Ⅰ
Sa panahon ng paglikha,
Diyos ay nagpasiya
na magwawakas gawain Niya sa lupa
sa huling panahon, at kasabay niyon
sa kalawakan gawa Niya'y makikita.
Kikilalanin ng mga tao Kanyang nagawa,
at sa harap ng "hukuman,"
Kanyang mga gawa'y patutunayan, tatanggapin
ng lahat ng tao sa lupa na susuko.
Lahat ng tao Kanyang lulupigin,
ang hayop, paaamuin.
Ang pulang dragon, gaya ng mga tao,
susuko sa Diyos sa pagkatalo.
Kaaway Niya sa lupa'y lulupigin,
kaaway Niya sa langit tatalunin.
Plano Niya 'to, plano Niya 'to
at himala ng Kanyang gawain.
Ⅱ
At isang proyekto ang Kanyang sisimulan
na 'di pa naisagawa kailanman.
Ihahayag Niya Kanyang mga gawa
paisa-isa, paisa-isa,
upang Kanyang karunungan at pagka 'di maarok
kilalanin at mapatunayan sa buong lipunan.
Lahat ng tao Kanyang lulupigin,
ang hayop, paaamuin.
Ang pulang dragon, gaya ng mga tao,
susuko sa Diyos sa pagkatalo.
Kaaway Niya sa lupa'y lulupigin,
kaaway Niya sa langit tatalunin.
Plano Niya 'to, plano Niya 'to
at himala ng Kanyang gawain.
Kikilalanin ng lahat mga gawa Niya.
Ito ang sandaling Siya'y lul'walhatiin sa lupa.
Ito ang sandaling Siya'y makikita ng tao.
Ito ang sandaling Siya'y hindi na nakatago.
'Di pa sukdulan gawa Niya.
Ito'y sumusulong pa.
Darating ang sandaling 'to'y nasa tugatog na.
'Yon ang sandaling gawai'y kukumpletuhin Niya.
'Yon ang sandaling matatapos iyon.
Lahat ng tao Kanyang lulupigin,
ang hayop, paaamuin.
Ang pulang dragon, gaya ng mga tao,
susuko sa Diyos sa pagkatalo.
Lahat ng tao Kanyang lulupigin,
ang hayop, paaamuin.
Ang pulang dragon, gaya ng mga tao,
susuko sa Diyos sa pagkatalo.
Kaaway Niya sa lupa'y lulupigin,
kaaway Niya sa langit tatalunin.
Plano Niya 'to, plano Niya 'to
at himala ng Kanyang gawain.
Plano Niya 'to, plano Niya 'to
at himala ng Kanyang gawain.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin