Tagalog Christian Testimony Video | "Paglaya Mula sa Tanikala ng Pagkakagapos"
Ilang taon nang nananalig ang ama ng pangunahing tauhan. Walang tigil niyang ginawa ang kanyang tungkulin para ibahagi ang ebanghelyo at nagawa niyang magtiis at magdusa. Gayunpaman, hindi niya hinangad ang katotohanan, sa halip ay hinangad ang katanyagan, pakinabang, at katayuan. Naghasik siya ng alitan sa pagitan ng mga kapatid, at nagawa pang ibukod at atakihin ang iba, kung kaya lubhang nagambala ang buhay-iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Ilang beses siyang inalok ng pagbabahagi at tulong, ngunit hindi siya nagsisi kailanman. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ng pangunahing tauhan na isang masamang tao ang kanyang ama na ayaw at galit sa katotohanan, at nararapat nang patalsikin sa iglesia. Gayunpaman, pinigil siya ng kanyang emosyon at hindi siya naglakas-loob na ilantad at i-report ang ama. Hinanap niya ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at nakita niya ang kalikasan, panganib, at kahihinatnan ng pagpapadala sa emosyon. Nakalaya siya mula sa pagkakatali sa personal niyang nararamdaman at nagawang mahalin ang mahal ng Diyos at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos, at inilantad niya ang masamang pag-uugali ng kanyang ama. Naging maayos na ang buhay ng iglesia pagkatapos patalsikin ang kanyang ama, malaya sa paggambala ng isang masamang tao.