Menu

Alam Mo Ba? Mayroong Nakatagong Misteryo sa Pagbabalik ng Panginoon

Isang araw nakakita ako ng isang mainit na talakayan online; sinasabi ng mga tao na ang pagpapakita sa gabi ng apat na blood moon sa Kanlurang hemispero ay isang babala ng katapusan ng panahon, at ang mga malalakas na lindol ay nagiging mas madalas sa buong mundo. Naisip ko sa aking sarili, “Ang apat na blood moon ay nangyari na, lumitaw na ang mga hindi pangkaraniwang bagay sa kalangitan, madalas na nangyayari ang mga sakuna sa buong mundo, dumarami ang mga insidente ng terorista, patuloy na sumisiklab ang mga giyera…. Ipinapakita ng lahat ng mga palatandaan na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natutupad na, kaya’t bakit hindi ko pa Siya nakita na bumababa sa ulap upang katagpuin tayo? Iyon ba ay dahil hindi pa nakabalik ang Panginoon o na Siya ay bumalik na, ngunit hindi ko Siya nakita? Paano ko masasalubong ang Kanyang pagbabalik?” Ang pagkalito na ito ay nakapagpabalisa sa aking puso at iniiwan akong naguguluhan. Sinusubukang makakuha ng kaunting kalinawan sa isyung ito, nagsimula akong magdasal nang magdasal sa Panginoon, humihiling sa Kanya na bigyang-liwanag at gabayan ako upang magawa kong salubungin ang Kanyang pagbabalik at hindi Niya alisin.

Pagkalipas ng ilang panahon, si Sister Gan, na hindi ko nakita nang ilang buwan, ay dumating upang makita ako; Alam kong isinaayos ito ng Panginoon. Si Sister Gan ay nagtatrabaho para sa Panginoon sa loob ng maraming taon at siya ay isang maalalahanin, maunawain na tao. Naisip ko na maaaring malutas niya ang isyu kong ito, kaya sinabi ko, “Sister Gan, mayroong isang bagay na medyo kinalilituhan ko na nais kong siyasatin. Nakatala ito sa Biblia, ‘At kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Lucas 21:27). ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya. Gayon din, Siya nawa(Pahayag 1:7). Sinasabi nito na sa pagdating ng Panginoon ay bababa Siya sa ulap nang may dakilang kaluwalhatian at kapangyarihan; hayagan Siyang magpapakita at makikita Siya ng lahat. Kaya, lagi nating hinihintay ang Kanyang pagdating sa ulap upang dalhin tayo sa langit. Sa buong mundo ngayon ay palaging may mga sakuna, lindol, taggutom, at madalas na pagsiklab ng mga giyera, kasama ang maraming hindi pangkaraniwang bagay sa kalangitan. Ipinapakita ng lahat ng mga palatandaan na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natutupad, kaya bakit hindi pa natin Siya nakikita na bumababa sa ulap upang katagpuin tayo? Ano ba talaga ang nangyayari?”

Pinakinggan ni Sister Gan ang gusto kong sabihin, pinag-isipan ito nang kaunti, at pagkatapos ay sinabi, “Ang tanong mong ito ay isang bagay na nais maunawaan nating lahat na umaasang salubungin ang ikalawang pagdating ng Panginoon. Kung nais nating salubungin ang Kanyang pagbabalik, kailangan muna nating malaman kung paano talaga darating ang Panginoon sa mga huling araw—napakahalaga nito! Sa katunayan, may mga propesiya sa Biblia tungkol sa ibang paraan na darating ang Panginoon, hindi lamang pagdating sa ulap na gaya ng nabanggit mo. Halimbawa, nariyan ang Pahayag 16:15: ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.’ At sinasabi sa Pahayag 3:3, ‘Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo.’ Idagdag rin ang Mateo 24:44, ‘Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.’ Isinasaad ng mga propesiyang ito na Siya ay darating sa lihim, gaya ng isang magnanakaw, at walang makakaalam. Sister, tingnan mo ang mga kasulatan na napag-usapan pa lamang natin: Sa ilang dako sinasabi nitong ang Panginoon ay babalik nang hayagan sa ulap, sa ilang dako sinasabi nito na Siya ay lihim na darating at walang makakaalam. Napag-isipan na ba natin ito? Bakit ang mga propesiya tungkol sa parehong bagay, ang pagbabalik ng Panginoon, ay nagsasabi ng magkaibang mga bagay?”

Hindi ko masyadong naunawaan ang kanyang sinabi, at naisip ko, “Tama iyon. Sinasabi sa Pahayag 1:7 na ‘Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya,’ nguni’t sinasabi ng Pahayag 16:15 na ‘Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.’ Ano ang ibig sabihin nito? Paano ba talaga darating ang Panginoon?”

Naguguluhan, tumugon ako kay Sister Gan, “Ang ilan sa mga propesiyang ito ay nagsasabi na ang Panginoon ay hayagang bababa, habang ang ilan ay nagsasabi na Siya ay darating sa lihim. Lumilitaw na magkasalungat sila, ngunit alam ko na walang anumang mga butas sa mga salita ng Panginoon at hindi ko lamang ito maunawaan ngayon. Mangyaring magbigay ka ng ilang pagbabahagi sa akin tungkol dito.”

Nakangiti, sinabi ni Sister Gan, “Ang Panginoon ay tapat at ang mga propesiyang ito ay matutupad—sila ay magaganap. Bagaman sila ay lumilitaw na magkasalungat, hindi naman sila talagang magkasalungat. Ang ‘gaya ng magnanakaw’ ay nagsasabi na ang Panginoon ay magbabalik nang palihim, at ang ‘pumaparitong nasasa mga alapaap’ ay tumutukoy sa Kanyang pagdating nang hayagan. Iyon ay, sa Kanyang pagbabalik una muna Siyang darating sa lihim, at pagkatapos niyon ay hayagan Siyang magpapakita.”

“Una sa lihim at pagkatapos ay hayagan!” naibulalas ko sa pagkabigla.

“Oo, sa pagbabalik ng Panginoon, una Siyang darating nang palihim sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao, at kapag natapos Niya ang gawaing iyon ay darating Siya sa ulap at hayagang magpapakita sa lahat ng mga tao ng lahat ng bansa,” matiyagang ipinaliwanag niya.

Sabik kong sinabi, “Kung gayon Siya ay magkakatawang-tao muna bilang Anak ng tao, dumarating sa lihim, at pagkatapos ay magpapakita sa ulap? Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko iyon!”

Ngumiti si Sister Gan at sinabing, “Tingnan natin ang higit pang mga bersikulo ng Kasulatan at pagkatapos ay mauunawaan mo! Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Binabanggit ng mga bersikulong ito ‘ang Anak ng tao’ at ‘ang pagparito ng Anak ng tao.’ Ang ‘Anak ng tao’ ay naipanganak mula sa isang tao, nagtataglay ng normal na pagkatao, at kumakain, nagsusuot ng damit, nabubuhay, at kumikilos gaya lamang ng isang regular na tao; mukha lamang Siyang karaniwang tao sa panlabas. Gayunman, nagtataglay Siya ng banal na diwa, kayang ipahayag ang katotohanan, at gawin ang gawain upang iligtas ang tao. Ito’y katulad lamang nang ang Panginoong Jesus ay tinawag na ‘ang Anak ng tao’ dahil Siya ang espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao sa laman, at kahit na mula sa panlabas Siya ay mukhang normal, regular, ang katawang-taong iyon ay Diyos sa diwa at nagtataglay ng ganap na kabanalan. Ito ang dahilan kung bakit ang Panginoong Jesus ay si Cristo, kung bakit Siya ang Diyos Mismo. Iyon ang dahilan kung bakit binanggit ng Panginoong Jesus ang ‘Anak ng tao’ at ‘ang pagparito ng Anak ng tao.’ Tumutukoy ang lahat ng iyon sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw sa katawang-tao. Sinasabi rin ng Biblia na, ‘Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.’ Alam nating lahat na tanging kapag binibihisan ng Diyos ang Kanyang sarili ng katawang-tao bilang Anak ng tao at dumarating sa gitna ng sangkatauhan nang lihim ay nabibigo ang mga tao na kilalanin Siya bilang Diyos; ipinapalagay nila ang nagkatawang-taong Anak ng tao bilang isang regular na tao, at iyon ang dahilan kung bakit tinatanggihan nila, sinisiraang-puri, at hinuhusgahan ang Diyos, o naghihimagsik pa at sinasalungat ang Diyos sa katawang-tao. Iyon ang dahilan kung bakit ang Diyos ay ‘magdurusa ng maraming mga bagay.’ Tulad lamang nang nagpakita ang Panginoong Jesus at gumawa sa katawang-tao, dumanas Siya ng pagtanggi, paninirang-puri, panunuya, paglapastangan, at pagkondena mula sa sangkatauhan at sa huli ay ipinako sa krus. Kung ang Panginoon ay bumaba sa isang ulap at lantarang magpakita sa mga tao sa Kanyang pagbabalik, makikita ng lahat iyon, manginginig sa takot, at magpapatirapa sa harapan ng Diyos sa pagsamba. Walang sinuman ang maglalakas-loob na maghimagsik o labanan ang Diyos. Kaya paano matutupad ang ‘Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito’? Kaya’t maaari nating matiyak na ang pagbabalik ng Panginoon ay sa lihim muna, sa katawang-tao, at pagkatapos nito ay hayagan Siyang magpapakita sa ulap.”

Matapos marinig ang sasabihin niya, pinag-isipan ko ito sa aking sarili. “Kung gayon may biblikal na batayan sa pag-angkin na sa pagbabalik ng Panginoon ay darating muna Siya sa lihim, at pagkatapos nito ay hayagan Siyang magpapakita sa ulap. Paano nangyari na nagbabasa ako ng Biblia sa mga taong ito ngunit hindi ko natuklasang babalik Siya sa dalawang magkaibang paraan? Wow! Ngunit bakit magkakatawang-tao muna Siya at darating sa lihim, at pagkatapos ay lantarang magpapakita? Tungkol saan iyon? Kailangan kong magtanong.” Sinabi ko pagkatapos, “Sister Gan, mula sa iyong pagbabahagi nauunawaan ko na ang pagbabalik ng Panginoon ay sa lihim muna at pagkatapos ay hayagan Siyang magpapakita, at ipinapalagay ito sa ganitong paraan, ang mga propesiya sa Biblia ay hindi na lumilitaw na magkasalungat. Ngunit hindi ko talaga maintindihan kung bakit Siya unang darating sa lihim at pagkatapos ay magpapakita nang hayagan. Ano ang kalooban ng Panginoon dito?”

Tumugon si Sister Gan, “Ang katotohanan ng pagkakatawang-tao muna ng Diyos at gumagawa nang lihim at pagkatapos ay lantarang magpapakita sa mga huling araw ay ganap na kinakailangan para sa Kanyang gawain, at ito ay isang bagay rin na kinakailangan nating mga tiwaling tao. Naniniwala tayo sa Panginoon at tinubos na tayo ng Panginoong Jesus; ang ating mga kasalanan ay napatawad na. Gayunpaman, ang ating mga makasalanang kalikasan ay malalim pa ring nakabaon at hindi natin maiwasang madalas na magkasala, o gumawa pa ng mga bagay upang maghimagsik o salungatin ang Diyos. Iyan ay isang hindi maikakailang katotohanan. Sinabi ng Diyos na si Jehova, ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:45). At sinasabi sa Mga Hebreo 12:14, ‘… ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinuman ay di makakakita sa Panginoon.’ Ang mga taong tulad natin na patuloy na nagkakasala at pagkatapos ay nagkukumpisal ay talagang hindi karapat-dapat na makita ang mukha ng Panginoon, at hindi tayo kwalipikadong pumasok sa kaharian ng langit. Iyon ang dahilan kung bakit binigkas ng Panginoong Jesus ang mga propesiyang ito matagal na panahon na ang nakalilipas: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). ‘Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Nariyan din ang Pahayag 2:7: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya Kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.’ Ang nauunawaan ko mula sa mga propesiya na ito ay na pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay magpapahayag Siya ng maraming salita at gagawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Darating Siya upang baguhin, dalisayin, at iligtas ang sangkatauhan at ganap na sagipin tayo mula sa sakop ni Satanas. Ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay kabibilangan din ng paghihiwalay sa mga tao ayon sa kanilang uri—ibubunyag Niya ang mga tunay at huwad na mga mananampalataya, ang trigo at mga panirang damo, ang mga tupa at kambing, pinaghihiwalay ang lahat ayon sa kanilang uri, at pagkatapos ay gagantimpalaan Niya ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sa panahon na ang Diyos ay gumagawa sa lihim, yaong mga tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Diyos ay madadala sa harap ng trono ng Diyos. Mararanasan nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos at magkakaroon ng totoong pagkilala sa kanilang sariling mga maka-satanas na kalikasan at ang ugat ng kanilang paglaban sa Diyos. Magkakaroon din sila ng pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi magpapahintulot sa anumang pagkakasala. Ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay unti-unting madadalisay at mababago; tatahakin nila ang landas ng paghahanap ng katotohanan at ganap na maliligtas ng Diyos. Gayunman, yaong mga hindi naghahanap sa pagpapakita ng Diyos sa panahon ng Kanyang paggawa sa lihim o tinatanggihan pa at kinokondena ang gawain at mga salita ng Diyos ay magiging yaong mga malalantad bilang hindi mananampalataya, bilang mga masasama sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kapag ang lihim na gawain ng Diyos ay dumating sa katapusan, magpapadala Siya ng malalaking sakuna upang simulan ang paggantimpala sa mabubuti at pagparusa sa masasama, at pagkatapos ng mga sakunang ito ay magpapakita Siya sa lahat ng mga tao. Kapag nakita ng mga tumanggi at sumalungat sa Diyos na ang Isa na tinatanggihan at nilalabanan nila ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus ay hahampasin nila ang kanilang mga dibdib, mananaghoy at magngangalit ng kanilang mga ngipin. Tinutupad nito ang mga salitang ito ng Panginoon: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya. Gayon din, Siya nawa(Pahayag 1:7). Mula rito makikita natin na ang gawain ng Diyos ay puno ng karunungan, at ito rin ay isang pagpapahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos.”

Naririnig ang pagbabahaging ito mula kay Sister Gan ay lalong nagpaliwanag sa puso ko; napagtanto ko na ganito matutupad ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Sa pagbabalik ng Panginoon Siya ay magkakatawang-tao muna at darating sa lihim upang ipahayag ang katotohanan, gawin ang gawain ng paghatol, at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay; pagkatapos lamang nito Siya magpapakita nang hayagan sa sangkatauhan. Sinumang hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa panahon ng Kanyang paggawa sa lihim, ngunit sadyang hinahatulan at kinokondena ang gawain at mga salita ng Diyos ay isang taong kinamumuhian ang katotohanan at mahuhulog lamang sa kapahamakan at maparurusahan kapag ang Diyos ay lantarang nagpapakita. Gagamitin din ng Diyos ang pamamaraang ito upang mailantad ang trigo at mga panirang damo, ang mga tupa at kambing, ang mga mabubuti at masasamang lingkod, na pinaghihiwalay ang lahat ng mga tao ayon sa kanilang uri. Napakatalino talaga ng Diyos, napakamakapangyarihan! Hindi ko kailanman naunawaan dati kung paano talaga darating ang Panginoon, ngunit ang alam ko lang ay hangal na tumingala sa mga ulap sa kalangitan na naghihintay sa pagbaba ng Panginoon sa isa sa kanila. Hindi ko talaga hinanap o pinag-isipan ang lahat ng mga propesiya tungkol sa Kanyang ikalawang pagdating at kaya hindi ko napansin ang mga propesiya tungkol sa Kanyang pagdating sa lihim. Napakamapanganib iyon! Kung nanatili akong naghihintay ng ganoon ay hindi lamang sa hindi ko magagawang salubungin ang Panginoon, kundi maiwawala ko rin ang pagkakataon ko na ganap na mailigtas ng Diyos at makapasok sa kaharian ng langit! Medyo nagpabalisa ito sa akin, kaya’t nagmamadali akong nagtanong, “Sister Gan, kung gayon ano ang dapat nating gawin upang mahanap ang gawain ng Panginoon sa Kanyang lihim na pagparito, at salubungin ang Kanyang pagbabalik?”

Ngumiti siya at sinabi, “Kakikita lamang natin mula sa naipropesiya sa Biblia na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay magpapahayag Siya ng mas maraming salita at isasagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng sangkatauhan. Kaya’t ang susi sa pagsalubong sa Kanyang pangalawang pagdating ay ang pagtanggap ng Kanyang mga salita sa mga huling araw at pagsunod sa bagong gawain ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). May kakayahan ang mga tupa ng Diyos na marinig ang tinig ng Diyos; lahat ng mga nakakarinig ng mga pagbigkas ng Diyos at mula sa mga ito ay nagagawang makilala ang Kanyang tinig ay maaaring salubungin ang pagpapakita ng Panginoon. Ito ay katulad lamang ng mga alagad ng Panginoong Jesus, sina Pedro, Juan, Mateo, at iba pa. Nang marinig nila ang mga pangaral ng Panginoong Jesus tungkol sa ebanghelyo ng kaharian ng langit, natukoy nila mula sa Kanyang gawain at mga salita na Siya ang Mesiyas na kanilang hinihintay, at sa gayon ay sinundan nila Siya nang walang pag-aalinlangan. Sila ay mga matatalinong dalaga. Kung nais nating salubungin ang ikalawang pagdating ng Panginoon, kailangan din nating maging mga matatalinong dalaga, na nakatuon sa pakikinig ng Kanyang tinig. Kung naririnig natin ang isang tao na nagsasabing bumalik na ang Panginoon, na Siya ay bumigkas ng mga bagong salita at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng sangkatauhan, hindi tayo maaaring magsayang ng anumang oras sa pagtingin dito. Hangga’t makukumpirma natin na ito ay gawain at mga salita ng Diyos, dapat nating tanggapin at magpasakop dito. Sa ganoong paraan masasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon at makakadalo sa piging kasama Niya.”

Naririnig ang pagbabahagi ni Sister Gan, sabik akong tumugon, “Salamat sa Panginoon! Sa wakas ay alam ko na ngayon na ang susi sa pagsalubong sa ikalawang pagdating ng Panginoon ay ang maging isang matalinong dalaga at maging maingat sa pagdinig sa tinig ng Diyos. Hangga’t nakukumpirma ko na ang mga salita ay binibigkas ng Diyos, dapat akong magmadaling tanggapin ito—iyon ang tanging paraan upang salubungin ang Kanyang pagbabalik. Oh, Sister Gan, ilang buwan pa lamang ang nakakaraan mula nang makita kita. Paanong napakarami ang nauunawaan mo nang napakabilis?”

Masaya niyang sinabi, “Salamat sa Panginoon! Lahat ng mga sinabi ko ngayon ay naunawaan ko lamang matapos kong basahin ang isang aklat. May dala akong kopya ngayon. Kung tingnan kaya nating dalawa ito?”

Nasasabik, tumango ako at sinabing, “Kahanga-hanga!”

Inirekomendang pagbabasa:

Mag-iwan ng Tugon