Pineperpekto ng Diyos ang tao
sa matuwid Niyang disposisyon!
Katuwira't karingalan,
poot, sumpa, at paghatol,
mga ito'y pangunahin sa disposisyon Niya.
At nang may paghatol pineperpekto Niya ang tao.
Ⅰ
May ilang 'di makaintindi
at nagtatanong,
bakit ang Diyos ay kaya lang perpektuhin ang tao,
sa pamamagitan ng paghatol at sumpa?
Kung tao'y isinumpa ng Diyos,
hindi ba siya mamamatay?
Ⅱ
Kung tao'y hahatulan ng Diyos,
'di ba siya nakondena?
Kung gayon pa'no pa
magagawang perpekto'ng tao?
Ito'ng mga katanungan ng
mga walang alam sa gawain ng Diyos.
Pineperpekto ng Diyos ang tao
sa matuwid Niyang disposisyon!
Katuwira't karingalan,
poot, sumpa, at paghatol,
mga ito'y pangunahin sa disposisyon Niya.
At nang may paghatol pineperpekto Niya ang tao.
Ⅲ
Pagsuway ng tao ay ang isinusumpa ng Diyos,
at hinahatulan Niya ay ang kasalanan ng tao.
Salita man Niya ay mabagsik, salat sa awa,
ibinubunyag Niya ang panloob na diwa ng tao.
Sa gayong paghatol
nakikita ng tao ang diwa ng laman,
kaya't nagpapasakop siya sa pagsunod sa Diyos.
Pineperpekto ng Diyos ang tao
sa matuwid Niyang disposisyon!
Katuwira't karingalan,
poot, sumpa, at paghatol,
mga ito'y pangunahin sa disposisyon Niya.
At nang may paghatol pineperpekto Niya ang tao.
Laman ng tao'y makasalanan,
ukol kay Satanas,
suwail, para makastigo ng Diyos.
Kung kaya, upang sarili ay makilala,
dapat mapasa tao'ng salita ng paghatol ng Diyos.
Lahat ng uri ng pagpipino'y dapat magamit.
At saka lang magbubunga ang gawain ng Diyos.
Paghatol ang pangunahin sa Diyos
sa pagperpekto sa tao.
Pineperpekto ng Diyos ang tao
sa matuwid Niyang disposisyon!
Katuwira't karingalan,
poot, sumpa, at paghatol,
mga ito'y pangunahin sa disposisyon Niya.
At nang may paghatol pineperpekto Niya ang tao.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin