurado, hindi ba? Mga kapatid mula sa Hong Kong, magsalita kayo—sino ang nagpapasya sa mga ito? (Mga tao mismo ang nagpapasya nito.) Mga tao ba mismo ang nagpapasya nito? Nangangahulugan ba iyan na walang kinalaman sa Diyos ang kahihinatnan ng mga tao? Mga kapatid mula sa South Korea, magsalita kayo. (Diyos ang nagpapasya sa kahihinatnan ng mga tao batay sa lahat ng kanilang kilos at gawa, at alinsunod sa landas na kanilang tinatahak.) Napakamakatarungan ng sagot na ito. May isang katotohanan dito na kailangan Kong ipaalam sa inyong lahat: Sa panahon ng gawain ng pagliligtas ng Diyos, nagtakda na Siya ng isang pamantayan para sa mga tao. Ang pamantayang ito ay na kailangan nilang makinig sa salita ng Diyos at lumakad sa daan ng Diyos. Ang pamantayang ito ang ginagamit para timbangin ang kahihinatnan ng mga tao. Kung nagsasagawa ka alinsunod sa pamantayang ito ng Diyos, maaari kang magtamo ng magandang kahihinatnan; kung hindi naman, hindi ka magtatamo ng magandang kahihinatnan. Sino, kung gayon, ang masasabi mong nagpapasya sa kahihinatnang ito? Hindi lamang ang Diyos ang nagpapasya nito, kundi sa halip ay ang Diyos at ang mga tao nang magkasama. Tama ba ito? (Oo.) Bakit ganoon? Dahil ang Diyos ang aktibong nagnanais na maging abala sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan at maghanda ng isang magandang hantungan para sa sangkatauhan; ang mga tao ang mga pakay ng gawain ng Diyos, at ang kahihinatnang ito, ang hantungang ito, ang inihahanda ng Diyos para sa kanila. Kung wala Siyang mga pakay na tutuparin, hindi Niya kailangang gawin ang gawaing ito; kung hindi Niya ginagawa ang gawaing ito, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na magtamo ng kaligtasan. Ang mga tao ang ililigtas, at bagamat ang maligtas ay ang pasibong bahagi ng proseso, ang saloobin ng mga gumaganap sa bahaging ito ang nagpapasya kung magtatagumpay ang Diyos o hindi sa Kanyang gawaing iligtas ang sangkatauhan. Kung hindi sa patnubay na ibinibigay ng Diyos sa iyo, hindi mo malalaman ang Kanyang pamantayan, ni hindi ka magkakaroon ng obhektibo. Kung ganito ang iyong pamantayan, ang iyong obhektibo, subalit hindi ka pa rin nakikipagtulungan, nagsasagawa, o nagbabayad ng halaga, hindi mo matatamo ang kahihinatnang ito. Dahil dito, sinasabi Ko na ang kahihinatnan ng isang tao ay hindi maihihiwalay sa Diyos, at hindi rin ito maihihiwalay sa tao. Kung gayon, alam na ninyo ngayon kung sino ang nagpapasya sa kahihinatnan ng tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain

Mag-iwan ng Tugon