Tagalog Christian Song | "Diyos ang Walang-Hanggang Suporta ng Tao"
Ⅰ
Kahit si Jesus ay nabuhay mang mag-uli,
puso Niya't gawai'y 'di iniwan ang tao.
Sa pagpapakita Niya sa tao ay Kanyang sinabi
naroon Siya, anuman ang Kanyang anyo.
Lalakad Siyang kasama nila,
sa lahat ng oras at lugar, sasamahan sila,
maglalaan, magpapastol, magpapahawak, makikita,
kaya 'di na madaramang wala silang magawa.
Lahat ng ginawa ni Jesus matapos mabuhay na muli
ay nagpakita ng pag-asa't malasakit sa tao,
na may malasakit Siya't pagtatangi sa kanila.
Gan'on pa rin naman, 'di nagbabago.
Ⅱ
Gustong ipaalam ni Jesus sa mga tao
'di sila nag-iisa sa mundo.
May malasakit ang Diyos sa kanila,
at kasama Niya sila,
Siya ang kanilang masasandigan.
Sa Kanyang mga alagad, Siya'y kapamilya.
Nakasandig sa Kanya, 'di sila nag-iisa.
Yaong tanggap Siyang alay sa kasalanan
ay makakawala sa kasalanan.
Lahat ng ginawa ni Jesus matapos mabuhay na muli
ay nagpakita ng pag-asa't malasakit sa tao,
na may malasakit Siya't pagtatangi sa kanila.
Gan'on pa rin naman, 'di nagbabago.
Ⅲ
Gawain ni Jesus matapos na muling mabuhay,
para sa tao, maliliit na bagay.
Nguni't sa Diyos, ito'y may saysay,
mahalaga't importanteng bagay.
Tinatapos ng Diyos ang Kanyang sinimulan.
May mga hakbang at plano,
ipinapakita Kanyang karunungan,
Kanyang kapangyariha't mga dakilang gawa,
maging ang Kanyang pag-ibig at awa.
Lahat ng ginawa ni Jesus matapos mabuhay na muli
ay nagpakita ng pag-asa't malasakit sa tao,
na may malasakit Siya't pagtatangi sa kanila.
Gan'on pa rin naman, 'di nagbabago.
Ⅳ
Ang dahilan ng lahat ng gawain ng Diyos
ay nagmamalasakit Siya sa tao,
at talagang nag-aalala sa kanila.
Mga damdaming 'di Niya mabalewala.
Lahat ng ginawa ni Jesus matapos mabuhay na muli
ay nagpakita ng pag-asa't malasakit sa tao,
na may malasakit Siya't pagtatangi sa kanila.
Gan'on pa rin naman, 'di nagbabago.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin