Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Diyos ay Palaging Bago at Hindi Kailanman Luma
Sabi ni Jesus ang gawain ni Jehova'y
nahuli sa Kapanahunan ng Biyaya.
Ang Gawain ni Jesus ay nahuli
tulad ng sabi ng Diyos ngayon.
Kung mayro'n lang sanang Panahon ng Kautusan,
at hindi Panahon ng Biyaya,
'di na sana 'pinako sa krus si Jesus,
at tao'y 'di Niya sana natubos.
'Di na uulitin pa ng Diyos parehong gawain;
gawain Niya'y laging nagbabago,
gaya ng bagong gawai't salita Niya sa inyo.
Ito ang Kanyang gawain,
at ang susi ay ang mga salitang
"kamangha-mangha" at "bago."
Ang susi ay ang mga salitang
"kamangha-mangha" at "bago."
Kung mayro'n lang Panahon ng Kautusan,
tao kaya'y umunlad sana ngayon?
Ang kasaysayan ay nagpapatuloy.
'Di ba 'to likas na batas ng gawain ng Diyos?
'Di ba 'to paglalarawan ng Kanyang pamamahala
sa tao sa sansinukob?
Kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago;
sumusulong ang kasaysayan, gaya ng gawain ng Diyos.
Parehong gawai'y 'di Niya pananatilihin sa anim na libong taon;
pagka't Siya'y hindi luma, lagi Siyang bago.
Isang beses 'pinako sa krus,
mapapanatili ba Niya ang gawaing ito habang-panahon?
Makalawang 'pinako sa krus?
Ito'y pagkaunawa lamang ng kakatwang tao.
'Di na uulitin pa ng Diyos parehong gawain;
gawain Niya'y laging nagbabago,
gaya ng bagong gawai't salita Niya sa inyo.
Ito ang Kanyang gawain,
at ang susi ay ang mga salitang
"kamangha-mangha" at "bago."
Ang susi ay ang mga salitang
"kamangha-mangha" at "bago."
"Diyos 'di nagbabago at lagi Siyang Diyos";
ito'y kasabihang totoo.
Diwa ng Diyos ay 'di nagbabago,
at 'di Siya magiging si Satanas.
Ngunit Kanyang gawai'y 'di tulad ng Kanyang diwa,
palagian at walang pagbabago.
Pa'no mo ipapaliwanag Siya'y laging bago't 'di luma
kung sinasabi mo'ng 'di nababago ang Diyos?
'Di na uulitin pa ng Diyos parehong gawain;
gawain Niya'y laging nagbabago,
gaya ng bagong gawai't salita Niya sa inyo.
Ito ang Kanyang gawain,
at ang susi ay ang mga salitang
"kamangha-mangha" at "bago."
Ang susi ay ang mga salitang
"kamangha-mangha" at "bago."
Gawain Niya'y patuloy na lumalaganap,
at ito'y laging nagbabago.
Kalooban ng Diyos 'pinapaalam sa tao,
kalooban ng Diyos laging nagpapakita.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin