"Paghatol ang Susi sa Kaharian ng Langit" Tagalog Christian Testimony Video
Ang pangunahing tauhan ay ipinanganak sa isang Kristiyanong pamilya at kalaunan ay naging mangangaral sa isang maliit na kongregasyon. Naniniwala siya na ang pagbibigay katuwiran sa pananampalataya ay maaaring magpahintulot sa mga tao na makapasok sa kaharian ng langit. Gayunman, nabasa niya kalaunan ang mga salita ng Diyos sa Biblia: "Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang ginagawa ang kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). "Dapat kayong maging banal, sapagka't ako'y banal" (Levitico 11:45). Hindi niya lang ito maunawaan. Ang mga taong hindi banal ay hindi maaaring makita ang Panginoon, samantalang sa kabila ng pagiging mananamplataya niya sa Panginoon nang maraming taon, nagkakasala at nangungumpisal pa rin siya at hindi magawang magtamo ng kabanalan. Itinanong niya: Mapupunta ba ako sa langit? Pinag-aralan niyang mabuti ang Biblia at bumisita sa mga pastor at elder sa lugar nila o sa ibang bansa para tanungin sila tungkol dito, pero wala siyang nakuhang mga kasagutan. Nang halos nawawalan na siya ng pag-asa sa kanyang pagsasaliksik, nabalitaan niya ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan niya sa wakas na tanging sa pagdanas ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at malinis mula sa mga tiwaling disposisyon siya maaaring mapunta sa langit, at dahil dito, nahanap niya sa wakas ang daan patungo sa kaharian ng langit.