Paano Magkakaroon ng Isang Pusong May Takot sa Diyos ang mga Kristiyano?
Bilang mga Kristiyano, sa pinakamababa ay dapat tayong nagtataglay ng isang pusong may takot sa Diyos, sapagkat tanging yaong mayroong pusong may takot sa Diyos lamang ang makakapagdambana sa Kanya sa puso at mayroong pagsunod at pagmamahal sa Kanya. Si Job ang isa sa halimbawa ng mga yaong mayroong pusong may takot sa Diyos. Siya’y may takot sa Diyos at itinataboy ang kasamaan buong buhay niya, at kapag kinakaharap ang mga temtasyon ni Satanas, nang nawala sa kanya ang lahat ng kanyang mga pag-aari, mga anak, o kahit nang ang kanyang buong katawan ay napuno ng mga masasakit na sugat, siya ay tumindig pa rin sa tabi ng Diyos upang sumunod at papurihan ang Diyos. Nagtaglay siya ng isang matinding patotoo sa Diyos, kasabay niyon ay natatanggap ang pag-apruba ng Diyos at mga biyaya, at namumuhay sa buhay na may katuturan at kahulugan. Dito makikita natin na lubusang pinakaingat-ingatan ng Diyos ang mga yaong may pusong may takot sa Diyos at tanging ang mga gayong tao ang maaaring aprubahan ng Diyos.
Paano tayo magkakaroon ng isang pusong may takot sa Diyos? Sunod, tayo’y magfellowship ng tungkol sa tatlong paraan na kung saan ang mga Kristiyano ay magtataglay ng isang pusong may takot sa Diyos.
- Quick Navigation
- 1. Pananalangin at Paghahanap ng Kalooban ng Diyos sa Lahat ng Bagay
- 2. Pagkilala sa Diyos bilang ang Lumikha, at Maging Masunurin
- 3. Pagkilala sa Disposisyon ng Diyos
1. Pananalangin at Paghahanap ng Kalooban ng Diyos sa Lahat ng Bagay
Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kailangan mong humarap nang madalas sa Diyos, kainin at inumin at pagnilay-nilayan ang Kanyang mga salita, at tanggapin ang Kanyang pagdisiplina at patnubay sa iyo. Kailangan mong magawang magpasakop sa lahat ng sitwasyon, tao, bagay, at pangyayari na naiplano ng Diyos para sa iyo, at pagdating sa mga bagay na medyo hindi mo maarok, kailangan mong manalangin nang madalas habang hinahanap mo ang katotohanan; sa pag-unawa lamang sa kalooban ng Diyos mo masusumpungan ang daan pasulong. Kailangan mong magpitagan sa Diyos, at maingat na gawin ang dapat mong gawin; kailangan mong madalas na pumayapa sa harap ng Diyos, at huwag kang magpakasama. Kahit man lang kapag may nangyari sa iyo, ang una mong reaksyon dapat ay ipanatag ang sarili mo, pagkatapos ay manalangin kaagad. Sa pagdarasal, paghihintay, at paghahanap, magtatamo ka ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang pag-uugaling nagpapakita ng pagpipitagan sa Diyos, hindi ba?” (“Tanging Kapag Namumuhay Ka sa Harapan ng Diyos sa Lahat ng Sandali Makalalakad Ka sa Landas ng Kaligtasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).
Dito, makikita natin na ang pananalangin at paghahanap ng kalooban ng Diyos kapag ang isang bagay ay lumilitaw ay isang saloobin na nagpapakita ng paggalang sa Diyos. Alam natin na ang lahat ng mga bagay ay nasa pagkontrol ng Diyos. Kaya, mayroong mabuting layunin ng Diyos sa likod ng bawat tao, kaganapan, o bagay na ating nakakatagpo. Kung hindi tayo mananalangin at maghahanap, hindi natin maiintindihan ang kalooban ng Diyos. At kapag nangyari ang isang bagay na hindi sang-ayon o hindi naaayon sa ating mga kuru-kuro, madali nating susuriin ito ayon sa ating mga isipan, makagagawa ng mga reklamo laban sa Diyos, at pati na makakapagsabi ng isang bagay na masama at lumalaban sa Diyos. Gayunpaman, kung lalapit tayo sa harap ng Diyos upang manalangin at hanapin ang kalooban ng Diyos, papatnubayan Niya tayo upang malaman kung ano ang Kanyang mabuting hangarin at kung ano ang mga aral na dapat nating malaman sapagkat alam Niya ang ninanais ng ating puso at hinahanap ang katotohanan. Sa ganitong paraan, maihahandog natin ang ating mga papuri sa Diyos mula sa kalaliman ng ating puso.
Tulad ni Job, ang kanyang mga baka at tupa ay ninakaw, ang ilan sa kanyang mga lingkod ay napatay, kinuha ang mga buhay ng kanyang mga anak na lalaki at babae. Ngunit si Job ay hindi kailanman nagreklamo laban sa Diyos. Ang kanyang unang reaksyon ay lumapit sa harapan ng Diyos upang manalangin at hinahanap ang kalooban ng Diyos. Nang malaman niya na ang lahat ng kanyang kayamanan at mga anak ay ibinigay ng Diyos at ang Diyos ay may karapatan na bawiin sila, at ang nilikha na nilalang ay dapat na masunurin, sa huli sinabi niya “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21), at nagbigay ng isang matinding patotoo. Gayunpaman, ang tatlong kaibigan ni Job ay kabaligtaran. Nang makita nila kung ano ang nangyari kay Job, nang walang pagka-unawa sa kalooban ng Diyos, nang hindi nananalangin at naghahanap, pinasa nila ang paghuhusga kay Job, at sa huli ay naging daluyan ni Satanas at tinanggihan at hinamak ng Diyos. Dito, makikita natin na ang paghahanap ng kalooban ng Diyos ay mahalaga para sa atin na magkaroon ng isang puso na may takot sa Diyos.
Isang pagkakataon sa nakaraan, isang sister sa aming simbahan ang nagkaroon ng isang matinding sakit ng biglaan. Sa simula, nagagawa niyang magpasakop at ipagkatiwala ang kanyang sakit sa Diyos, habang kasabay nito ay umiinom siya ng gamot. Ngunit pagkalipas ng ilang panahon, hindi pa rin gumaling ang kanyang sakit. Nang magkagayon, ang kapatid ay naging negatibo, nag-iisip na siya ay gumugol ng kanyang sarili para sa Diyos araw-araw, ngunit hindi siya pinoprotektahan at pinangangalagaan ng Diyos. Sa sandaling lumabas ang kaisipang ito, napagtanto niya na mali ito, at kaya dali-dali siyang lumapit sa harapan ng Diyos upang manalangin, na isang pagtatangka upang mahanap ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito. Nang maglaon, nakita ng kapatid ang mga salitang ito ng Diyos: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking mga kapangyarihan upang itaboy ang masasamang espiritu mula sa kanilang katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming naniniwala sa Akin para maiwasang magdusa sa impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad na magkamit ng anuman sa mundong darating. Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Noong ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, ang kahihiyan ng tao ay naging galit. Noong hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya; lumayo sa Akin ang tao upang hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Noong alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang lahat ng nasa tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming magiging pakinabang.” Kung ikukumpara sa kung ano ang nakalantad sa mga pagbigkas ng Diyos, nadadama ng kapatid ang katunayan na nagsakripisyo siya at ginugol ang kanyang sarili hindi upang matupad ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, hindi upang mabayaran ang pag-ibig ng Diyos, ngunit upang makatanggap ng mga pagpapala ng langit. Sa kadahilanang ito, nang manalangin siya na pagalingin siya ng Diyos ngunit hindi sinagot ng Diyos ang kanyang mga dalangin, nagsimula siyang mangatuwiran sa Diyos at sisihin ang Diyos. Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa sarili, napagtanto niya na siya ay masyadong makasarili, na walang kaunting pagmamahal sa Diyos, at ang lahat ng ginawa niya ay para sa kanyang sariling kapakanan. Kahit na nagparoo’t-parito siya at naglaan ng kanyang sarili, nakikipag-negosasyon siya sa Diyos. Kung hindi siya nalantad sa gayong kapaligiran, iisipin pa rin niya na siya ay matapat sa Diyos, at hindi niya mababatid ang kanyang mga kakulangan. Matapos matamo ang mga pagtanto na ito, wala na siyang mga reklamo laban sa Diyos at handang sumunod sa mga kaayusan at orkestrasyon ng Diyos sa kung kailan gagaling ang kanyang sakit. Nang maglaon, ang sister ay bumuntung-hininga at sinabi na napakahalaga na manalangin at hanapin ang kalooban ng Diyos kapag nakakatagpo tayo ng mga bagay na hindi naaayon sa ating mga kuru-kuro. Kung siya ay hindi nanalangin at naghanap sa tamang oras, siya ay mabubuhay sa isang estado ng maling pagka-unawa at sinisisi ang Diyos, at makagagawa ng mga reklamo sa Diyos at lalaban sa Diyos, sa gayon mawawalan ng patotoo at mapupukaw ang pagkamuhi ng Diyos.
Dito, makikita natin na lubos na napakahalaga na manalangin at hanapin ang kalooban ng Diyos kapag ang isang bagay ay nangyayari sa atin, at ito ay ang kinakailangang pagsasagawa na kung saan maaari tayong magkaroon ng isang puso na may takot sa Diyos.
2. Pagkilala sa Diyos bilang ang Lumikha, at Maging Masunurin
Sabi ng Diyos, “May isang pangunahing prinsipyo sa pagtrato ng Panginoon ng paglalang sa mga nilikha, na siya ring pinakamataas na prinsipyo. Kung paano Niya tratuhin ang mga nilikha ay lubos na nababatay sa Kanyang plano ng pamamahala at sa Kanyang mga kahilingan; hindi Niya kailangang sumangguni kaninuman, ni hindi Niya kailangang pasang-ayunin sa Kanya ang sinuman. Anuman ang dapat Niyang gawin at paano man Niya dapat tratuhin ang mga tao, ginagawa Niya, at, anuman ang Kanyang ginagawa o paano man Niya tinatrato ang mga tao, lahat ng mga ito ay naaayon sa mga prinsipyo ng paggawa ng Panginoon ng paglikha. Bilang isang nilikha, ang tanging gagawin ay magpasakop; wala nang iba pang dapat pagpipilian. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nito na ang Panginoon ng paglikha ay laging magiging Panginoon ng paglikha; nasa Kanya ang kapangyarihan at mga katangian upang isaayos at pamahalaan ang sinumang nilikha ayon sa gusto Niya, at hindi kailangang magkaroon ng dahilan para gawin iyon. Ito ang Kanyang awtoridad. Wala ni isa man sa mga nilikha, dahil sila ay mga nilikha, ang may kapangyarihan o karapat-dapat humatol kung paano dapat kumilos ang Lumikha o kung tama o mali ang Kanyang ginagawa, ni hindi karapat-dapat na pumili ang sinumang nilikha kung dapat silang pamahalaan, isaayos, o itapon ng Panginoon ng paglikha. Gayundin, wala ni isang nilikha ang karapat-dapat na pumili kung paano sila pinamamahalaan at itinatapon ng Panginoon ng paglikha. Ito ang pinakamataas na katotohanan” (“Sa Paghahanap Lamang ng Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).
Upang magkaroon ng pusong may takot sa Diyos dapat nating kilalanin na ang Diyos ang Lumikha at tayo ang mga nilikha, at na kahit ano pa ang gawin ng Diyos at kung ito ay naaayon sa ating mga kuru-kuro, tayo ay hindi kwalipikado na suriin ang tama at mali at dapat na maging masunurin ng walang pasubali. Ito ang pagka-makatuwiran na dapat nating taglayin, sapagkat ang Diyos ay matalinong Diyos, ang Kanyang gawain ay kahanga-hanga, hindi maaarok at hindi naka-ayon sa ating mga kuru-kuro. Minsan, kahit na tayo ay nananalangin at naghahanap, maaari nating hindi agarang maunawaan ang Kanyang kalooban. Sa puntong ito, dapat tayong tumayo sa posisyon ng isang nilikha at kilalanin na ang Diyos ang katotohanan at ang may awtoridad upang kontrolin at isaayos ang lahat ng mga bagay para sa tao, at na ang nilikha ay dapat maging masunurin at hindi maaaring labanan ang Lumikha. Kung mayroon tayong pag-unawa na ito, kung maaari tayong maging masunurin at tumayo ng patotoo kapag nakakaranas tayo ng anumang mga kalamidad o pagsubok, nangangahulugan ito na tayo ay nasa landas ng may pagkatakot sa Diyos at itinataboy ang kasamaan. Gayunpaman, kung tayo ay magmamatigas na mangatwiran sa Diyos, hindi tayo karapat-dapat na tawaging isang tao, sapagkat tanging ang demonyong si Satanas ang walang pandama at naglakas-loob na bukas na kumakalaban at humihiyaw laban sa Diyos. Nilalakaran nila ang landas ng pagkalaban sa Diyos, at nasa kapahamakan na maparusahan ng Diyos sa huli. Kaya, bilang taga-sunod ng Diyos, kung nais nating magkaroon ng isang pusong may takot sa Diyos, ang pinakamababa na magagawa natin ay ituring ang Diyos bilang Diyos at magkaroon ng pandahilan na dapat tinataglay ng nilikhang tao.
Alam nating lahat na nang si Abraham ay 99 na taong gulang, binigyan siya ng Diyos ng isang anak na lalaki, si Isaac. Nang maabot ni Isaac ang kanyang tamang edad sa pagbibinata, hiningi ng Diyos kay Abraham na ialay ang kanyang tanging anak bilang isang handog. Sa maraming mga paningin ng tao, ang hinihinging ito ng Diyos ay hindi naaayon sa kuru-kuro ng tao, at yamang ibinigay ng Diyos ang anak kay Abraham, hindi Niya ito dapat bawiin. Ngunit paano ang pananaw ni Abraham sa bagay na ito? Sabi ng Bibliya, “At si Abraham ay bumangong maaga, at inihanda ang kaniyang asno, at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila, at si Isaac na kaniyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Diyos. … At sila’y dumating sa dakong sa kaniya’y sinabi ng Diyos; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak” (Genesis 22:3–10). Mula sa mga salitang ito, makikita na hindi sinuri ni Abraham ang bagay na ito gamit ang kanyang isipan. Bagaman, nakadama siya ng pagka-miserable sa kanyang kalooban, siya ay nanatiling nagpasakop sa Diyos ng may pagka-makatuwiran. Kung si Abraham ay walang pagka-makatuwiran at ng pagsunod sa Diyos na dapat tinataglay ng nilikhang tao, maaring nagrason siya sa Diyos at kinalaban Siya sa oras ng pagsubok na ito. Nasusulat rin sa Bibliya na nung itinaas ni Abraham ang kanyang kutsilyo upang patayin ang kanyang anak, pinigilan siya ng Diyos sa tamang oras. Hindi nais ng Diyos na tunay niyang patayin ang kanyang anak, ngunit upang subukin lamang siya. Dahil ang Diyos ay nagkaroon ng gawain na gagawin sa pamamagitan ni Abraham—Nais Niyang siya ang maglingkod bilang nangungunang tao ng mga Israelita, kinailangang subukin ng Diyos si Abraham upang makita kung may kakayahang ito na gawin ang isang mahalagang komisyon. Tulad ng pagkakaroon ni Abraham ng isang pusong may takot sa Diyos sa mga pagsubok at ganap na sumunod sa Kanyang hinihiling, pinagpala siya ng Diyos ng labis, pinarami ang kanyang binhi tulad ng bilang ng mga bituin ng langit at bilang ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat, at nagpaplano na makamit ang Kanyang pamamahala sa kanyang mga inapo.
Hindi mahirap para sa atin na makita na ang bawat gawain ng Diyos na hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao ay makahulugan. Kung tayo ay may pagka-makatuwiran at pagsunod, maaari tayong humakbang sa landas ng may paggalang sa Diyos.
3. Pagkilala sa Disposisyon ng Diyos
Sabi ng Diyos, “Kung hindi mo nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, kung gayon ay magiging imposible para sa iyo na isagawa ang gawain na dapat mong gawin para sa Kanya. Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, kung gayon ay magiging imposible para sa iyo na magkaroon ng pagpipitagan at takot sa Kanya; sa halip, magkakaroon lamang ng walang-ingat na pagwawalang-bahala at kasinungalingan, at idagdag pa rito ang hindi na maiwawastong kalapastanganan.” “Una sa lahat, alam natin na ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot; hindi Siya isang tupa na kakatayin ninuman, lalong hindi Siya isang tau-tauhang kokontrolin ng mga tao kahit paano nila gusto. Hindi rin Siya isang hungkag na uutus-utusan. Kung talagang naniniwala ka na mayroong Diyos, dapat ay mayroon kang pusong may takot sa Diyos, at dapat mong malaman na ang Kanyang diwa ay hindi maaaring galitin.”
Mula sa mga salitang ito, malinaw nating nakikita na ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos ay napakahalaga sa ating pagtamo ng paggalang sa Diyos. Maraming mga tao ang naniniwala na ang disposisyon ng Diyos ay tanging mahabagin at puno ng awa, kaya kahit gaano man karaming mga kasalanan ang nagawa ng tao o kahit gaano karaming mga bagay na di naaayon sa Diyos na ginawa ng tao, patatawarin sila ng Diyos hangga’t sila’y nagsisisi. Sa ganitong pananaw, marami sa ating ang walang puso na may takot sa Diyos o anupaman at madalas na nakagagawa ng mga kasalanan upang kalabanin ang Diyos. Sa katunayan, ang disposisyon ng Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng pagkamahabagin at awa, ngunit pati na rin ang pagka-makatuwiran, kamahalan, at galit. Sa mga yaong kumalaban sa Diyos at nasaktan ang disposisyon ng Diyos, ang Diyos ay mapagparusa at sumpa. Tulad ng banda ni Kora noong Kapanahunan ng Kautusan, sinuway nila si Moises at sinabing kumuha ng labis si Moises sa kanya. Sa pagsabi sa mga salitang ito, sa panlabas mukhang sila ay sumuway sa isang tao, ngunit sa kalooban sila ay sumusuway sa Diyos, sapagkat si Moises ay isang tao na ginamit ng Diyos. Ang kanilang mga pagkilos ay seryosong nakakasakit sa disposisyon ng Diyos, at hinayaan ng Diyos ang lupa na buksan ang bunganga nito at nilamon silang lahat. Ang isa pang halimbawa ay si Judas na nagbenta sa Panginoong Jesus. Bagaman siya ay isang alagad ng Panginoon, madalas niyang ninanakaw ang pera ng Panginoon. Sa huli, nasaktan niya ang disposisyon ng Diyos at natamo ang parusa ng Diyos sa pagbebenta ng Panginoon—namatay siya na bumubulwak ang kanyang bituka. Ang pangatlong halimbawa ay sina Ananias at Sapphira na nagsinungaling sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng hindi pag-amin na itinago nila para sa kanilang mga sarili ang ilang pera na kanilang natanggap. Pinarusahan sila ng Diyos at namatay agad. Malinaw, na hindi patatawarin ng Diyos ang mga tao sa anumang kasalanan na kanilang nagawa. Ang ilang mga kasalanan ay maaaring mapatawad ng Diyos, at ang ilan ay hindi mapapatawad. Bilang karagdagan, makikita natin ang katuwiran ng Diyos sa Kanyang pagsunog ng Sodoma na naitala sa Bibliya. Ang mga tao sa Sodoma ay sa huli pinagdusahan ang parusa ng Diyos sapagkat sila ay masasama at mahahalay sa isang tiyak na antas at hindi ninais na magsisi. Kung wala tayong puso na may takot sa Diyos at pinasisiyahan ang laman sa lahat ng bagay at gumagawa ng kasalanan sa kalooban, gayon dadanasin din natin ang parusa ng Diyos na nahahalintulad. Kaya, kapag nalalaman natin na ang katuwiran ng Diyos ay hindi dapat sinasaktan, matatakot tayong masaktan ang Diyos. At bago tayo magsabi o gumawa ng anumang bagay sa hinaharap, isasaalang-alang natin kung alinsunod ito sa kalooban ng Diyos, at hindi tayo mangangahas na sundin ang ating mga kagustuhan na panlaman na gawin ang mga bagay na nakakasakit sa Diyos. Ito ay kung paano tayo magkaroon ng isang pusong may takot sa Diyos at maiiwasan ang kasamaan.
Sa katunayan, ang takot ni Job sa Diyos ay dahil sa kanyang pagka-unawa ng matuwid na disposisyon ng Diyos, tulad ng sinabi ni Job, “Ito ang bahagi ng masamang tao sa Diyos, at ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat. Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay. Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan, at ang kaniyang mga balo ay hindi magsisipanaghoy. Bagaman siya’y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik; Maihahanda niya, nguni’t ang ganap ang magsusuot niyaon. At babahagihin ng walang sala ang pilak. Siya’y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng gamu-gamo, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay. Siya’y nahihigang mayaman, nguni’t hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni’t wala na siya” (Job 27:13–19). Ang pahayag ni Job ay nagpapakita na mayroon siyang ilang kaunawaan ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Alam niya na ang lahat ng mga salita at gawa ng tao ay inoobserbahan ng mga mata ng Diyos, at na walang tao na nakagawa ng pagkakasala ang makakatakas sa Kanyang mga mata. Yaong mga hindi lumalakad sa tamang landas, ay madalas na namumuhay sa kasalanan at hindi nagsisisi, at ang may mga karahasan sa kanilang mga kamay ay mababayaran ng matuwid na pagpaparusa ng Diyos. Samakatuwid, madalas na may takot si Job sa Diyos at itinaboy ang kasalanan sa kanyang aktwal na buhay. Halimbawa, alam niya na ang pagpipista ay kasuklam-suklam sa Diyos; sa takot na masaktan ang Diyos, hindi lamang sa hindi siya sumasama sa kanyang mga anak sa pagpipista, ngunit araw-araw din silang ipinapakibanal. Ang pagkilos ni Job ay hindi maihihiwalay sa kanyang pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos.
Sa isang salita, kung nais nating magkaroon ng isang pusong may takot sa Diyos at layuan ang kasamaan, una sa lahat dapat tayong manalangin sa Diyos at hanapin ang Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay na ating nararanasan. Pangalawa, dapat tayong maging makatuwiran at sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at mga orkestrasyon kapag nakakaranas tayo ng hindi magagandang mga bagay. Panghuli, dapat nating makilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Naniniwala ako na kapag nagsanay tayo ng naaayon sa tatlong mga paraan na ito na nabanggit sa itaas, tayo ay paniguradong magkakaroon ng pagpasok at pagkamit sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pagtataboy sa kasamaan.