Mga Propesiya sa Bibliya Tungkol sa Mga Palatandaan ng mga Huling Araw: Ang Paraan upang masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon
Sa kasalukuyan, ang mga lindol, mga taggutom, mga salot, mga pagbaha, mga tagtuyot, at lahat ng uri ng iba pang mga sakuna ay madalas na nangyayari at nagiging mas matindi. Ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay natutupad na at ang araw ng pagdating ng Panginoon ay dumating na. Kaya paano natin hahanapin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon sa mga huling araw? Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Malinaw na iprinopesiya ng Panginoong Jesus, “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Malinaw, ang Panginoon ay magsasalita upang kumatok sa ating mga pintuan kapag bumalik Siya sa mga huling araw. Yaong mga nakikinig sa tinig ng Diyos ay maaaring masalubong ang Panginoon, madala bago ang mga sakuna, at makasama sa pista ang Panginoon. Sasabihin sa iyo ng sumusunod na nilalaman ang mga detalye.
1. Mga Propesiya sa Bibliya Tungkol sa Mga Palatandaan ng mga Huling Araw
Mateo 24:3
At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
Mateo 24:7-8
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
Mateo 24:37-39
At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
Mateo 24:21
Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
Joel 2:30-31
At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Pahayag 6:12-13
At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Sa lahat ng bansa at sa lahat ng dako ng mundo, ang mga lindol, mga taggutom, mga salot, lahat ng uri ng sakuna ay madalas nangyayari. Habang ginagawa Ko ang Aking dakilang gawain sa lahat ng bansa at lahat ng dako, lilitaw nang mas matindi ang mga sakunang ito kaysa sa alinmang panahon simula sa paglikha ng mundo. Ito ang pasimula ng Aking paghatol sa lahat ng tao; pero makahihinga nang maluwag ang Aking mga anak, walang sakunang makararating sa inyo, at pangangalagaan Ko kayo (ibig sabihin mabubuhay kayo pagkatapos sa katawan, pero hindi sa laman, kaya hindi magdurusa ng kirot ng anumang sakuna). Makakasama lang ninyo Ako na namumuno bilang mga hari at hinahatulan ang lahat ng bansa at lahat ng tao, tinatamasa kasama Ko ang mabubuting pagpapala sa mga dulo ng sansinukob. Matutupad lahat ng salitang ito at malapit nang makamtan ang mga ito sa harap mismo ng mga mata ninyo. Hindi Ako mahuhuli kahit isang oras o isang araw, Ginagawa Ko ang mga bagay nang may pambihirang bilis. Huwag mag-alala o mabalisa, at ang pagpapalang ibinibigay Ko sa iyo ay isang bagay na walang sinuman ang makaaagaw mula sa iyo—ito ang Aking mga atas administratibo. Lahat ng tao ay magiging masunurin sa Akin dahil sa Aking mga gawa; hindi lang sila magbubunyi nang magbubunyi, pero higit pa magtatatalon sila sa galak.
Lahat ng sakuna ay isa-isang babagsak; lahat ng bansa at lahat ng lugar ay makakaranas ng mga sakuna—ang salot, gutom, baha, tagtuyot at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang basta nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw, bagkus ay lalawak ang mga iyon sa loob ng palawak nang palawak na mga lugar, at ang mga sakuna ay magiging patindi nang patindi. Sa loob ng panahong ito lahat ng anyo ng mga salot na insekto ay lilitaw nang sunud-sunod, at ang penomeno ng kanibalismo ay mangyayari sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.
Nananatiling buhay ang lahat ng tao sa daigdig sa gitna ng isang salot ng mga mikrobyo at walang sinumang nakakatakas dito. Hindi nila nais na manatiling buhay sa daigdig, nguni’t palagi nilang nararamdaman na may mangyayaring isang bagay na nakahihigit upang makita ito ng mga tao sa sarili nila, kaya pinipilit ng mga tao ang kanilang mga sarili na patuloy na mabuhay. Matagal nang walang lakas ang mga tao sa kanilang mga puso, ginagamit lamang nila ang kanilang di-nakikitang mga pag-asa bilang isang espirituwal na haligi, kaya hinahawakan lamang nila ang kanilang sariling mga ulo gumagawing gaya ng tao, nakakaraos sa kanilang mga araw sa daigdig. Para bang ang lahat ng tao ay mga anak ng diyablong nagkatawang-tao. Kaya nga sinabi ng Diyos: “Natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan.” Dahil sa itsura ng ganitong katayuan inumpisahan ng Diyos na “isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu” tungo sa buong sansinukob, at sinimulang isakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa buong daigdig. Dahil ito sa pagsulong ng ganitong gawain kaya sinimulan ng Diyos na magpaulan ng lahat ng uri ng mga sakuna, kaya naman naililigtas ang mga taong matitigas ang mga puso. Sa mga yugto ng gawain ng Diyos, ang paraan ng pagliligtas ay sa pamamagitan pa rin ng iba’t ibang uri ng mga sakuna at lahat niyaong napabilang ay hindi matatakasan ang mga ito. Sa katapusan lamang ang kalagayan na “kasingpayapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa ‘mga pagtatalo ng bibig at dila’” ay makakayang lumitaw sa daigdig. Ang isang aspeto ng gawain ng Diyos ay ang malupig ang buong sangkatauhan at makamit ang mga taong hinirang sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ang isa pang aspeto ay ang malupig ang lahat ng anak ng paghihimagsik sa pamamagitan ng iba’t ibang sakuna. Isang bahagi ito ng malawakang gawain ng Diyos. Sa paraan lamang na ito maaaring lubusang matatamo ang kaharian sa daigdig na nais ng Diyos, at ito ang bahagi ng gawain ng Diyos na tulad ng dalisay na ginto.
2. Paano Ang Madala Bago ang mga Sakuna at Makasama sa Pista ang Panginoon
Lucas 12:40
Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.
Pahayag 3:20
Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.
Pahayag 3:3
Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.
Pahayag 16:15
Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.
Pahayag 2:11
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Juan 10:27
Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin.
Mateo 7:7-8
Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos
Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kaya kapag tumatanggap ang maraming tao ng katotohanan, hindi sila naniniwalang nakita na nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi maaaring magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Hindi Niya kailangang ipaalam sa tao ang ginagawa Niya o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at higit pa rito, ay dapat itong tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi ninyo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi ninyo dapat Siya ikulong sa sarili ninyong hangganan at limitahan Siya sa sarili ninyong mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ni'yo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod.
Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, nguni’t nangangailangan sa bawa’t isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng substansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, at makayang dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi nagtataglay ng substansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang nagkatawang-taong Diyos; dito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat alamin ito ng tao mula sa disposisyon na ipinahahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang substansya. At sa gayon, sa pag-alam kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyang-pansin ang Kanyang substansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pinapansin ang Kanyang substansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao.
Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang “sumunod sa Kordero saan man Siya pumaroon.” Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng totoong daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga doktrina ay yaong mga naalis na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mabuti. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan?
Inirerekomenda para sa iyo
Kung mayroon kang nakuhang anumang kaalaman o mayroon kang mga katanungan tungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, ay malugod kang mag-iwan sa amin ng iyong mga komento o makipag-ugnay sa amin. Matutuwa kaming maghanap kasama ka ng higit pang mga katotohanan tungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon.