Menu

Nasaan ang Diyos? Paano Natin Mahahanap ang Pagpapakita ng Diyos sa Malalaking Sakuna?

Quick Navigation
1. Masasaksihan Ba Natin ang Pagpapakita ng Diyos sa Pamamagitan ng Paghihintay sa Panginoon na Dumating sa Ulap?
2. Nasaan ang Diyos? Paano Natin Hahanapin ang Pagpapakita ng Diyos?
3. Nagpakita na Ngayon ang Diyos at Gumagawa—Nakilala Mo Ba ang Kanyang Tinig?

Ang mga sakuna tulad ng mga lindol, mga taggutom at mga salot ay naging mas madalas sa mga nakaraang taon. Ang mga propesiya sa Bibliya hinggil sa pagparito ng Panginoon ay talagang natutupad na ngayon, at maraming mga kapatid na tapat na naghihintay sa pagpapakita ng Panginoon ay nakaramdam na Siya ay malamang na nakabalik na. Bakit hindi pa natin siya nababati? Nasaan na Siya? Paano natin hahanapin ang Kanyang pagpapakita? Sa paksang ito, iniisip ng ilang mga tao na hindi pa bumalik ang Panginoon, at naniniwala silang hindi nila kailangang lumabas upang hanapin Siya, sapagkat sinabi ito sa Bibliya, “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). Naniniwala sila na kapag bumalik ang Panginoon, darating Siya sa ibabaw ng isang ulap na may dakilang kapangyarihan at lakas, at dahil hindi pa nakikita ang mga kababalaghang ito, nagpapatunay ito na hindi pa bumabalik ang Panginoon.

Nasaan ang Diyos

Mayroon na ngayong dalawang mag-kakaibang pananaw sa paksang ito, kaya talaga bang bumalik na ang Panginoon o hindi? Paano magpapakita ang Panginoon sa tao kapag Siya ay bumalik? Maaari bang ang paghihintay sa Panginoon na bumaba sa ibabaw ng isang ulap ay garantiya na makikita natin ang Diyos at mababati Siya? I-fellowship natin ng sama-sama ang mga katanungang ito.

Masasaksihan Ba Natin ang Pagpapakita ng Diyos sa Pamamagitan ng Paghihintay sa Panginoon na Dumating sa Ulap?

“Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Batay sa talatang ito ng Banal na Kasulatan, maraming mga kapatid ang naniniwala na, nang muling nabuhay ang Panginoon, umakyat Siya sa langit sa isang puting ulap, at na kapag Siya ay bumalik ay ganoon din ang gagawin Niya gaya ng Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan na nakasakay sa isang puti ulap. Naniniwala sila na, hangga’t hindi nila nakikita ang kababalaghan na ang Panginoon ay bumababa sa ibabaw ng isang ulap, kung gayon ito ay nagpapakita na ang Panginoon ay hindi pa dumarating. Ngunit nakatitiyak ba tayo na ang pag-unawa na ito ay ganap na umaayon sa kalooban ng Diyos? Sabi ng Bibliya, “Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ni Jehova. Sapagka’t kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip(Isaias 55:8–9). Ang karunungan ng Diyos ay umaabot nang mas mataas kaysa sa kalangitan, kaya paano tayong mga nilikhang sangkatauhan na maunawaan ang gawain ng Diyos? Kung paano magpapakita ang Panginoon at gagawa sa mga huling araw ay isang bagay na hindi natin matutukoy na mga tao. Halimbawa, sa simula ay ipinropesiya ng Bibliya ang pagdating ng Mesiyas, ngunit pagkatapos ay dumating ang Panginoong Jesus—ito ba ay isang bagay na maiisip nating mga tao? Sapagkat ang mga Fariseo sa panahong iyon ay labis na mapagmataas at mayabang, at dahil sila ay kumapit sa kanilang sariling mga paniwala at haka-haka, sinuway nila ang Diyos. Kahit gaano ka-awtoridad o ka-makapangyarihan ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, nagpatuloy pa rin sila sa kanilang sariling mga paniwala at haka-haka upang limitahan ang gawain ng Diyos. Naniniwala sila na ang Mesiyas ay gumagamit ng kapangyarihang pampulitika, na tiyak na ipapanganak Siya sa isang palasyo, at na Siya ay magiging kahanga-hanga sa Kanyang hitsura. Nang makita nila ang Panginoong Jesus, samakatuwid, at nakita na Siya ay isang ordinaryong Judio lamang, na hindi Siya pinangalanan na Mesiyas at hindi ipinanganak sa isang palasyo, tumanggi silang tanggapin ang gawain ng Panginoon, at umabot pa hanggang sa nakipagsabwatan sa mga awtoridad ng Roma upang ipako ang Panginoong Jesus sa krus, at sa gayon ay pinarusahan sila ng Diyos. Kahit gaano kinondena o nilabanan ng mga Fariseo ang Panginoon, gayunpaman, ang pagpapakita at gawain ng Panginoon ay mga katotohanan, at nakumpleto Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Samakatuwid, kung ang Diyos ay nagpakita at gumagawa ay hindi matutukoy batay sa kung kinikilala ito ng mga tao o hindi, kundi sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Ang mga sakuna ay madalas na nangyayari, ang estado ng Israel ay muling bumangon, at apat na mga bloodmoon ang nakita—lahat ng mga bagay na ito ay ang katuparan ng mga propesiya ng pagdating ng Panginoon. Kung ang Panginoon ay nakabalik na at gayunpaman ay naghihintay pa rin tayo sa pagbaba Niya sa ulap, hindi ba tayo mas nanganganib dahil sa pag-ulit ng parehong pagkakamali ng mga Pariseo nang nilabanan nila ang Panginoong Jesus? Tulad ng sabi ng mga salita ng Diyos: “Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, yamang wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang makilala ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong lahat na hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang lahat na itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito?

Sa katunayan, tungkol sa kung paano eksaktong darating ang Panginoon sa mga huling araw, bukod sa mga propesiya sa Bibliya tungkol sa Panginoon na bumababa sa isang ulap, mayroong iba pang mga propesiya na nagsasabi tungkol sa pagdating ng Panginoon sa lihim: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo(Pahayag 3:3). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko(Pahayag 3:20). Ang mga salita sa mga talatang ito ng Banal na Kasulatan, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw” at “ay paririyan akong gaya ng magnanakaw” ipinapakita na kapag ang Panginoon ay bumalik Siya ay darating na tahimik, na Siya ay bababa sa lihim sa sangkatauhan, at kakatok sa ating mga pintuan ng Kanyang mga salita. Kung ang Panginoon ay magpakita sa atin sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagbaba sa isang ulap, paano matutupad ang mga propesiya na ito? Kung ang Panginoon ay dumating sa isang ulap, kakailanganin pa ba Niyang kumatok sa ating mga pintuan? Kung ang Panginoon ay nagpakita sa lahat ng naniniwala sa Kanya sa pamamagitan ng pagdating sa isang ulap, kung gayon walang sinumang mangangahas na labanan Siya, at lahat ay luluhod sa Kanyang paanan. Kung nangyari iyon, paano magaganap ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa gawain ng Panginoon na paghiwalayin ang trigo sa mga pangsirang damo, mga tupa mula sa mga kambing, at ang mga matalinong dalaga sa mga mangmang na dalaga kapag Siya ay bumalik? Kaya’t hindi tayo maaaring kumuha ng ilan lamang na mga talata ng propesiya at gamitin ito upang matukoy na ang Panginoon ay magpapakita sa atin sa pamamagitan ng pagbaba sa isang puting ulap kapag Siya ay bumalik, dahil sa paggawa nito ay malamang na hindi natin maiintindihan ang kalooban ng Diyos.

Nasaan ang Diyos? Paano Natin Hahanapin ang Pagpapakita ng Diyos?

Hahanapin ang Pagpapakita ng Diyos

Sa pagbabase ng ating talakayan sa mga propesiyang Biblikal, natalakay natin ang tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon sa isa pang paraan, ang pagbalik nang lihim. Kaya, paano natin hahanapin ang pagpapakita ng Diyos? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin(Juan 10:27). At sa Pahayag, ito ay nakapropesiya ng maraming beses na “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos at sa mga propesiya sa Pahayag na, upang mahanap ang pagpapakita ng Panginoon, hindi tayo maaaring basta na lamang maghintay upang bumaba ang Panginoon sa isang ulap. Sa halip, dapat nating matutunang makinig sa tinig ng Diyos at hanapin kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Nasaan ang mga yapak ng Diyos? Nakuha na ba ninyo ang sagot? Marami sa magiging sagot ng mga tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa gitna niyaong mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay nasa ating kalagitnaan; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng mala-pormulang sagot, nguni’t naiintindihan ba ninyo kung ano ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos o ng Kanyang mga yapak? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang pagdating sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dala ang Kanyang sariling pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isang kapanahunan. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang tanda, isang larawan, isang himala, o isang uri ng malaking pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at aktwal na pangyayari na nahihipo at nakikita ng sinuman. Ang ganitong uri ng pagpapakita ay hindi upang sumunod lamang sa agos, o para sa kapakanan ng isang pangmaikling panahong pagbalikat; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto ng gawain sa Kanyang plano ng pamamahala. …

Dahil dito, yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalo pang hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang kanyang payo, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat.

Ang mga salita ng Diyos ay nagpapahintulot sa atin na maunawaan na kung nais nating masaksihan ang pagpapakita ng Diyos at mahanap ang mga yapak ng Diyos, kung gayon ang pinakamahalaga ay hanapin natin ang mga pagbigkas ng Diyos. Naniniwala tayo na ang pagsaksi sa pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang makita ang espirituwal na katawan ng Panginoon na nakasakay sa isang puting ulap at biglang lumitaw sa harap natin. Sa katunayan, ang pagpapakita ng Diyos sa tao ay hindi isang tanda ng anupaman, at hindi ito isang panandaliang pagpapakita. Sa halip, ang Diyos Mismo ay bumaba sa gitna ng tao upang isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan, upang isara ang lumang kapanahunan, upang ipagkaloob ang katotohanan sa tao at pamunuan ang tao sa bagong kapanahunan. Kung nakita natin ang mga bagong pananalita ng Diyos, samakatuwid, maririnig natin ang Kanyang tinig at masasaksihan ang Kanyang pagpapakita. Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, tinapos Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ang bagong kapanahunan, ipinahayag ang paraan ng pagsisisi, tinuruan ang mga tao na mangumpisal at magsisi, maging mapagparaya at mapagpasensya, at mahalin ang kanilang mga kaaway, at higit pa. Inihayag din Niya ang mga misteryo ng makalangit na kaharian at mga kondisyon upang makapasok sa langit, at iba pa. Sinabi Niya ang mga bagay na tulad ng, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17) at “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Ang mga salitang ito ay nauugnay sa kung paano tayo makakapasok sa kaharian ng langit, at ang mga ito’y napaka-tumpak, pati na rin kapwa may awtoridad at kapangyarihan. Walang sinumang tao ang maaaring magsabi ng gayong mga salita, ngunit sa halip ito ang mga pagpapahayag ng nagkatawang-taong Diyos sa mundo. Ang mga nakapakinig sa mga sermon ng Panginoong Jesus, na nakikilala ang mga ito bilang tinig ng Diyos at tinanggap ang gawain ng Panginoong Jesus ay ang mga nakasaksi sa pagpapakita ng Diyos at sumunod sa Kanyang mga yapak. Ang mga yaong, sa kabilang banda, na mahigpit na kumapit sa mga batas at naghihintay lamang sa pagdating ng Mesiyas, ay tumanggi pa ring kilalanin na Siya ang pagpapakita ng Diyos kahit na narinig ang mga salita ng Panginoong Jesus at nakita na ang mga himalang ginawa Niya ay hindi makakayang magawa ng tao. Ngunit sa halip ay hinatulan at kinondena nila ang Panginoong Jesus, na sinasabi na nagsasalita Siya ng kalapastangan at pinalayas Niya ang mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebub. Ang mga taong ito ay hindi nakikilala ang tinig ng Diyos at ang mga mangmang na dalaga, at sila ang mga ibinunyag at tinanggal ng Diyos. Upang salubungin ang pagpapakita ng Panginoon, samakatuwid, mahalaga para sa atin na maingat na makinig sa tinig ng Diyos. Ang Panginoong Jesus ay matagal ng nagpropesiya na magpapahayag Siya ng maraming mga katotohanan sa pagbabalik Niya, halimbawa: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Sa Juan 17:17, sinabi Niya, “Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.” at sabi ng 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Ang mga talatang ito ay nagpapakita na kapag bumalik ang Panginoon, magpapahayag Siya ng mas higit at mataas na mga katotohanan kaysa sa mga yaong ipinahayag sa Kapanahunan ng Biyaya, ayon sa ating tayog. Iyon ay, ipapahayag Niya “makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” at isasagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Gagamitin Niya ang mga katotohanang ipinahahayag Niya upang linisin tayo sa ating mga katiwalian, upang palayain tayo mula sa mga gapos ng kasalanan, at upang dalisayin tayo upang makapasok tayo sa kaharian ng Diyos. Upang masalubong ang pagpapakita ng Panginoon, samakatuwid, ang ating agarang gawain ay ang hanapin kung ano ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia.

Nagpakita na Ngayon ang Diyos at Gumagawa—Nakilala Mo Ba ang Kanyang Tinig?

Saan tayo pupunta kung gayon upang hanapin kung ano ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia? Ang katotohanan ay matagal nang bumalik ang Panginoon bilang ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Nagkatawang-tao Siya bilang ang Anak ng tao at lumitaw sa Tsina upang maisagawa ang Kanyang gawain. Ipinahayag Niya ang lahat ng mga katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, isinagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, at tinapos na Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay nakarating na ngayon sa Kanluran, at ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay isinalin sa mahigit na 20 wika na inilathala sa online para sa lahat ng sangkatauhan upang maghanap at magsaliksik. Tinutupad nito ang propesiya sa Bibliya na nagsasabing, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Sa mga huling araw, inihayag ng Makapangyarihang Diyos ang misteryo ng anim-na-libong-taong pamamahala ng Diyos, ipinahayag ang makasalanang ugat ng paglaban ng tao sa Diyos, at ipinakita sa atin ang landas upang madalisay at maligtas. Ang mga katotohanang ito ay ang tunay na liwanag na lumalabas sa Silangan at sumisikat kahit sa Kanluran. Basahin natin ngayon ang ilang mga sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at makikita natin sa ating sarili kung ang mga ito ay katotohanan, at kung ang mga ito ba ay tinig ng Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa loob ng maraming taon ng Aking gawain, ang tao ay nakakatanggap ng marami at nagsusuko rin ng marami, datapwa’t sinasabi Ko pa rin na ang tao ay hindi totoong naniniwala sa Akin. Ito ay sapagkat ang tao ay kumikilala lamang na Ako ay Diyos gamit ang kanilang mga labi habang sumasalungat sa katotohanan na Aking sinasabi at, lalong hindi isinasagawa ang katotohanan na Aking kinakailangan sa kanila. Ibig sabihin, kinikilala lamang ng tao ang pag-iral ng Diyos, ngunit hindi yaong sa katotohanan; kinikilala lamang ng tao ang pag-iral ng Diyos, ngunit hindi yaong sa buhay; kinikilala lamang ng tao ang pangalan ng Diyos, ngunit hindi ang Kanyang diwa. Dahil sa kanyang sigasig, ang tao ay nagiging kasuklam-suklam sa Akin. Sapagkat gumagamit lamang ang tao ng mga salitang masarap pakinggan upang linlangin Ako, at walang sumasamba sa Akin nang may tapat na puso. Ang inyong pananalita ay nagtataglay ng tukso ng ahas; higit pa, ito ay sukdulang mapagmataas, isang mistulang proklamasyon ng arkanghel. Bukod diyan, ang inyong mga gawa ay gula-gulanit at punit sa isang kahiya-hiyang antas; ang inyong walang-habas na mga pagnanasa at mapag-imbot na intensyon ay masakit sa pandinig. Kayong lahat ay naging mga gamu-gamo sa Aking bahay, mga bagay na dapat itapon nang may pagkamuhi. Dahil walang sinuman sa inyo ang nagmamahal sa katotohanan, bagkus ay mga tao na naghahangad ng biyaya, ng pag-akyat sa langit, at makita ang kagila-gilalas na pangitain ni Cristo na gumagamit ng Kanyang kapangyarihan sa lupa. Ngunit naiisip ba ninyo kahit kailan kung paano ang isang tulad ninyo na napakalalim ang katiwalian, at hindi nakakaalam man lamang kung ano ang Diyos, ay magiging karapat-dapat na sumunod sa Diyos? Papaano kayo makakaakyat sa langit? Paano kayo magiging karapat-dapat na makita ang karingalan, na walang katulad sa kaningningan?

Ang layunin ng pananampalataya ninyo sa Diyos ay upang gamitin ang Diyos para tuparin ang inyong mga layunin. Hindi ba ito higit pang patunay ng inyong pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos? Naniniwala kayo sa pag-iral ng Diyos na nasa langit ngunit itinatanggi yaong sa Diyos na nasa lupa. Gayunpaman, hindi Ko sinasang-ayunan ang inyong mga palagay. Ang Aking pinapupurihan ay yaong mga tao lamang na nananatiling nakatungtong sa lupa at naglilingkod sa Diyos na nasa lupa, nguni’t hindi kailanman yaong hindi kumikilala kailanman sa Cristo na nasa lupa. Gaano mang katapat ang gayong mga tao sa Diyos na nasa langit, sa huli, hindi pa rin sila makakaligtas sa Aking kamay na nagpaparusa sa mga masama. Ang mga taong ito ay ang masasama; sila ay siyang masasama na lumalaban sa Diyos at hindi kailanman nagagalak sa pagsunod kay Cristo. Mangyari pa, kasama sa kanilang bilang ang lahat ng hindi nakakakilala, at, lalong higit, hindi kinikilala si Cristo.

Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri?

Ngayon na nabasa na natin ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos na humahatol at naghahayag sa tao, nagtitiwala ako na ang mga kapatid na nagtataglay ng parehong puso at espiritu ay makakayang maramdaman ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos at makita ang pagpapakita ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nilalantad ang ating mga tiwaling disposisyon na nasasaktan sa katotohanan, ng pagiging sakim, ng pagiging mapanlinlang, ng pagiging mapagmataas at may pagmamalaki, at higit pa, pati na rin ang mga maling pananaw na pinanghahawakan natin sa ating paniniwala sa Diyos. Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng paggawa at pagsisikap, sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat, at sa pamamagitan ng pagdurusa at pagbabayad ng presyo, tayo ang mga pinakamamahal ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa paghatol ng mga salita ng Diyos ay makikita natin na ang ating mga disposisyon ay masyadong mapagmataas, at kapag ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay hindi alinsunod sa ating sariling mga paniwala, makakaya nating umabot hanggang sa limitahan ang gawain ng Diyos sa ating sariling mga paniwala at imahinasyon. Makikita rin natin na ang ating pananalig sa Diyos ay masyadong marumi; hindi tayo naniniwala sa Diyos upang makamit natin ang katotohanan at mabayaran ang Kanyang pag-ibig, ngunit sa halip ay upang magkaroon tayo ng mga pagpapala, maiwasan ang mga sakuna at makapasok sa kaharian ng langit. Bagaman maaari tayong gumugol ng ating sarili para sa Diyos, subalit hindi tayo tunay na sumusunod sa Diyos o nagmamahal sa Diyos. Kapag pinagpapala tayo ng Diyos, nais nating gugulin ang ating sarili para sa Kanya, ngunit kapag dumaranas tayo ng mga paghihirap at pagsubok, hindi natin mapigilan ang ating sarili na magreklamo at sisihin ang Diyos, at nag-aalinlangan din tayo sa Diyos at tinatanggihan natin Siya. Kung wala ang paghatol ng mga salitang ito, wala tayong pagkilala sa sarili, at kakanta pa rin tayo ng ating sariling mga papuri, na naniniwala sa ating sarili na mga taong nagmamahal at sumusunod sa Diyos, at kung sino ang madadala sa kaharian ng langit kapag bumalik ang Panginoon. Matapos nating tanggapin ang paghatol ng mga salita ng Diyos, gayunpaman, nalaman natin kung gaano kabanal at matuwid ang Diyos. Napagtanto natin na ang hindi pagpupursige ng katotohanan o hangarin na alisin ang ating sarili sa kasalanan sa ating pananampalataya sa Diyos, ngunit sa halip ay naniniwala lamang sa Kanya upang makatanggap ng mga pagpapala at makakuha ng biyaya, ay ang paggamit sa Diyos at nakakasakit sa Kanyang disposisyon. Pagkatapos ay hindi na tayo mangangahas na sabihin na masunurin tayo sa Diyos, at madarama natin na napatiwali tayo nang labis, at dapat tayong magmadali upang magpursige ng katotohanan, talikuran ang ating laman, at makawala sa ating mga tiwaling disposisyon. Kasabay nito, mauunawaan natin ang matinding pag-aalaga at pag-iisip na inilalagay sa pagpapahayag ng katotohanan at paghatol sa sangkatauhan ni Cristo ng mga huling araw. Naunawaan natin na, kahit na ang mga salita ng paghatol ng Diyos para sa tao ay maaaring maging mahigpit, lahat ng mga ito ay sinasalita upang makapagnilay tayo sa ating sarili at makamit ang tunay na pagsisisi at pagbabago. Sa loob ng matuwid na disposisyon ng Diyos ay matatagpuan ang awa ng Diyos para sa atin. Kung hindi natin daranasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, hindi natin makikita kung gaano kalalim tayo napatiwali ni Satanas, hindi natin malalaman ang matuwid, marilag na disposisyon ng Diyos na hindi mapapasubalian, ang puso na may takot sa Diyos ay hindi aangat sa loob natin, at hindi natin mapapalaya ang ating sarili mula sa mga gapos ng kasalanan at maging tunay na masunurin sa Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao na ipinapahayag ang Kanyang mga salita, na ang mga salita ay maaaring magpakita ng banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na walang bahid ng kasalanan? Sino pa ang makakahatol at makapagbubunyag ng ating tiwaling kakanyahan sa kanilang mga salita? Ang lahat ng mga katotohanan na ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na humahatol at dinadalisay ang tao ay buong naghahayag ng pagkakakilanlan at posisyon ng Diyos; Ang Kanyang mga katotohanan ay paghatol at pagkondena para sa tao, ngunit ang mga ito rin ay pagdadalisay at kaligtasan. Sa mga huling araw at bago dumating ang matinding kapighatian, ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang hanapin ang mga taong naghahangad para sa Kanyang pagpapakita. Katulad ito sa panahon ni Noe. Bago bumagsak ang malaking baha, inutusan ng Diyos si Noe na maikalat ang ebanghelyo upang mailigtas ang mga tao, at ang mga taong tatanggap ng ebanghelyo at naniwala sa mga salita ng Diyos ay nakaligtas. Narinig ng walong miyembro ng pamilya ni Noe ang Kanyang mga salita at sumunod. Sumakay sila sa arka at kaya nakaligtas, samantalang ang mga hindi nakakita ng mga katotohanan at sa gayon ay hindi naniniwala ay nawasak ng baha. Ngayon sa mga huling araw, ang mga tumatanggap ng paghatol sa mga salita ni Cristo ng mga huling araw ay nadalisay at nabago. Ang mga ito ay ginawang mga mananagumpay ng Diyos bago dumating ang matinding kapighatian, pinangunahan sila ng Diyos sa susunod na kapanahunan at mamanahin nila ang mga pagpapala at pangako ng Diyos. Kapag ang Diyos ay nakagawa na ng grupo ng mga mananagumpay, pakakawalan ng Diyos ang matinding kapighatian at gagantimpalaan Niya ang mabuti at parurusahan ang masama. Siya ay bababa sa isang ulap at ihahayag ang Kanyang sarili nang lantad sa tao, at ang mga naghihintay lamang na bumaba ang Panginoon sa isang ulap at tumanggi na tanggapin ang lihim na gawain ng Diyos sa panahong ito ay mapupuksa sa mga sakuna at parurusahan, at marami ang mananaghoy at magngangalit ang mga ngipin. Ito ang magiging katuparan ng propesiya sa Bibliya na nagsasabing, “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30).

Paano natin sa gayon pakikitunguhan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw upang maaari tayong umayon sa kalooban ng Diyos? Sabi ng MakapangyarihangDiyos, “Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lamang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig na sa katotohanan subali’t minamaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig na sa katotohanan subali’t walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatwiran at tumatanggap sa katotohanan. Marahil, dahil narinig mo na ang daan ng katotohanan at nabasa na ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Biblia, at sa gayo’y dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag maging masyadong tiwala sa sarili, at huwag masyadong magmalaki. Kapag may kaunting paggalang sa Diyos sa puso mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung ang mga iyon ay ang katotohanan o hindi, at kung ang mga iyon ay buhay o hindi.” Sa loob ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay namamalagi ang Kanyang mga inaasahan para sa atin. Inaasahan ng Diyos na, kapag nakatagpo natin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, hindi natin ito lilimitahan ng ating mga pananaw at imahinasyon, ngunit sa halip tayo ay maging mapagpakumbabang naghahanap ng katotohanan, na nakikinig tayo sa mga katotohanan na ipinapahayag ng Diyos, at naghahangad na matuklasan kung ang mga katotohanang ito ay tunay na tinig ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng paggawa nito magagawa nating mabati ang pagpapakita ng Panginoon, sapagkat kung hindi, ay magugugol lamang tayo ng maraming taon sa paniniwala sa Diyos ngunit mapapalampas ang pagkakataong ito upang batiin ang Panginoon, at huli na para sa pagsisisi.

Mag-iwan ng Tugon