Tagalog Christian Song | Diyos ang Naghahari sa Kaharian
Diyos naghahari sa kaharian,
Diyos naghahari sa sansinukob.
Siya ang Hari ng kaharian,
Siya'ng Pinuno ng sansinukob.
Ⅰ
Simula ngayon, Diyos titipunin
lahat ng mga 'di napili.
Simula ngayon, Diyos sisimulan
ang gawain sa mga Gentil.
Simula ngayon, ihahayag Niya'ng
atas administratibo Niya
sa buong sansinukob,
upang magawa Niya'ng
kasunod na hakbang nang matagumpay.
Ⅱ
Simula ngayon, Diyos gagamitin pagkastigo
sa paglaganap ng gawain Niya sa Gentil.
Simula ngayon, gagamitin Niya'y pwersa,
pwersa laban sa lahat ng Gentil.
Simula ngayon, gagawin Niya 'to habang
gumagawa sa mga napili.
'Pag bayan Niya'y may kapangyarihan,
lahat sa mundo'y malulupig na,
Diyos magpapahinga at haharap sa nalupig.
Diyos naghahari sa kaharian,
Diyos naghahari sa sansinukob.
Siya ang Hari ng kaharian,
Siya'ng Pinuno ng sansinukob.
Diyos nagpapakita sa banal na kaharian
at nagtatago sa lupaing marumi.
Lahat ng nalupig at sumusunod sa Diyos
ay nakakakita sa mukha Niya.
Nakakakita sa sariling mata,
at tinig Niya rinig ng tainga nila.
Ito ang biyayang itinadhana Niya
sa mga isinilang sa mga huling araw.
Diyos naghahari sa kaharian,
Diyos naghahari sa sansinukob.
Siya ang Hari ng kaharian,
Siya'ng Pinuno ng sansinukob.
Ⅲ
'Pag binuksan Niya'ng balumbon, 'yon ang araw
na lahat ng tao'y kakastiguhin.
'Pag binuksan Niya'ng balumbon,
tao sa buong mundo'y
sasailalim sa pagsubok Niya.
'Pag binuksan Niya'ng balumbon,
gawain Niya'y aabot sa rurok.
Lahat titira sa lupaing walang liwanag;
sa gitna ng banta ng kapaligiran nila,
lahat ng tao'y mabubuhay.
Diyos naghahari sa kaharian,
Diyos naghahari sa sansinukob.
Siya ang Hari ng kaharian,
Siya'ng Pinuno ng sansinukob.
Dahil araw Niya'y nalalapit,
sa harap ng mata ng tao,
sino'ng 'di nagiging takot?
At sino'ng 'di nagiging masaya rito?
Sa wakas natapos na,
maruming siyudad ng Babilonia.
Tao'y nakatagpo na ng bagong mundo.
Lahat pinanibago, ang langit at lupa.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin