"Pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa Aking Ama" Tagalog Testimony Video
Tinanggap ng pangunahing tauhan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw habang nasa divinity school. Naiisip ang kanyang ama, na isang diyakono ng iglesia na bihasa sa mga Kasulatan at maraming taon nang naglilingkod sa Panginoon, nagpasya siyang ibahagi sa kanya ang ebanghelyo sa lalong madaling panahon. Sa gulat niya, matigas na kumapit ang kanyang ama sa literal na mga salita ng Biblia at sa kanyang mga relihiyosong pagkaunawa, at tumangging maghanap at magsiyasat. Sa kanyang pagkadismaya, pinalayas pa siya sa bahay ng kanyang ama. Dahil sa udyok ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagpasya siyang ipagpatuloy ang pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos matapos umalis sa bahay. Hindi inaasahang nakipag-ugnayan sa kanya ang kanyang ama makalipas ang ilang linggo at sinabi na sa pamamagitan ng panalangin, paghahanap, at pagsangguni sa mga Kasulatan, nakita niya na sumasang-ayon sa Biblia ang paraan ng pagbabahagi sa kanya ng kanyang anak, at gusto na niya ngayong hanapin at siyasatin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Nagawa kaya ng kanyang ama na marinig ang tinig ng Diyos at makasunod sa mga yapak ng Kordero sa huli? Alamin sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa Aking Ama.