Menu

Paano Makamit ang Pangangalaga ng Diyos sa Malalaking Sakuna

Kamakailan lamang, ang Pilipinas ay nakaranas ng patuloy na mga sakuna. Noong Hulyo, tumama ang isang 6.6 magnitude na lindol sa ilang 16 na kilometro timog-kanluran ng Calatagan, Batangas. Ang nag-aalburutong Bulkang Taal ay nagpapahiwatig na sasabog ito anumang oras at ang mga nakapaligid na residente ay napwersang lumikas, hindi makauwi ng bahay. Sinundan ng mga pagbaha ang tatlong araw nang matinding pagbagsak ng ulan, na nagresulta sa maraming pamilya na nailikas. Ang Delta variant ay sumiklab, na kung saan ay higit na nakakahawa kaysa sa mga naunang bersyon ng coronavirus kaya't ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa Pilipinas ay tumaas, ang Maynila at ilang probinsya ay inilagay sa ilalim ng lockdown. Maraming tao ang nabubuhay sa kaguluhan at takot at ganap na nasa kawalan, nag-aalala na sila at ang kanilang pamilya ay mahawa, at mas natatakot na mamatay o mawalan ng mahal sa buhay. Bukod dito, iba’t ibang bansa sa buong mundo ang nakakaranas ng dumaraming taggutom, lindol, baha, at giyera. Nahaharap sa malalaking mga sakuna, ang mga tao ay maaari lamang patuloy na tawagin ang Panginoon para sa Kanyang pangangalaga at proteksyon. Gayunpaman, naisip na ba natin ang tungkol sa mga sumusunod? Ano ba talaga ang intensyon ng Diyos sa paghagupit ng mga sakuna? Paano tayo makakaligtas sa mga sakuna? I-fellowship natin ngayong araw ang tungkol sa isyung ito.

Great-Tribulation-in-Tagalog

Ang Kalooban ng Diyos sa Likod ng Paglitaw ng mga Sakuna

Dalawang libong taon ang nakakaraan, ang mga disipulo ng Panginoong Jesus ay tinanong Siya, “Ano ang magiging tanda ng Iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Tumugon ang Panginoong Jesus, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan(Mateo 24:6–8). Sa kasalukuyan, madalas na nangyayari ang mga sakuna sa buong mundo. Ang mga lindol, pandemya, taggutom, giyera, at baha ay sunod-sunod na nagaganap, lalo na ang pagkalat ng Covid-19 sa buong mundo. Ang mga palatandaang ito ay malinaw na ipinapakita sa atin na ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay natupad na at ang Panginooon ay nagbalik na. Kaya ang ating kagyat na prayoridad ngayon ay hanapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Gayunpaman, ang mga tao ngayon ay lalong naging mas masama at tiwali. Maraming tao ang hindi kinikilala ang pag-iral ng Diyos, at maraming mga mananampalataya sa Diyos ang naghahangad ng mga makamundong bagay, o nabubuhay sila sa pagpapakasawa sa katakawan, naghahangad ng kasiyahan ng laman, at sensuwal na pagnanasa. Ilang tao lang ang nagkukusang hanapin ang Diyos at ang Kanyang pagpapakita at gawain. Kahit na maraming tao na ang nakarinig sa balita ng pagbabalik ng Panginoon, hindi sila aktibong naghahanap o nag-iimbestiga, ngunit nagbubulag-bulagan sila sa kaligtasan ng Diyos ng mga huling araw. Samakatuwid, sa pagpapahintulot na maganap ang mga sakunang ito, nagpapadala ang Diyos sa atin ng mga babala upang gisingin ang ating nagwawalang-bahalang puso nang sa gayon ay malinaw nating makita na ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natupad na at ang Panginoon at nagbalik na. Dapat nating hanapin ang pagpapakita ng Diyos nang walang antala, sa ganitong paraan lamang tayo magkakaroon ng pagkakataon na matamo ang proteksyon ng Diyos sa mga sakuna.

Ang Tanging Landas Upang Maprotektahan Mula sa mga Sakuna

Kung gayon ay paano natin masasalubong ang Panginoon at makakamit ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos? Tignan muna natin kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos.

Sabi ng Diyos, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27).

Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao, at lalong hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpapasya at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.” Mula sa mga salitang ito ng Diyos, malinaw nating malalaman na ang Panginoon ay bibigkas ng mga salita sa Kanyang pagbabalik. Kung nais nating salubungin ang Panginoon at sumabay sa mga yapak ng Diyos, kailangan nating bigyang pansin ang paghahanap sa mga pagpapahayag ng Diyos at pakikinig sa Kanyang tinig. Kapag nakilala na natin ang tinig ng Diyos, nangangahulugan ito na nakikita na natin ang pagpapakita ng Diyos at binabati ang pagbabalik ng Panginoon. Kaya, kapag ipinapangaral ng iba sa atin ang ebanghelyo ng nagbalik na Panginoon, hindi dapat natin ito bulag na tanggihan, o magbulag-bulagan dito, ngunit sa halip, kailangan nating magkusa na hanapin at tingnan ito. Sa paggawa lamang nito ay masasalubong natin ang Panginoon at magkakaroon ng pagkakataon na matamo ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos.

Natupad na ang mga propesiya sa pagbalik ng Panginoon, kumakatok ang Panginoon, paano natin Siya sasalubungin? Sumali sa aming mga online meeting upang malaman.

neiwen-CAT

Sa kasalukuyan, ang malalaking mga sakuna ay bumabagsak sa sangkatauhan. Kaunting araw nalang ang natitira sa atin upang magsisi. Kung mananatili kang walang pakialam sa pagbabalik ng Panginoon at hindi mo aktibong hinahanap at sinisiyasat ang panghuling-kapanahunang gawain ng Diyos upang masalubong ang Panginoon, alam mo ba kung ano ang saloobin ng Diyos para sa mga taong ganito? Narito ang sinasabi ng Diyos tungkol doon: “Noong ang sangkatauhan ay napuno ng katiwalian at naging suwail sa Diyos hanggang sa isang nakapanghihinang punto, kinailangan ng Diyos na wasakin ang sangkatauhan, dahil sa Kanyang disposisyon at Kanyang diwa, at alinsunod sa Kanyang mga panuntunan. Ngunit dahil sa diwa ng Diyos, kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, at nagnais pang gumamit ng iba’t ibang mga paraan upang tubusin ang sangkatauhan nang makapagpatuloy silang mabuhay. Gayunman, nilabanan ng tao ang Diyos, nagpatuloy na sumuway sa Diyos, at tinanggihan na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, na ang ibig sabihin, tinanggihan na tanggapin ang Kanyang mabubuting layunin. Kahit paano man sila tinawag ng Diyos, pinaalalahanan, tinustusan, tinulungan, o pinagbigyan, hindi ito naunawaan o pinahalagahan ng tao, at ni hindi rin sila nagbigay-pansin. Sa kabila ng sakit Niyang nadama, hindi pa rin kinalimutan ng Diyos na ipagkaloob sa tao ang pinakamataas na antas ng Kanyang pagpaparaya, naghihintay na baliktarin ng tao ang kanyang direksiyon. Matapos Niyang maabot ang Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat Niyang gawin nang walang anumang alinlangan. Sa madaling sabi, may partikular na panahon at proseso mula sa sandaling binalak ng Diyos na lipulin ang sangkatauhan hanggang sa pagsisimula ng Kanyang gawain na paglipol sa sangkatauhan. Umiral ang ganitong proseso upang bigyang-kakayahan ang tao na baliktarin ang kanyang direksiyon, at ito ang huling pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa tao. Kaya ano ang ginawa ng Diyos sa panahong ito bago lipulin ang sangkatauhan? Napakaraming pagpapaalala at masidhing paghihikayat ang ginawa ng Diyos.

Sa kalawakan ng mundo, umaapaw ang karagatan hanggang sa kaparangan, tumatabon ang kaparangan sa karagatan, nang paulit-ulit. Maliban sa Kanya na namumuno sa bawat bagay sa lahat ng bagay, walang sinumang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhan. Walang sinumang makapangyarihang magtatrabaho o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungang liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan sa mundo. Nananangis ang Diyos sa hinaharap ng sangkatauhan, nagdadalamhati sa pagkahulog ng sangkatauhan, at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan, patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Wala pang nakakaisip kung saan ang maaaring patunguhan ng isang sangkatauhan na bumigo sa puso ng Diyos at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang diyablo. Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos, kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya o nagsisikap na mapalapit sa Kanya, at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, patuloy na tumatahak ang tao sa sarili niyang landas, pilit na lumalayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip—dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo—tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos sa sangkatauhang ito na nagpaalis na sa Kanya nang hindi man lang lumilingon? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala’t pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa.

Mula sa mga salitang ito ng Diyos, mauunawaan natin: Ang Diyos ay may diwa ng kabanalan at kinasusuklaman Niya ang kasamaan at katiwalian ng sangkatauhan, kaya wala Siyang ibang pagpipilian kundi pahintulutan ang mga sakuna na bumagsak sa sangkatauhan. Gayunpaman, dahil nilikha ng Diyos ang mga tao, hindi Niya rin kayang makita ang mga tao na mawasak sa ganitong paraan, at samakatuwid, bago ibagsak ng Diyos ang malalaking sakuna, binibigyan Niya ng pagkakataon ang lahat upang tanggapin ang Kanyang kaligtasan. Katulad ito nang hinayaan ng Diyos si Noe na ipangaral ang ebanghelyo, sa loob ng mahigit isang siglo, binigyan ng Diyos ang tao ng pagkakataon na lumapit sa Kanya upang matanggap ang Kanyang kaligtasan. Pareho rin ito sa ikalawang pagparito ng Panginoon. Ngayon ay tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon at na Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos. Isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain sa halos 30 taon mula taong 1991. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, pati na rin ang iba’t ibang mga ebanghelyong pelikula, crosstalks at skits, choral works, at lahat ng uri ng mga patotoo ng mga taong pinili ng Diyos na sumailalim sa pagbabago ng disposisyon—at lahat ng uri ng mga patotoo ng mga taong pinili ng Diyos na sumailalim sa pagbabago ng disposisyon—lahat ng ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—ay nailathala rin sa online, at naroon para sa lahat ng mga tao sa buong mundo upang hanapin at imbestigahan. Ginagamit rin ng Diyos ang mga taong nangangaral sa atin at nagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Maraming mga tunay na mananampalataya na nagmamahal sa katotohanan ang nakarinig sa tinig ng Diyos at isa-isang bumalik sa Makapangyarihang Diyos. Ang ebanghelyo ng pagdating ng kaharian ng langit ay kumalat sa buong mundo. Sa ngayon, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay malapit nang magtapos, at ang malalaking mga sakuna, ang mga katulad nito na hindi pa nakikita sa loob ng milenyo, ay nalalapit na. Tulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t kung magkagayo’y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo’y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man(Mateo 24:21). Ang oras na ibinigay ng Diyos para sa mga tao ay nauubos na, at ang pintuan ng biyaya ay malapit nang magsara. Ang tanging magagawa natin ay gamitin ang mahalagang pagkakataon na ito upang hanapin at siyasatin ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Ito lamang ang landas upang matamo ang proteksyon ng Diyos sa gitna ng mga sakuna.

Mga kaibigan, nais niyo bang matanggap ang Panginoon sa lalong madaling panahon?

Mag-iwan ng Tugon